MLB#30

123 7 0
                                    

"Lola!" Sigaw ng batang lalaki, at mabilis na tumakbo papunta sa kanyang lola na nakaupo sa wheelchair habang tahimik na nakatanaw sa magandang langit. Nang marinig ng matanda ang sigaw ng kanyang mamahal na apo ay agad itong lumingon at ngumiti ng malawak.

"Apo ko." Sabi nito ng makarting na ang kanyang apo, agad naman sya binigyan ng yakap at halik sa pisngi ng batang lalaki, natuwa ang matanda at binuhat ang kanyang apo para maupo sa kanyang binti.

"Lola, okay lang po ba kayo? Galing daw po kasi kayo sa hospital sabi ni Mommy." Medyo may kalungkutan sa tono ng boses ng batang lalaki, natawa ng mahina ang matandang babae at hinimas ang magkabilaang pisngi ng kanyang apo.

"Gusto mo ba mag kwento si Lola?" Mabilis na tumango ang bata at ngumiti.

"Makinig kang mabuti ha?" Bumaliktad ang batang lalaki ng kanyang upo at ngayon ay parehas na silang nakatingin sa tahimik at magandang langit.

"Ang sabi mo noon sakin mahilig ka sa kuneho?" Tanong ng kanyang lola, "Opo, kasi ma-cute sila!" Pagsagot ng bata. Napangiti ang matandang babae at huminga ng malalim bago idako ang mata sa itaas.

"May isang batang lalaki na mahal na mahal ng kanyang ina, ngunit ayaw sa kanya ng kanyang ama." Panimula ng matandang babae, "Ang bad naman po no'n." Sabi ng batang lalaki at napanguso, natawa ng mahina ang matanda at hinalikan sa pisngi ang batang lalaki at tumingin ulit sa magandang langit.

"Isang araw dumalo ang isang tatay kasama ang kanyang anak na lalaki." Pag kwento ng matandang babae, "Akala ko po hindi sya love ng daddy nya?" Ngunit ngiti lang ang binigay sa kanya ng kanyang lola

"Dumalo sila sa lamay ng matandang babae, hindi mapigilang magtanong ng batang lalaki sa kanyang ama kung bakit ba sila nandoon sa lugar na 'yon. Ngunit sa kainisan na naramdaman ng kanyang ama ay sya'y dinala sa malawak na gubat at iniligaw ang kanyang sariling anak. Tama ba ang ginawa ng kanyang ama?" Agad na umiling ang batang lalaki, "Bad po 'yung daddy nya!" Nakangusong sambit ng bata.

"Dahil doon ay nakarating kung saang sulok ang bata, hanggang sa makarating sya sa lugar kung saan may maraming kuneho." Agad na binigyan ng lingon ng batang lalaki ang kanyang lola, "Talaga po? Gusto ko 'rin po doon!" Sigaw ng bata, napangiti lang ang kanyang lola.

"Nakaramdam ng gustom ang bata, lumapit sya sa mga kuneho at kinausap ang mga ito. At hindi nya inaasahang may magbibigay sa kanya ng makakain nila ng mga kuneho, isang babae. Hindi nakita ng batang lalaki ang itsura nito ngunit malaki ang pasasalamat nya dahil may makakakain na sila ng kanyang bagong kaibigan." Tahimik lang na nakikinig ang batang lalaki sa kanyang lola.

"Pagtapos nilang kumain ay sabay sabay silang nakatulog. Ngunit hindi inaasahan ng bata na may mangyayareng kakaiba sa kanya sa loob ng ilang araw na nanirahan doon kasama ang mga kuneho kagagawan ng matandang nung nakaraan lang ay pinuntahan nila sa lamay." Napatingin muli ang batang lalaki sa matandang babae.

"Ano po nangyari sa bata?" Curious na tanong nito.

"Sya'y sinumpa na maging kuneho habang buhay." Napabilog ang bibig ng batang lalaki ng marinig iyon, "Ngunit pwede syang maging isang tao, pero hindi mawawala ang kanyang pang kunehong tenga at buntot." Mas lalong hindi makapaniwala ang bata.

"Kakaiba na po sya!" Tumango ang matanda.

"Alam mo ba kung bakit sya sinumpang maging ganong nilalang?" Umiling ang bata.

"Dahil sa kanyang ama. Pinatay ng kanyang ama ang anak ng matandang babae, bilang higanti ng diwatang matanda ay ginawa nyang kakaibang nilalang ang anak ng lalaki." Natahimik ang bata.

