MLB#35

129 9 0
                                    

Ginawa ni Ken ang lahat ng makakaya nya para makauwi sa pilipinas, agad naman sya'ng nakauwi ng sabihin nya kay Jinn iyon. At agad din iyong inasikaso ng kanyang secretary.

Ngayon ay nasa kotse sya at nagmamadaling makapunta sa lugar na pupuntahan nya.

Hindi alam ni Ken kung saan sya dadalhin ng kanyang katawa para 'bang hindi sya ang may-ari ng katawan na iyon dahil hindi nya makontrol ang sarili nyang katawan, pero hinayaan nya lang dahil baka ipunta sya nito sa lugar kung nasaan si Josh.

Nang makarating sya sa gubat kung saan nagpunta sila Justin at Josh ay agad syang naglakad, parang may sarili 'ring buhay ang kanyang mga paa at dinala sya nito sa kung saan.

Nilibot nya ang buong paningin nya sa gubat na iyon, "Tahimik at maganda..." Ang salitang lumabas sa bibig nya.

Maya-maya pa ay napahinto sya sa lugar kung saan makikita ang napaka daming kuneho, bigla si Ken nakaramdam ng kaba at agad na lumapit sa mga kuneho.

"Josh?" Tawag nya habang hinahanap si Josh pero katulad lang din itsura ni Josh ang mga kuneho sa t'wing mag papalit ito ng anyo.

"Miho." Tawag nya, pero walang lumapit sa kanya. Mas lalong nakaramdam ng kaba si Ken. Nilapitan nya ang mga kuneho at binuhat ito, pero hindi nya malaman kung asan si Josh doon.

Inabot sya ng ilang oras kakahanap kay Josh, pero hindi nya ito nakita napaupo sya sa madamong lapag at napayuko.

"Asan ka naba?..."

Gusto na ni Ken sumuko dahil hindi nya makita si Josh, medyo madilim na 'rin at nakakaramdam na 'rin sya ng gutom.

Naalaa nya ang maliit na papel na binigay sa kanya ni Ksenia, agad nya itong kinuha mula sa kanyang bulsa at bubuksan na sana ng may nagsalita kung saan.

"Huli ka na.." Sabi nito, napatingin si Ken sa kanyang likuran at laking gulat ng makita ang kanyang ama, oo ang kanyang ama na si Ferris.

"Dad...bakit ka nandito?" Tanong ni Ken, lumapit ang kanyang ama sa kanya.

"Hindi na importante kung bakit nandito ako o wala, ang mahalaga ay mahanap mo si Josh." Sabi nito at binigyan ng ngiti si Ken, nakaramdam naman ng ka-weirduhan si Ken dahil sa inaakto ng kanyang ama. At bakit nakilala nito si Josh.

"Dad...ang weird mo.."

"Ken...magsasama na kami ng tunay mong ina, I'm happy because of that. I also want you to be happy so look for Josh."

"Pero dad...hindi ko alam kung nasaan sya..." Napayuko si Ken.

"Ken, my son...find him, hanapin mo ang taong mahal mo, wag kang susuko." Natigil si Ken ng makitang onti-onting naaglalaho ang kanyang ama, "Dad...dad!" Bago ito maglaho ng tuluyan ay binigyan sya nito ng ngiti.

"Ken!" Huling salitang narinig nya, "J-josh.." At onti-onti na syang nanghihina, "I love you....I-i will find you..." Hanggang sa mawalan na sya ng malay.

--

"Josh...o-oras na para...maging m-malaya ka!"

"G-gumising ka na!"

Mabilis na napabangon si Josh mula sa pagkakahiga at hingal na hingal, nilibot nya ang paningin nya, nakahinga sya ng maluwag ng nandito pa 'rin sya sa kanyang kwarto. Napahawak sya sa kanyang ulo dahil bigla itong kumirot, "That dream again..." Sabi nya.

Lagi nyang napapaginipan ang iksenang iyon, laging lumalabas sa panaginip nya ang isang lalaki na nakasuot ng suit, pero hindi nya makita ang mukha dahil blured ito, tanging katawan lang nito.

"Kailan ba titigil 'tong panaginip na 'to? Paulit ulit wala na 'bang iba?" He clicked his tongue and looked at the cellphone when it suddenly rang signaling someone was calling.

Kinuha nya ito at nakitang si Justin ang caller. Ang bestfriend nya simula nung mga bata palang sila.

Tamad nya itong sinagot, "Aga aga bakit?" Bungad ni Josh.

