MLB#34

152 7 0
                                        

The sun is about to set, as Josh travels to the place where he saw the rabbit friends with Justin.

"Pagod ka na ba? Unti nalang malapit na tayo." Sabi ni Josh habang nauunang mag lakad, si Justin naman ay nakasunod lang sa kanya. Ngumiti ito, "No, I'm fine." Wika nito at nagpatuloy na sila.

Maya-maya pa ay natigil si Josh sa pag lalakad, tanaw nya dito ang mga kunehong natutulog at ang iba ay nag lalaro kasama ang kanilang mga kaibigan, napatulala si Justin sa nakita.

Tinanggal ni Josh ang hood ng kanyang jacket at tumingin kay Justin, binigyan nya ito ng senyas na sumunod sa kanya papunta sa pwesto ng mga kunehong may kanya-kanyang ginagawa.

Lumuhod si Josh at kinuha ang kunehong nagiisa sa isang tabi, "Kamusta ka? Kamusta na kayo ng kasama mo?" Tanong nya dito, tumitig sa kanya ang kuneho. Ngumiti si Josh at ibinaba nya ito at tumayo muli.

"Sila 'yung naging kasama ko simula nung maligaw ako dito." Wika ni Josh, hindi napansin ni Justin na nag salita ito dahil abala sa pag lilibot ng tingin sa buong gubat, natawa ng mahina si Josh dahilan mapatingin ito sa kanya.

"Alam mo sobrang ganda dito, tahimik." Sabi ni Josh habang naglalakad lakad at pinagmamasdan ang mga kuneho.

"Ang sabi mo sa'kin, bata ka palang andito kana kasama ang mga rabbit?" Tumingin si Josh kay Justin at sabay pagtango.

"Pero hindi ko na maalala kung bakit ako nandito noong bata ako."

"Dahil iyon ang plano ng tadhana sa'yo." Parehas napatingin si Josh at Justin sa taong bigla nalang nag salita, boses babae ito at parang familiar kay Josh. Parehas nilang hindi maaninag ang mukha ng babae sa di malaman ang dahilan.

Agad na nilagay ni Josh ang kanyang hood at humarang naman si Justin sa harap ni Josh para protektahan ito.

"Sino ka?" Matapang na tanong ni Justin, narinig nila ang mahinhin na pagtawa ng babaeng iyon.

Naglakad ito palapit sa kanila hanggang sa maaninag na nila ang mukha ng babae. Nanlaki ang mata ni Josh ng makita nya ito, "I-ikaw po?" Wika ni Josh habang onti-onting pumapasok sa kanyang isip ang babaeng nag bigay ng makakain sa kanya noong bata pa sya.

"Josh. Long time no see." Nakangiti nitong sabi, mas lalong tinakpan ni Justin si Josh mula sa kanyang likuran, hinawakan ni Josh ang braso ni Justin dahilan mapatingin ito sa kanya, "Kilala ko sya." Nakangiti nyang sabi, nagaalala 'man si Justin pero agad din syang umalis sa harap ni Josh.

"Naramdaman ko kasi na balak mong bumalik, kaya naging alerto na ako at agad na sinabi sa'yo ang daan parating dito." Wika ng babae at kinuha ang isang kuneho, sabay ang pag himas nito.

"Avril!" Sabay na napatingin ang tatlo sa boses na narinig nila mula kung saan, nanlaki ang mata ni Avril at agad na binaba ang kunehong hawak tsaka lumapit kay Josh at Justin, "Kailangan nyo mag-" Bago pa 'man matapos ng babae ang kanyang sasabihin ay agad na syang tumilapon sa isang tabi. Napapikit ito dahil sa sakit, habang si Josh at Justin naman ay gulat na gulat sa nangyare.

"Ow..Nagbalik ka, munting kuneho." Naalis ang tingin nila sa babaeng si Avril at nalipat ito sa taong nasa harap nila, isang matandang babae.

"Kamusta ang trabaho mong maging isang kuneho sa loob ng ilang taon?" Nakangisi nitong ani. Hindi makasagot si Josh at pinag papawisan dahil sa kabang nararamdaman.

"Nay!" Napatingin ang matandang babae kay Avril, ngunit natigilan sya ng makitang umiiyak ang kanyang anak.

Kahit na nahihirap ay tumayo si Avril at pumunta sa pwesto ni Josh, at laking gulat ni Josh ng yakapin sya nito ng mahigpit. Naluha si Josh ng hindi malaman ang dahilan.

"Avril..."

"Nay! Hindi kasalanan ni Josh ang lahat! Dapat ay hindi madamay ang inosenteng bata dito!" Sigaw ni Avril habang patuloy pa 'rin sa pag-agos ang kanyang luha.

