After a long time of busy shopping and choosing Josh's clothes, it's time to go home. Nasa loob na ng kotse si Josh ngayon habang ang driver ay inaayos ang mga pinamili nila, si Jessa naman ay nasa labas dahil may biglang tumawag sa kanya.
Tinignan ni Josh ang paligid, at sabay pag tanggal ng kanyang cap. Kanina pa nananakit ang kanyang dalawang tenga dahil sa cap.
Susuotin nya na sana ito pabalik ng biglang bumukas ang pinto sa kabila, at nagkatinginan sila ni Jessa. They were both shocked.
Agad na sinarado ni Jessa ang pinto, "Oh my god." Hindi makapaniwalang sabi ni Jessa habang nakatitig kay Josh, si Josh naman ay hindi alam ang gagawin. Paano ba 'yan? Nakita na ni Jessa ang tinatago nyang tenga.
"Totoo pala talaga 'yung mga hybrid!" Sigaw ni Jessa, agad na tinakpan ni Josh ang kanyang bibig.
"Please wag ka maingay." Sabi ni Josh, inalis ni Jessa ang kamay ni Josh sa kanyang bibig, "Alam 'to ni Ken?" Tanong nya, nahihiyang tumango si Josh.
"Oh my god. Alam mo ba na gustong gusto ko 'yung mga story about sa mga hybrid! Tapos totoo pala talaga! Nasa harapan ko pa!" Hindi mapigilang sumigaw ni Jessa. Si Josh naman ay napasapo.
"Kaya pala grabe ka protektahan ni Ken." Sa ngayon ay bumaba na ang boses nito.
Lumapit si Jessa kay Josh, onti namang umiwas si Josh, hahawakan sana ni Jessa ang tenga ni Josh ng pigilan nya ito, "Wag. Sensitibo 'yan." Sabi ni Josh, umayos ng upo si Jessa.
Nang mapansin ni Jessa na papasok na ang driver sa loob ng kotse ay kinuha nya ang cap ni Josh at tsaka ito sinuot.
"Tiisin mo muna ha?" Wika ni Jessa na medyo may pag aalala, "Sobrang sakit na ba?" Tanong nito, "Hindi naman." Sagot ni Josh. Napatingin sila sa driver ng pumasok na ito sa loob.
"Saan po tayo ma'am?" Tanong ng driver, gusto pa sana ipasyal ni Jessa si Josh pero 5:40 pm na at 6pm lang ang limit ni Josh at ang byahe ay mga isang oras pa, hindi 'yon alam ni Josh dahil kay Jessa lang sinabi ni Ken.
"Iuwi na natin sya, pagod na po si Josh." Nakangiting sagot nito, tumango ang driver at nagsimula ng paandarin ang kotse.
"Pwede mo ba ikwento sa'kin kung paano kayo nay kakilala ni Ken?" Tanong ni Jessa kay Josh pero pabulong lang iyon.
Ikuwentento ni Josh lahat kung paano sila nagkasama ni Ken, "Actually hindi ko pa sya totally na kilala. Kaarawan, taon nya hindi ko alam." Natawa ng mahina si Josh.
"Ayaw ko sabihin, gusto ko si Ken mismo mag sabi sa'yo." Sabi ni Jessa at tinaas baba ang kanyang kilay kay Josh.
"Paano naman 'yon? Eh kakausapin ko nga sya hindi sumasagot." Wika ni Josh at pinag cross any kanyang dalawang braso.
"Hmm..Alam mo si Ken kilala bilang Mr. Cold." Sabi ni Jessa, "Masayahing tao si Ken, childhood friend ko sya kaya kilalang kilala ko 'yon, pala ngiti si Ken pala kaibigan. Pero pag dating nya sa edad na 20 nagsimula na syang maging cold, nung una hindi namin alam kung bakit pero onti onti na naming naiintindihan. Akala ko nga noon, acting nya lang 'yon pero tumagal 'yon hanggang ngayon." Mahabang sabi ni Jessa.
"Anong dahilan?" Hindi mapigilang magtanong ni Josh, pakiramdam nya medyo nabawasan ang mga katanungan nya about kay Ken nang mag kwento si Jessa sa kanya.
"Oy. Quietly interested." Panunukso ni Jessa kay Josh, "Ano ba curious lang ako kay Ken." Sabi nya, natawa naman ng mahina si Jessa.