[Mag open ka ng twitter!] Pasigaw nitong sagot, "At bakit?" Tanong ni Josh.

[Tsk. LightHunter became rank 2? how did that happen?!] Pagbasa ni Justin sa kanyang cellphone habang katawag si Josh, nanlaki ang mga mata ni Josh at agad na pinatay ang tawag at pumunta sa kanyang twitter.

Nakita nyang trend ang pagbaba ng kanyang rank, "F.Seawon is rank 1." Ang pagbasa nya, dahil sa inis na naramdaman ay naibato nya ang kanyang cellphone.

"Paano nangyare 'yon?!" Sigaw nya.

Huminga sya ng malalim at kinuha muli ang cellphone nya sa lugar kung saan nya ito binato.

Sinearch nya si F.Seawon tinignan ang mga ibang information nito.

Hindi lang sya makapaniwala dahil walang nakakataas sa rank nya, at sa tuwing may competition sa pag lalaro ng online games ay lagi syang nananalo at wala ng bago 'yon sa kanyang mga fans at kaibigan, kaya laking gulat nila ng maging rank 2 sya dahil lang sa F.Seawon na 'yon.

Isang gamer/streamer si Josh at sikat sya dahil pagiging magaling nya at kilala sya bilang LightHunter, at kasali sa grupo ng OerForce (OEF) kung saan kasali lahat ang magagaling na manglalaro, dahil sa galing ni Josh sa paglalaro ay naging rank 1 sya at mas lalong nakilala ang OEF. Dahil doon ay maraming gustong maging member ng grupo. Lahat ng makakalaban nya ay sumusuko nalang, dahil alam nilang wala silang magagawa at matatalo lang sila. Never pa 'ding nag face reveal si Josh.

Maraming naging fans si Josh at dahil sa magaling sya ay nasasanay na ang iba na lagi syang rank 1, ngunit ngayon ay nakakagulat.

Si F.Seawon ay biglaan lang lumabas at minsan ay hindi nya ito nakalaban o nakasabayang maglaro, nalaman ni Josh na isa syang member ng grupong VVK, ang minsan na 'ring nakalaban ni Josh na grupo pero natalo nya ito.

Nagbukas si Josh ng kanyang message at nakita nya maraming nagmessage sa kanya dahil pagiging rank 2 nya, inopen nya ang gc ng kanyang kagrupo at gulat na gulat din ito. Sinabi lang ni Josh sa kanila na babawi nalang sya at hindi nya hahayaan na maging rank 2 nalang sya.

Ang dapat nyang gawin ay hamunin si F.Seawon.

--

"Anong tinatawa tawa mo d'yan?" Tanong ni Ken sa kanyang kapatid na parang baliw na tawa ng tawa.

"Tignan mo kasi Kuya, si LightHunter naging rank 2! HAHAHA!" Sabi nito at tumawa muli, napailing nalang si Ken.

"At Kuya alam mo ba na si F.Seawon ang rank 1!" Pagmamayabang nitong sabi, napatingin si Ken sa kanya.

"Ano kamo?"

"Kuya ako lang naman ang rank 1!" Sabay ang pag kindat nito kay Ken, binigyan lang sya ng thumbs up ni Ken at goodjob.

"Don't just play there Felix, get ready and you have school. You are so big that you need to be reminded!" Sigaw ni Ken, sinuot nya na ang kanyang sapatos, "I'm leaving, by the way I'll be sleeping in my apartment later so you'll be alone again."

"Yah yah.."

-

Pagtapos ng trabaho ni Ken ay agad na syang umuwi, it's 11PM na, dahil walang naman syang pagkain sa kanyang apartment ay dumaan muna sya ng convenience store dahil ayon nalang ang bukas malapit sa apartment nya.

Bumili lang sya ng pagkain na kakasya sa kanya, at agad na iyong binayaran. Pagtapos ay naglakad na sya palabas ng may pumasok 'din kaya muntikan na sila mag kabanggaan.

"Ow..sorry.." Sabi ng taong iyon, may suot din syang puting mask at naglakad na muli, pero parang nag slowmo para kay Ken. Bakit pamilyar 'yung amoy nya? Tanong nya sa kanyang isip.

Napatingin ulit sya sa taong iyon.

Nabalik sya sa reyalidad ng mag ring an cellphone nya, agad nya itong sinagot at tuluyan ng lumabas.

My Little BunnyWhere stories live. Discover now