"Anong pinag sasabi mo?" Nagtatakang tanong ng kanyang ina na si Inessa.

"Nay nag mamakaawa ako....ibalik mo na si Josh sa pagiging normal na tao, nararapat sa kanya ang sumaya ng malaya, gawin lahat ng gusto nya." Sabi nito habang hindi pa 'rin binibitawan ang pagkakayakap kay Josh.

"Si Rio sana ang pinarusahan nyo hindi si Josh!" Sigaw nito, natigilan si Josh, humiwalay sya sa pagkakayakap kay Avril at tumingin ng may maraming katanungan.

"Ano pong kinalaman ni papa dito?" Hindi mapigilan ni Josh ang mag tanong.

"PINATAY NG TATAY MO ANG ANAK KO SI AVRIL!" Sigaw ng matandang babae, napatingin si Josh kay Inessa at lumipat kay Avril.

"Isa akong diwata at hindi na normal na tao, hindi ako makakalabas sa gubat na 'to kung hindi ako mamamatay." Nagugulahan pa 'rin si Josh.

"Dati akong normal na tao, may anak at asawa ngunit dahil sa iyong ama, namatay ako. Mahal ako ng iyong ama pero hindi ko magawang mahalin sya dahil may mahal akong iba. Ang totoo....ako ang ina ni Ken, ang taong nanakit sa'yo..." Paliwanag ni Avril sa mga sinabi nyang iyon ay nanigas si Josh na parang yelo dahil sa gulat.

"Simula nung mamatay ako bilang isang normal na tao, ay kinuha ako ng aking ina, ginawa nya ang lahat para ako'y mabuhay muli, at sa loob ng maraming araw na paghihirap ay sa wakas nalaman nya na ang tamang pagsagawa sa pagbabalik ng buhay ng isang tao...pero naging isang diwata ako na walang ni isang kapangyarihan, at nakakulong sa tahimik na gubat na ito, hindi ako makakalabas dito kung hindi ako mamamatay bilang isang diwata. Hindi na ako gumawa pa ng paraan para makaalis dito, dahil masaya naman dito kasama ang mga kunehong ito. Kaya mas gusto ko nalang manatili dito."

Mahabang paliwanag ni Avril, natahimik si Josh, hindi nya alam kung anong sasabihin nya.

"Pumunta ka ba dito Josh para sa isang hiling na maging isang normal na tao?!" Nabaling ang atensyon nila sa matandang babae. Galit na galit ang mukha nito.

"Hindi 'yon mangyayare dahil mamamatay ka!" May kinuha sya sa kanyang bulsa at nanlaki ang mata ni Avril ng makita ang isang kulay pulang bilog. Sumigaw si Inessa at dahan-dahang ibinato kay Josh ang bagay na iyon.

Hindi ai Josh makapag isip ng maayos at mas pinili nya nalang na pumikit at tanggapin ang katapusan ng buhay nya.

Ngunit ilang saglit lang ay wala syang naramdaman na sakit mula sa kanyang katawan, narinig nya ang pag ubo mula sa baba at laking gulat nya ng makitang umuubo ng dugo si Avril habang nakahawak ito sa kanyang dibdib.

"Avril..." Nanghihinang tawag ni Inessa sa kanyang anak ng makitang nahihirapan ito.

Lumuhod si Josh para mapantayan si Avril, ngayon ay umiiyak na si Josh dahil sa sitwasyon ng babaeng tumulong sa kanya.

"A-ang mansanas na i-ibinibigay ko sa'yo, a-ay para maging malakas ka s-sa ano 'mang hinanakit ang paramdaman mo.." Nahihirapang sambit ni Avril.

"Siguro o-oras na, m-makakalabas na ako sa m-matahimik na g-gubat na ito." Sabay ang pag ubo.

"Josh...h-hanapin mo si Ken, ang anak k-ko. Alam k-kong mahal na mahal ka nya..." Mas lalong naluha si Josh sa narinig nya.

"At Josh...."

"HINDI MAAARI! KAILANGAN MO MAMATAY JOSH!" Sigaw ni Inessa.

Binuhos ni Avril ang buong lakas nya para makuha ang kamay ni Justin, "Josh...o-oras na para...maging m-malaya ka!" Sigaw nya at nilagay ang kanyang palad sa noo ni Josh, onti-onting nawala ang kunehong tenga at buntot nya at nagiging liwanag nalang ang nakikita nya, hanggang sa mawalan sya ng malay....

My Little BunnyWhere stories live. Discover now