MLB#4

215 12 0
                                    

Josh didn't know what to do and he just kept quiet and nervous.

"I said, Who are you?! Are you deaf?" Pasigaw na tanong ni Ken sa kanya, napakapit lang si Josh sa hoodie na suot nya, "Bakit kasi wrong timing dating nya?" Wika nya sa isip nya.

"M-magpapaliwanag ako." Sabi nya habang nakayuko, hindi sya makatingin sa mukha ni Ken dahil mukhang galit na galit nga ito.

Lumapit si Ken sa kanya at kinuha ang kamay nya kaya napaangat sya ng tingin, "Get out of my house!" Sigaw ni Ken habang hinihila si Josh paalis sa kwarto ni Ken. Pinigilan sya ni Josh.

"Sabi ko, magpapaliwanag ako!" Hindi nya din mapigilang mapasigaw, natigilan si Ken pero andon pa 'rin ang galit sa kanyang mukha. Sino ba naman hindi magagalit sa biglaang stranger na pumasok sa bahay mo?

"A-ako 'yung bunny na nakita mo sa office mo, si Miho." Paliwanag ni Josh, "Do you think I'll believe you?!" Sigaw ulit ni Ken.

"Pwede ba wag mo 'ko sigawan?!" Josh shouted at Ken again. Napatigil si Ken, binitawan nya ang kamay ni Josh.

"Hindi ba halata? Andito 'yung tenga ko tsaka 'yung buntot." Sabi ni Josh at hinawakan ang kanyang dalawang tenga sa kanyang ulo, "Baka fake lang 'yan." Ani Ken habang hindi makatingin kay Josh. He is avoiding something.

"Hindi 'to peke! Hawakan mo pa." Sabi ni Josh at agad na kinuha ang kamay ni Ken para ipahawak ang kanyang tenga, pero agad ito binawi ni Ken, "Paano ko masasabi sa'yong hindi 'to peke kung hindi mo susubukang hawakan!" Medyo may halong pagkairitang sabi ni Josh, si Ken naman ay hindi pa 'rin makatingin sa kanya.

"A-ano ba kasi ginagawa mo dito?" Utal na tanong ni Ken sa kanya, "Tanga ka ba? Dinala mo 'ko dito sa bahay mo!" Sagot ni Josh, hindi alam ni Ken kung maniniwala ba sya sa lalaking 'to.

"Where's my Miho?" Lumingon lang ng saglit si Ken kay Josh, "Ako din 'yon." Hindi mapigilang umirap ni Josh.

"Ano pa ba dapat kong gawin para maniwala kang ako nga si Miho?" Tanong ni Josh, nanatiling tahimik si Ken. Bakit ba hindi sya makatingin kay Josh? May problema ba kay Josh?

"A-amm, bago tayo mag usap ulit. Pwede bang magsuot ka ng maayos na damit?" Ken refrains from turning to Josh. Napatingin si Josh sa suot nyang hoodie ni Ken, "Ayos naman 'to ah." Sabi nya kay Ken.

"N-no! Please change." Sabi ni Ken at naglakad paalis ng kwarto, medyo naguluhan naman si Josh. Ayaw nya namang magalit ulit si Ken sa kanya kaya sinunod nya nalang ang utos ni Ken na mag palit ng maayos ng damit.

May nakita syang pants at tshirt, kinuha nya iyon at sakto lang ito sa kanya. Naglakad na sya palabas ng kwarto para malinaw nila ni Ken ang nangyayare ngayon.

"Ken?" Tawag nya sa pangalan nito habang pababa ng hagdan, naabutan nya naman ito na nakayuko at nakatakip sa ang kanyang palad sa kanyang mukha, agad na nilapitan ni Josh.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Josh, nag angat ng tingin si Ken kay Josh, nagulat ito ng makitang ang lapit ng mukha ni Josh sa kanya kaya agad ito nag iwas ng tingin at umayos ng upo. Napataas naman ang isang kilay ni Josh, at tumayo ng maayos.

"Bakit ang pula ng mukha nya?" Tanong ni Josh sa isip nya, naupo nalang sya sa sofa na medyo malayo kay Ken.

Pareho silang natahimik, walang balak magsalita, "Paano namin 'to maayos kung hindi nya ako tatanungin?" Tanong ni Josh sa isip nya.

"Amm..." Si Josh na ang bumasag sa katahimikan, napatingin naman si Ken sa kanya, wala na ang mamumulang mukha nito siguro ayos na sya.

"Ako si Josh." Pakilala ni Josh kay Ken at inilahad nito ang kanyang kamay, napatingin lang si Ken doon. Nawala ang ngiti ni Josh nang hindi sya pinansin ni Ken.

"Why did you become human?" Ken asked as the look was where, "Tao naman talaga ako." Sagot ni Josh at yumuko.

"Mapagkakatiwalaan ba kita kung sasabihin ko ang totoo? Ay maniniwala ka ba kung sasabihin ko ang totoong nangyare sa'kin?" Tanong ni Josh. Hindi alam ni Ken ang isasagot nya, curious sya kung bakit naging ganto ang kunehong nakita nya.

Dahil hindi sumagot si Ken ay napanguso nalang si Josh, "Parang wala syang dila." Sabi ni Josh sa kanyang isip at umirap.

"May dinalaw kami noon ng tatay kong lamay." Simula ni Josh. Huminga ng malalim si Ken, "I can't trust you." Sabi ni Ken at tumayo tsaka nag lakad paalis.

"Teka! Tulungan mo 'ko please!" Wika ni Josh, napatigil si Ken, "Sorry, but I can't." Ken said and continued walking towards the kitchen.

Josh felt sad, "Ano na gagawin ko? Babalik ba ulit ako sa pag gagala para lang may matulugan at makahanap ng pagkain?" Tanong nya sa isip nya, tumayo sya at inayos ang sarili nya.

"A-amm...siguro kailangan ko na umalis, thank you sa pag patira sa'kin dito ng isang araw." Sabi nya, siguro naman ay narinig iyon ni Ken. Naglakad na sya papunta sa pinto, "Ay 'yung damit mo pala." Awkward na natawa si Josh, kailangan nya maging isang kuneho ulit para maibalik nya kay Ken ang hiniram nyang damit.

Ibabalik na sana ni Josh ang sarili nya sa pagiging isang kuneho ng may humawak sa kamay nya mula sa likod, "I'm sorry. Just stay here, don't leave." Ken said to Josh, as he avoided meeting their eyes.

"It's a bit dangerous if-" Ken couldn't continue what he was going to say when Josh suddenly jumped on him to hug him.

"Thank you so much!" Masayang wika ni Josh, si Ken naman ay hindi makagalaw dahil sa gulat ng gawin iyon ni Josh.

Biglang narealize ni Josh ang ginagawa nya kaya agad syang bumaba at napakamot sa likod ng kanyang ulo, "Sorry." Sabi nya kay Ken at hindi makatingin sa mata nito.

"It's okay...." Parehas silang hindi makatingin sa isa't isa, "Let's eat.." Ken said a little shyly and walked into the kitchen first, sumunod nalang si Josh.

"From being Miho and being human, he's still cute..huh what?

But....

It's so weird..."

My Little BunnyWhere stories live. Discover now