"Alam mo, hindi dapat ako ang magsabi bakit naging ganon si Ken. Dapat sya mismo ang mag sabi sa'yo. Ito ah? Kilalanin mo ng mabuti si Ken, baguhin mo sya sa abot ng makakaya mo. May tiwala akong ikaw ang maaaring magpabago kay Ken." Biglang wika ni Jessa, hindi naman alam ni Josh ang dapat nyang sabihin.
Namayani ang katahimikan sa loob ng kotse, bigla silang napatingin sa cellphone ni Jessa ng may biglang may tumawag. Si Ken, nagkatinginan muna sila ni Josh sa isa't isa bago nya ito sagutin.
"Ke-" Hindi natuloy ni Jessa ang sasabihin nya ng unahan sya ni Ken.
[Where's Josh?] Malamig nitong tanong, tumingin si Jessa kay Josh at ngumisi, nagtaka naman si Josh sa kanya.
"Naiwan sa mall." Sagot ni Jessa, [What?!] Sigaw ni Ken mula sa kabilang linya, nailayo naman ni Jessa ang cellphone sa kanyang tenga.
"Kumalma ka! Masyado kang possessive!" Sigaw din ni Jessa sa kanya, hindi mapigilan ni Josh na matawa pero hininaan nya iyon.
[Shut up, asan ba kasi si Josh?] Medyong kalmadong tanong ni Ken.
"He's sitting next to me, so don't be too overreacting!" Sagot ni Jessa, narinig ni Jessa ang pag hinga ng malalim ni Ken, "Kakausapin mo ba sya?" Tanong nito.
[No. I just want to know if you took him home properly] Sagot ni Ken, "Okay. Malapit na kami sa condo mo kaya kumalma ka na dyan, wala akong balak kidnappin bunny mo." Wika ni Jessa, napatigil naman si Ken.
[Wha-] Agad naman pinatay ni Jessa ang tawag.
"Ano sabi nya?" Natatawang tanong ni Josh, "Yare ka daw." Napatigil si Josh dahil sa isinagot ni Jessa.
"Bakit naman?" Nagtataka nyang tanong, "Ewan ko." Sagot ni Jessa. Gusto ni Jessa tumawa ng malakas pero mas pinili nyang manahimik.
--
"Salamat po, salamat Jessa. Ingat kayo sa byahe." Nakangiting sabi Ni Josh. Nakarating na si Josh sa unit ni Ken, nasa loob na lahat ng pinamili nila at ngayon ay paalis na ang driver pati si Jessa.
"Bye little bunny! See you next time!" Kumaway si Jessa kay Josh, gano'n din si Josh hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin, sinarado ni Josh ang pinto at agad na tinaggal ang kanyang cap.
"Kakapagod pala." Sabi nya at naupo sa sofa, napatingin sya sa mga paper bags. "Siguro mamaya ko nalang gagalawin 'yan." Bulong nya at nahiga.
--
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ken, it's already 8pm, maagang natapos ni Ken ang mga paperworks nya kaya maaga din syang nakauwi.
Naabutan nya naman si Josh na mahimbig na natutulog sa sofa habang ang mga paper bags ay nakalagay sa lapag, lumapit si Ken kay Josh.
Naupo sya sa lapag at pinagmasdan ang mukha ni Josh na mahimbing na natutulog.
Ken grabbed Josh's hair and stroked it, "Pretty bunny." He whispered. He'll admit that Josh is really a pretty boy, he just kept stroking Josh's hair, until he didn't realize that his tears were dripping without knowing the reason.
"Why? Why do you look alike?" Pinunasan ni Ken ang kanyang luha, at tumayo mula sa pagkakaupo.
"K-ken?" Tawag ni Josh sa kanya, "Gising ka na pala. Kumain ka na ba?" Tanong ni Ken, umiling si Josh.
Agad na tumayo si Josh, "Ako magluluto ng hapunan!" Nakangiti nitong sabi at tumakbo papunta sa kusina.
Napangiti si Ken sa kanyang loob looban.

YOU ARE READING
My Little Bunny
Fanfiction"The future can change." A man who owns a company, many admire his talent, but when it comes to talking to any person or when it comes to making friends he is cold. Ever since his past life came to an end, he no longer trusts the person far away fro...