MLB#29

135 7 5
                                    

Josh woke up because of the sunlight that touched his face. Nang tuluyan na nyang nadilat ang kanyang mga mata ay napansin nyang may mabigat na kamay ang nakapatong sa kanyang tiyan.

Napatingin sya sa taong iyon, si Ken na mahimbing na natutulog. Napapatitig si Josh kay Ken at hindi mapigilang mapangiti. Ngunit biglang sumagi sa isip ni Josh ang nangyare sa kanilang dalawa ni Ken kagabi. Yes, they did that.

Naglabas ng buntong hininga si Josh at dahan-dahang tinanggal ang kamay ni Ken na nakapatong sa kanyang tiyan, natagumpay naman sya at hindi nya nagising si Ken.

Lumabas ng kwarto si Josh at naglakad papunta sa comfort room.

-

Onti-onti na 'rin nagigising si Ken hanggang sa madilat nya na ang kanyang dalawang mata, dahan-dahan syang napaupo at agad na nakaramdam ng pagsakit ng ulo, "Uminom ba ako kagabi?" Tanong nito sa sarili habang nasa kanyang ulo ang kanyang palad. Napansin nya naman na parang wala syang saplot.

"Wala akong maalalang naghubad ako.." Sabi nya, tumayo na sya at kumuha ng kanyang pangibabang saplot at naglakad papuntang pinto para pumunta ng cr.

Paglabas nya sa kanyang silid ay ang pag daan din ni Josh, dahilan sila'y nagkasalubong. Parehas silang napatigil at napatitig sa isa't isa. Bigla naman mabilis na tumibok ang puso ni Josh, habang si Ken ay seryoso lang na nakatingin sa kanya.

Dumapo ang tingin ni Ken sa leeg ni Josh at nanlaki ang mata sa nakita. There were many marks on his neck, Ken can see that because Josh is wearing a v neck t-shirt. Agad iyon tinakpan ng dalawang kamay ni Josh ng bigyan iyon ng tingin ni Ken.

"Mauna ak-" Maglalakad na sana paalis si Josh ng hawakan ni Ken ang braso nito dahilan matigilan ito, napalunok si Josh. Hindi nya alam ang gagawin nya na nakita na ni Ken ang iniwang marka nito sa kanyang leeg noong gabing iyon.

"Your neck..." Mahinang wika ni Ken, biglang pumasok sa isip ni Ken ang lahat ng nangyare sa kanila ni Josh simula't sa simula, napatingin sya kay Josh ng nanlalaking mata ng maalala nya iyon.

"Ako-"

"Oo ikaw."

Nabitawan ni Ken ang braso ni Josh, "Paano-" Hindi natapos ni Ken ang sasabihin nya ng unahan sya ni Josh.

"Tapos na 'yon, buma-"

"PAANO NANGYARE 'TO?!" Hindi mapigilan ni Ken ang mapasigaw, si Josh naman ay gulat na gulat na nakatingin sa kanya.

"Ken...alam kong gusto mo ako.." Hindi ni Josh mapigilang masabi iyon, natigilan si Ken, napakuyom ang kanyang kamao.

"What?! Wala! Wala akong gusto sa'yo!" Sigaw ni Ken, tinignan naman sya ni Josh ng nagtataka. Josh couldn’t help but feel sad.

"Kung hindi mo ako gusto, bakit mo ginawa 'yon kagabi sa'kin?!" Hindi na 'rin mapigilan ni Josh ang mapasigaw.

"It was an accident!" May galit nitong boses.

"Aksidente ka 'mo? Ikaw ang unang nag kumbinsi sa'kin! At alam kung bakit nadala mo ako?! Alam mong sensitive yung tenga ko! Bakit mo pa 'rin hinawakan! Tapos sasabihin mo aksidente ang lahat?!" Hindi na ni Josh mapigilang maluha, natigilan si Ken, at mas lalong nakaramdam ng galit.

Napasuntok si Ken sa pader dahilan matahimik si Josh, nag angat si Ken ng tingin kay Josh, tinignan nya si Josh ng masama, "When I say accident, IT'S AN ACCIDENT!" He shouted angrily at Josh.

"At sa tingin mo magugustuhan kita?! Hindi 'yon mangyayare! Kasi mas mahal ko si Ksenia at hinding hindi ako mahuhulog sa'yo!" Josh's tears flowed again, not a word came out of Josh's mouth, only his sobs.

