A week has passed since Ken and Josh had a conversation, because of Ken helping him. And during those few weeks, Josh was not lost on Ken's mind, he couldn't be wrong because it was really Josh but why was his name is Joel.
"Is his name Joel?" Tanong nya sa kanyang sarili habang nakatitig sa kanyang cellphone na kung saan makikita ang number ni Josh na inilagay nito sa kanyang contacts.
Habang abala si Ken kakaisip kay Josh na nagpakilalang Joel sa kanya habang nakatitig sa kanyang screen, ay muntik na nyang maihagis ang cellphone na hawak nya dahil sa gulat ng bigla itong nag ring hudya't na may tumatawag.
"Wtf.." Hindi nya mapigilang mapamura dahil doon, agad nyang sinagot ang tawag ng hindi tinitignan ang caller.
"Hello?!" Pasigaw nyang sabi, narinig nyang natahimik ito ng ilang saglit kaya mas lalo syang nakaramdam ng pagkainis at sisigawan sana muli ang taong tumawag sa kanya ng magsalita ito dahilan ng pagkalma ni Ken.
[Hello? Ken...Si Jos- I mean si Joel 'to.] Natawa ito ng mahina ng magsalita ito, natulala naman si Ken at ang kanyang puso ay hindi matigil sa pagtibok ng mabilis.
[Ah...Ken?] Nabalik sa reyalidad si Ken ng magsalita ulit si Josh, "Ow...sorry.." Sabi ni Ken at napakamot sa kanyang batok dahil sa kaonting hiyang naramdaman.
[It's fine. By the way, are you free in weekends?] Tanong ni Josh dito, "Yes!" Mabilis na sagot ni Ken, narinig naman nito ang mahinang pagtawa ni Josh dahilan makaramdam sya ng pagiinit ng kanyang mukha.
[Okay. Let's go on a date! haha just kidding] Mas lalong nag init ang pisngi ni Ken.
"D-date?" Nauutal nyang sabi.
[Haha, joke lang naman. Sabi ko nga sa'yo babawi ako] Sabi nito kay Ken.
Hindi maiwasan ni Ken na mapaisip ang mga ngiting nilalabas ni Josh tuwing mag sasalita ito.
[So Ken wag mong kakalimutan 'yon ah?] Tumango tango si Ken "Hmm!" Pag sang-ayon nito. Natawa ulit si Josh dahil doon.
[Cute]
"Huh"
[Nothing, see you!] Sabi ni Josh at agad na pinatay ang tawag, napasandal si Ken sa kanyang swivel chair at huminga ng malalim.
"I want to hug and kiss him..."
--
This is the day.
Maagang nagising si Ken kahit na mamayang tanghali pa sila aalis ni Josh, dahil sa maganda ang kanyang gising ay napagluto sya ng breakfast at ang pinagtaka ng kanyang kapatid, dahil hindi naman ito ganito at nagluluto lang ito depende sa kanyang mood, ngunit madalas lang talaga iyon mangyare siguro mga one's a year.
Habang nakangiting nagluluto si Ken ay nakataas kilay namang nakatingin ang kapatid na si Felix sa kanya.
"Bro? Bakit? Ano nakain mo?" Hindi mapigilang mapatanong ng kanyang kapatid, humarap si Ken dito at na may ngiti sa labi, mas lalong nakaramdam ng ka-weirduhan ang kanyang kapatid.
"I'm just...happy." Sagot nito at tinanggal ang apron na suot ng mailagay nya na lahat ng kanyang niluto sa hapag kainan.
"So let's eat na bago pa 'to lumamig." Nauna na itong naupo, "Ha.." huminga ng malalim si Felix at sinaluhan nalang ang kanyang kapatid, susulitin nya na ito dahil minsan lang may ganitong mood ang kanyang kuya.
-
Pagtapos ng ilang oras ay naghahanda na si Ken, at nakakalat pa sa kanyang kama ang mga damit nya dahil hindi nya alam kung anong dapat nyang suotin.
Minuto ang lumipas sa paghahanap nya ng damit hanggang sa may mapili na sya, sa wakas.
Paglabas nya ng kanyang kwarto ay naabutan nya si Felix na nag c-cellphone sa kanilang sofa, "San ka?" Tanong nito habang nakatuon ang tingin sa kanyang ginagawa.
