"I'm leaving, by the way wag mo na ako hintayin mamaya, malalate ako ng uwi." Sabi ni Ken kay Josh habang inaayos nito ang kanyang sapatos.
"O-okay.." Tumango si Josh, pagtapos ni Ken ayusin ang kanyang sapatos ay humarap sya kay Josh at ngumiti, "Don't worry. Marami pa tayong oras na mag kasama." Sabay ang pag kindat nito kay Josh, napaiwas naman si Josh ng tingin dahil sa ginawa nya.
"Alam ko...Ingat ka." Nakaiwas pa 'rin ang paningin nya kay Ken, the man chuckled.
Hinawakan ni Ken ang pisngi ni Josh para iharap ito sa kanya, "B-bakit?" Nauutal na tanong ni Josh at pilit na inaalis ang kamay ni Ken sa kanyang pisngi.
"Ingat ka din dito." Sabi ni Ken at binigyan ng halik ang lalaki mula sa noo, na ikinapula ng kanyang pisngi at ikinawala ng kanyang puso.
"Goodbye!" Pigil tawang banggit ni Ken at tsaka lumabas ng pinto, napahawak naman si Josh sa kanyang bibig.
"Hindi ko inaasahan 'yon ah." Mahinang ani nya, hinawakan nya ang kanyang puso at huminga ng malalim. Naglakad sya papunta sa sofa nang maramdaman nyang bumalik na sa normal ang pag tibok ng kanyang puso.
Ngunit hindi pa 'rin mawala sa isip ni Josh ang paghalik ni Ken ng biglaan sa kanya, hindi naman sya lasing diba? Tanong ni Josh sa kanyang isip.
Kinuha nya ang unan at nilagay ito sa kanyang hita at nag-isip.
"AH!" Sigaw nya at binato kung saan ang unan, "Bwiset ka Ken!" Sigaw nya pa ulit.
--
After a few hours of soaking in the papers and on his laptop he finally finished them as well. It was 6pm and he had prepared himself to go to his parents' house. When Ken got into his car, he received a message from Ksenia, saying that she and Ken went to his parents' house at the same time. But Ken just replied that you can do that.
Sa ilang oras na pag byahe ni Ken ay nakarating na sya sa bahay kung saan ngayon naninirahan ang kanyang mga magulang, isa itong malaking mansion, maganda at malinis mula palang sa gate. Matatanaw mo dito ang napakadaming halaman at mga puno na nag dagdag ganda.
Kahit na maganda at malaki ang bahay ng magulang ni Ken ay mas ginusto nya pa 'ring manirahan mag-isa. At tulad ngayon na may kasama na sya sa kanyabg apartment, hindi na talaga sya aalis doon.
Pagbaba nya ng kanyang sasakyan ay agad syang sinalubong ng isang maid na babae, maglalakad na sana sila ng may dumating na sasakyan, alam na ni Ken kung sino ito kaya hindi nya na ito pinansin pa at nag lakad nalang muli.
"KEN!" Napapikit sya ng marinig ang boses ng babaeng iyon. Tinignan ni Ken ang maid na sumalubong sa kanya kanina, "I-guide mo nalang sya." Sabi nya dito, nerbyus namang tumango ang babae at agad na naglakad papunta sa gawi ni Ksenia.
Pagpasok ni Ken sa main door ay bumungad sa kanya ang malawak na lugar, hinanap ng kanyang mga mata ang kanyang mga magulang, at saktong paglabas naman nito sa kusina kasama ang iba pang mga maid. Binati sya ng mga maid na binigyan nya lang ng isang tango, lumapit sa kanya ang kanyang stepmother, "Ken, andito ka na pala." Ani nito at lumapit sa kanyang anak.
Binigyan naman sya ng halik sa pisngi ni Ken, "Si Ksenia asan?" Tanong nito, ngumuso lang si Ken mula sa labas.
Pag dating ni Ksenia ay agad syang bumati sa stepmother ni Ken, "Hello po Tita, kamusta po kayo?" Nahihiya nitong tanong na medyo nagparamdam kay Ken ng inis.
"Ayos lang ako iha. Sinabay ka ba ni Ken?" Tanong nito, napatingin naman si Ksenia kay Ken na nakatingin kung saan, "Actually po-" Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng magsalita si Ken, "I'm hungry." At paglakad nito papasok sa loob ng mansion.
YOU ARE READING
My Little Bunny
Fiksi Penggemar"The future can change." A man who owns a company, many admire his talent, but when it comes to talking to any person or when it comes to making friends he is cold. Ever since his past life came to an end, he no longer trusts the person far away fro...