Josh was very hurt by Ken's words to him.

"My wish was that Ksenia was the only one with me that night!" Wika ni Ken sa mahinang boses. Mas lalong naluha si Josh ng marinig iyon.

Walang salitang lumabas sa bibig ni Josh, hindi nya masabi kay Ken kung ilang beses na nito ginagawa sa kanya ang paghalik tuwing uuwi itong lasing, at mag iiwan ng marka sa kanyang leeg o kaya sa ibang parte ng kanyang katawan.

Ang buong akala ni Josh kaya ito ginagawa ni Ken dahil gusto nito iparamdam na mahal sya nito, pero sobrang mali sya sa akala nya dahil mahal pa 'rin pala nito ang taong niloko sya.

Sa bawat pagiging mabuti ni Ken kay Josh, ay hindi aakalain ni Josh na mahuhulog sya sa taong iyon, ang buong inaasahan nya ay gusto 'rin sya ng taong gusto nya dahil sa mga ginawa nitong pagbigay ng halik sa noo tuwing aalis o ano pa.

"What am I doing!" Sigaw muli ni Ken, at napahampas sa kanyang noo. Napatingin sya kay Josh na nakayukong lumuluha, nang makita iyon ni Ken ay parang gusto nyang yakapin si Josh, ayaw nyang nakikita itong malungkot.

Agad umiling-iling si Ken sa kanyang naisip, "Get out.." Mahinahon nitong sabi, nanlaki ang mata ni Josh na tumingin sa kanya, "Ayaw ko ng makita pa mukha mo, kahit na maging isa ka pang rabbit!" May pasigaw nitong ani.

"Hindi ako pwede umalis!" Sigaw pabalik ni Josh.

"Why? Ako ang may-ari nitong tinitirhan mo ngayon, ako ang bahala kung papaalisin kita o hindi." Wika ni Ken, "Ayaw kong umalis!" Sigaw muli ni Josh, napapikit si Ken dahil nagsisimula nanaman syang makaramdam ng galit.

"Wag mong hintayin na kaladkarin kita paalis." Nakapikit nyang ani habang pilit na kinakalma ang sarili.

"Ayaw ko Ken!" Muling naglabas ng luha si Josh at ito'y napaluhod at nag makaawa na wag umalis sa lugar na 'to.

Napakuyom si Ken at hinawakan ang braso ni Josh at hinila pababa, hanggang sa makarating sila sa pintuan.

"Hindi na kita kailangan." Sabi nito at binuksan ang pinto at pinalabas si Josh, "You're disgusting." Huling sambit ni Ken habang nakatingin kay Josh ng walang emosyon, at malakas na sinarado ang pinto.

Natulala si Josh habang ang kanyang luha ay hindi matigil tigil sa pag-agos.

Ano na gagawin ko? Tanong nya sa kanyang isipan, "Pinigilan kita sa ginawa mo pero....h-hindi ko na 'rin mapigilan." Bulong nito habang humihikbing at nakatingin sa pintuan ni Ken.

"Ginagawa mo l-lagi 'to s-sakin t-tuwing lasing ka, h-hindi ko 'yon pinagsisihan....k-kasi mahal kita Ken...pasensya na, nahulog a-ako sa'yo....s-sana pala si K-ksenia ang pinapapunta ko tuwing lasing ka....sorry d-dapat pinigilan kita...Ken....sorry..." Napahawak sya sa kanyang damit banda sa puso, naramdaman nya ulit ang naramdaman nya noon.

Nakaupo si Ken habang nakasandal sa pintuan, at naririnig nya ang mga sinabi ni Josh. Nang sinabi ni Josh na ginagawa nya iyon tuwing lasing sya ay napatayo sya, hindi nya 'yon alam dahil wala syang maalala, agad nyang binuksan ang pinto, "Jo-" ngunit wala na si Josh.

Napasuntok si Ken sa kanyang pintuan, "Damn it...I hate this..."

Sinarado nya ang pinto ng padabog at kinuha ang cellphone nya sa kanyang silid. Agad nyang tinawagan ang taong kailangan nya kausapin.

"I want to marry Ksenia. Take care of this, now." Sabi nito sa kanyang kausap at agad na pinatay ang tawag.

"I love Ksenia, I really love her....hindi si Josh."

My Little BunnyWhere stories live. Discover now