"Kahit saan, bye." Sagot ni Ken at agad na lumabas ng kanilang bahay, nakatingin lang si Felix sa pinto ng maraming tanong sa mukha.
"Bakit parang nag ssparkling si Kuya ngayon?" Tanong nya sa kanyang isipan, umiling-iling sya at pinaglatuloy nalang ang paglalaro.
--
Sinabi ni Josh na maghihintay sya sa labas ng apartment ni Ken kaya doon na dumiretso si Ken, at pag dating nya don ay naabutan nya si Josh na nakapamulsang tahimik na naghihintay sa kanya. Napakurba naman ang ngiti sa labi ni Ken at naglakad palapit kay Josh.
Agad naman syang napansin ni Josh kaya napaharap ito sa kanya at agad na ngumiti dahilan naginit nanaman ang pisngi ni Ken.
"Wow..pogi mo ngayon ah, I mean palagi ka namang pogi haha. Pero mas pogi ako." Sabi ni Josh dito at binigyan sya ng isang kindat, hindi naman makapagsalita si Ken, "Ah...yes." Tanging lumabas sa bibig nito habang nakatitig kay Josh.
"Baka matunaw ako nya'n, crush mo ba ako? Haha." Napaiwas si Ken ng tingin ng sabihin iyon ni Josh.
Pa'no kung sabihin kong ‘Oo’? Sabi nito sa kanyang isip.
"Jos- no I mean Joel, saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ni Ken habang naglalakad sila papunta sa parking lot dahil andon ang sasakyan ni Josh na kanilang sasakyan para sa paglalakbay.
"Cinema!" Pasigaw na sagot ni Josh, napapikit si Ken at pinilit na ikalma ang sarili baka biglaan nyang mahalikan si Josh ng wala sa oras.
"Fuck...he's so cute.."
-
"We still have to wait 2 hours before we can watch, so where do you want to go first?" Sabi ni Josh, habang may kinakalikot sa kanyang cellphone.
"Kahit saan.." Sagot ni Ken, napatingin si Josh sa kanya at binigyan ng matamis na ngiti, bago pa 'man makareact si Ken ay nahila na sya ni Josh, wala syang ideya kung saan sya dadalhin ni Josh. Hinayaan nya lang na hilain sya ni Josh habang hawak hawak ni Josh ang kamay ni Ken.
"Let's play some games muna." Sabi ni Josh at ngayon ay binitawan nya na ang pagkakahawak nya kay Ken.
Andito sila ngayon sa Arcade, dito si Ken dinala ni Josh.
"Okay.." Ani ni Ken at ngumiti bago sumunod kay Josh.
--
After spending two hours in the Arcade they were now inside the cinema watching quietly on a big screen.
Nalipat ang tingin ni Ken sa katabi nya, seryoso itong nanonood habang tahimik na kumakain ng popcorn. Napailing si Ken at binalik ang tingin sa big screen, ngunit maya maya pa ay nalipat nanaman ang tingin nya kay Josh, kaya agad nyang inalis ang tingin nya kay Josh at tumingin mula sa screen. Paulit ulit na napapalingon si Ken kay Josh, hindi nya mapigilan ang sarili nya, napapikit sya at huminga ng malalim.
Lumingon ulit sya kay Josh at nakita nya ang magandang pigura nito, hindi mapigilan ng puso ni Ken ang magwala.
Ilang segundong pinagmamasdan ni Ken si Josh ng hindi ito napapansin ni Josh dahil sa sobrang focus sa panonood.
"Ken tignan mo ang ganda nung place..." Pabulong na salita ni Josh habang ang tingin ay nasa harap, si Ken naman ay napangiti.
"Ang ganda nga..." Sabi ni Ken habang nakatigtig kay Josh, napatingin si Josh sa kanya at parehas silang nagulat dahil doon at agad 'din napaiwas ng tingin.
Napahilot si Ken sa kanyang sintido, "Kalma..." Bulong nya sa kanyang sarili, onti onti syang lumingon para makita si Josh. Nanlaki ang mata nito ng makitang nakatingin si Josh sa screen habang namumula ang pisngi't tenga nito.
"Oh my.." Napatakip si Ken sa kanyang bibig at agad na tumingin sa screen.
YOU ARE READING
My Little Bunny
أدب الهواة"The future can change." A man who owns a company, many admire his talent, but when it comes to talking to any person or when it comes to making friends he is cold. Ever since his past life came to an end, he no longer trusts the person far away fro...