"Ang bad po talaga ng daddy nya!"

"Nangyare lang iyon dahil sa nakakabaliw na pagmamahal." Sabi ng matanda.

"Ano po 'yon?" Tanong ng batang lalaki.

"Masyado ka pang bata para malaman iyon." Kinurot sya ng mahina ng kanyang lola sa pisngi.

"Paano po mababalik ang bata sa pagiging tao ulit?" Tanong ng bata, napangiti ang matanda, "Magandang tanong." Napatingin ulit ang matanda sa langit.

"Sa pamamagitan ng halik, pwedeng mabago ang lahat. At makompleto ang mga misyon." Sagot ng matandang babae.

"Halik? Kiss? So kailangan po i-kiss nung kunehong bata?" Tumango ang matanda, "Lola! Gusto ko po sya i-kiss para maging tao na po sya!" Sigaw ng bata. Natawa sa kanya ang kanyang lola.

"Hindi iyon madali, kailangan nya munang gampanan ang mga misyong kailangan nya gawin bago sya maging normal." Wika ng matandang babae, napanguso ang bata.

"Ano po mga misyon?" Tanong nito.

"Ang mga misyon ay-" Hindi natapos ng matandang babae ang dapat nyang sabihin ng tawagin na ang bata ng kanyang ina.

"Ken! Anak! Halika ka na, uuwi na tayo!" Sabi nito, napanguso ang bata dahil hindi nya pa alam kung anong mga misyon ang dapat gampanan.

"Bye po lola, next time nalang po ulit!" Binigyan ng batang lalaki ang kanyang lola ng halik sa pisngi, napangiti ang kanyang lola at ginulo ang buhok nito.

"Hanapin mo 'yung kunehong iyon."

"Po?"

-

"Ha!" Mabilis na napabangon si Ken mula sa kanyang pagkakahiga, nakahawak sya sa kanyang dibdib dahil sa hingal na naramdaman nya.

Napahawak sya sa kanyang sintido, at huminga ng malalim.

"Bakit biglang lumabas sa panaginip ko ang matandang iyon?" Tanong nya sa kanyang sarili.

Napatingin sya sa paligid, andito pa 'rin sya sa kanyang kwarto. Napapikit sya at inayos ang kanyang kama, at naglakad palabas ng kanyang kwarto.

Bigla naman sya dinala ng kanyang paa sa kwarto ni Josh, pinihit nya ang pinto at bumungad sa kanya ang tahimik na silid.

Huminga ng malalim si Ken, "Bakit ba ako nandito?" Tanong nya ulit sa kanyang sarili. Isasarado nya na sana ang pinto ng mapansin syang nakatuping papel at kulay pula sa kama nito, wala naman ito kanina. Naglakad sya papunta sa kama kung saan natutulog si Josh noon, at kinuha ang papel.

Binuklat nya ito, at agad syang napapikit ng bumungad sa kanyang ang malinaw na nasa papel. Nang mawala ito ay dinilat nya ang kanyang mata.

Isang kunehong ang nakaguhit dito, nagtaka naman si Ken. Binaliktad nya ang papel baka may iba pang nakasulat sa papel na ito, nang makitang wala ay binalik nya ang papel sa nakaguhit na kuneho ngunit bigla itong nag iba at naging isang tao na may tenga't buntot ng kuneho. Nakaramdam si Ken ng pagkakaba dahil baka anong mangyare sa kanya at parang pinaglalaruan sya ng kung sino 'man.

Maya maya't pa ay biglang nabura ang nakaguhit na kunehong tao at naging words ito.

'Gubat. Halik. Pagmamahal.'

Iyon ang mga nakasulat sa papel, hindi alam ni Ken kung anong pinupunto ng sulat sa papel na iyon.

Naalala ni Ken na may binigay si Josh sa kanya na papel, at nung binuksan nila iyon ay walang nakasulat doon, ngayon naman ay may nagpakitang papel at nagiiba ang nakasulat sa papel na iyon.

Natigilan lang si Ken ng may tumawag sa kanyang cellphone na nasa bulsa nya lang, nabitawan nya ang papel at sinagot ang tawag at naglakad na palabas ng kwarto na ginamit ni Josh.

Ngunit nawala ang salita na nakasulat kanina sa papel, napalitan ito ng ibang salita.

'Mamatay ang taong mahal mo'

My Little BunnyWhere stories live. Discover now