Five days of Josh living in Justin's apartment, he was embarrassed because of it, but Justin didn't want to let him go now that he knew about Josh being half bunny and half human.
Hindi naman naging uncomfortable si Justin kay Josh, dahil sa ibang uri ni Josh ay humahanga din sya na may ganitong tao sa mundo, akala nya lang ay sa mga kathang isip na libro lang meron ang uring katulad ni Josh.
At sa limang araw na pakikitira ni Josh, ay hindi pa 'rin nya sinasabi kay Justin kung bakit wala itong matuluyan, hindi nya sinabi ang mga tungkol kay Ken, at isa pa hindi naman nag tatanong si Justin sa kanya, kung ano lang ang kayang ilabas ng bibig ni Josh ay hindi na nag tatanong pa si Justin.
Ngayon ay 3AM at si Justin ay nakatutok pa 'rin sa kanyang computer, may importante kasi sya'ng dapat ayusin at kailangan nya ng ipasa kinabukasan.
Tumigil sya sa pag tipa ng kanyang keyboard at napasandal sa kanyang gaming chair at nag unat-unat ng katawan, pagtapos nya iyon gawin ay bumalik ulit ang tingin nya sa computer, at naisipang buksan muna ang social media.
Habang sya'y nag s-scroll, ay biglang dumaan sa kanyang newsfeed kung saan makikita si Ksenia na ikinalaking gulat ni Justin ng makitang kasama nito si Ken at mag kahawak ang mga kamay nito, at halatang wala sila sa pilipinas. Tulad nga nang sabi ni Ksenia noon ay wala na syang balita kay Justin gano'n din si Justin kay Ksenia, ngunit hindi nya inaasahan ngayon na magkasama ulit ang dalawang ito.
"I'm glad, that you are happy." Wika nya at ngumiti ng pilit, mag s-scroll ulit sana sya ng makarinig sya ng yapak ng paa kaya agad sya'ng napalingon sa kanyang likuran at nakitang si Josh iyon. Agad nya ito binigyan ng matamis na ngiti, ngumiti din si Josh pabalik at hindi mapigilan ng mga mata ni Josh ang mapatingin sa computer ni Justin.
Josh was shocked at what he saw.
Josh didn't know how he should feel, as if he just wanted to cry and cry at what he saw.
Agad na umiling si Josh at pinigilan ang sariling maiyak sa nakita, napansin nya si Justin na nag aalalang nakatingin sa kanya.
"Ayos ka lang? Teka, bakit gising ka pa?" Tanong ni Justin, nag lakad palapit si Josh papunta kay Justin, "Hindi ako makatulog." Simpleng sagot nito, parang gusto nya nalang makatulog sa nakita.
"Insomnia?" He chuckled.
Hindi napansin ni Josh na nag salita si Justin dahil natuon na naman ang tingin nya sa screen ng computer ni Justin, nakaramdam naman ng pagtataka si Justin.
"Kilala mo si Ksenia at si Ken?" Tanong nya na nag patigil kay Josh at agad na iniwas ang tingin sa screen.
"A-ah..hindi, a-ang cute lang nila...bagay sila..." Utal nyang wika.
"Pero bakit...bakit ka umiiyak?" Josh was surprised by what Justin said and immediately touched his wet cheek.
"Oh my god..." Josh whispered.
Mag sasalita na sana ulit si Josh ng makaramdam sya ng pag yakap, napatigil sya habang gulat ang itsura, "Please...don't cry.." Sabi ni Justin habang yakap yakap sya, hindi ni Josh mapigilang mahagulgol at mapayakap kau Justin.
"Justin....s-si Ken kasi y-yung taong g-gusto ko..." He cried words. Agad na hinarap ni Justin si Josh, "What? Gusto mo si Ken?" Binigyan sya ng tango ni Josh at sabay pagyuko.
"I-ikakasal na sila..." Halos labag sa loob na sabihin ni Justin iyon, dahil alam nyang mas lalong masasaktan si Josh, ngunit hindi mapigilan ng kanyang bibig.
Josh stiffened in his stance.
"Justin...p-pwede mo ba akong samahan?" Tanong ni Josh kay Justin, nagtataka 'man si Justin pero agad syang tumango.
YOU ARE READING
My Little Bunny
Fanfiction"The future can change." A man who owns a company, many admire his talent, but when it comes to talking to any person or when it comes to making friends he is cold. Ever since his past life came to an end, he no longer trusts the person far away fro...