MLB#6

196 12 0
                                    

Pag gising ni Josh ay naabutan nya si Ken na may kausap ito sa kanyang cellphone, at maya maya ay binaba nya ito. Nakaayos na ito, handa na para pumasok sa kanyang trabaho.

"Good morning.." Wika ni Josh at naglakad papunta kay Ken, napatingin naman si Ken sa kanya at tumango lang.

"Listen carefully I have something to say." Sabi ni Ken at umayos ng tayo, nagtaka si Josh pero hindi nya ito pinakita kay Ken.

"Hindi kita masasamahan. Jessa will come here, she will take care of you while I'm gone." Seryoso nitong sabi, tumango naman si Josh, "And most important of all, don’t show them you’re a half bunny." Dagdag nito, tumango ulit si Josh.

May kinuha si Ken sa may sofa, isang cap. Binigay nya ito kay Josh tinanggap naman ito ni Josh, "Suotin mo 'yan, at wag na wag mong aalisin." Sabi nito, saglit na tumingin si Josh sa cap at binalik ang tingin kay Ken, "Yes sir!" Nakangiting sigaw nito, agad na umiwas si Ken ng tingin, kaya nawala ang ngiti sa labi ni Josh, "Masyado naman 'to." Bulong nya sa kanyang sarili.

"Fix yourself, borrow my clothes first." Wika ni Ken, agad na tumango si Josh at naglakad na papunta sa kwarto ni Ken, pero huminto sya at humarap kay Ken, "Thank you!" Sigaw nito at bumalik ulit sa pag lalakad, tinignan lang sya ni Ken hanggang sa mawala na ito sa paningin nya, "Stupid heart." Sabi nya at huminga ng malalim.

Pagtapos ng ilang minuto ay natapos na mag ayos si Josh ng kanyang sarili, tulad ng sabi ni Ken ay humirap ulit sya ng damit nito, bumaba na sya at naabutan nya si Ken na nakaupo sa sofa habang may kinakalikot sa kanyang cellphone.

"Bakit hindi ka pa umalis?" Tanong ni Josh sa kanya dahilan nawala ang atensyon nya sa cellphone, hindi sumagot si Ken sa tanong ni Josh, tinignan nya lang ng malamig si Josh, "Okay...." Wika ni Josh ng maintindihan nya ang pinupunto ni Ken.

Parehas silang napatingin sa pinto ng may nag doorbell dito, maglalakad na sana si Josh para pagbuksan ito ng hawakan ni Ken ang kamay nya at sabay paglagay ng cap nito sa kanya, "Kakasabi ko lang sa'yo." Wika nito at sya na ang naglakad papunta sa pintuan, naiwan naman si Josh na tulala.

"Grabe it's been a year since tinawag mo ako for help!" Bungad ni Jessa ng buksan na ni Ken ang pinto, napatingin doon si Josh.

"Ow...new lover?" Nakangising bulong ni Jessa kay Ken, hindi sya pinansin ni Ken.

"Oo na..wag mo akong tignan ng ganyan. Tsk." Sabi ni Jessa, "Baka may balak kang patuluyin ako Mr. Felip." Nakangiting ani Jessa na may halong pang-aasar.

"Sya 'ata si Jessa." Bulong ni Josh. Naglakad si Jessa papunta sa pwesto ni Josh at pinagmasdan ito mula ulo hanggang paa, nakaramdam naman si Josh ng pagka-ilang.

"Hi! I'm Jessa! Takbuhan ni Ken pag kailangan ng tulong." Pakilala nito kay Josh at hinarap si Ken tsaka umirap.

"Ako si Josh, pwede mo 'rin akong tawaging Miho." Bigla namang nasamid si Ken pagtapos marinig ang sinabi ni Josh, "Ano nangyare sa'yo?" Tanong ni Jessa dito at Josh naman ay nag-aalalang nakatingin sa kanya.

"W-wala." Sabi nito at tinignan si Josh, nagtaka naman si Josh sa kanya, "Jessa." Lumapit agad si Jessa kay Ken.

"Ikaw na muna bahala sa kanya." Bulong nito kay Jessa, umirap si Jessa at tumango. May kinuha si Ken sa wallet nya at binigay ito kay Jessa, "Buy him a clothes that suits him." Kinuha iyon ni Jessa at tumango muli, "Makakaasa po." Ani Jessa at umirap.

"Pwede ba itigil mo na kakairap mo." May halong inis na sabi ni Ken, "Wala kang pake." Sabi ni Jessa at umirap ulit, huminga ng malalim si Ken. Mas mabuting kalmahin ang sarili baka mapatay nya pa 'tong babaeng 'to pag hindi sya kumalma.

"I'm going to work. Hey Josh, my reminder to you earlier, Jessa, take care of him when he come back with a wound or something, mayayari ka sa'kin." Mahabang sabi ni Ken na nagpalaki ny mata ni Jessa, si Josh naman ay tahimik lang na nakangiti.

"Ingat ka." Ani Josh, tumango si Ken sa kanya at naglakad na papunta sa pinto, at lumabas.

Si Jessa naman ay hindi makapaniwala sa nangyare, panay ang tingin nya kay Josh at babalik naman sa pintuan kung saan lumabas si Ken.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Josh sa kanya ng mapansin ito na parang hindi mapakali, agad na lumapit si Jessa kay Josh at pinagmasdan ang kanyang mukha.

"Ano mo si Ken?" Seryoso nitong tanong, "Eh? Kaibigan syempre." Sagot ni Josh, medyo lumayo si Jessa kay Josh.

"Sigurado ka?" Kahit na nagtataka si Josh sa kinikilos ni Jessa ay tumango ito, "Hindi ako makapaniwala." Sabi nito at tumingin sa taas.

"Hayst...Tara na!" Sigaw nito at kinuha ang kamay ni Josh tsaka lumabas ng unit ni Ken, "Teka, hindi pa nalolock 'yon!" Sigaw ni Josh, tumigil silang dalawa.

"Ay sorry nakalimutan ko hehe." Sabi ni Jessa at binitawan ang kamay ni Josh at tumakbo pabalik sa unit ni Ken, tsaka nya ito nilock ang pinto.

--

Nasa loob na sila ngayon ng kotse, may medyo may edad na lalaking nag da-drive at sa back seat naman si Josh at si Jessa, nakatingin lang si Josh sa bintana at hindi mapigilang mamangha sa nakikitang mga magaganda pang lugar.

"Pwede mo naman tanggalin 'yung cap na suot mo." Biglang sabi ni Jessa na nagpatigil kay Josh, naalala nya bigla ang sinabi ni Ken sa kanya na wag ito tanggalin. Gusto nya na sana din ito tanggalin kasi medyo nananakit na ang kanyang bunny ear, pero kailangan isikreto ang pagkatao nya.

"Ayos lang, mas comfortable ako na may sumbrero." Nakangiting sabi ni Josh, hindi mapigilan ni Jessa na makurot ang pisngi ni Josh, "Ang cute mo!" She said giggled as she pinched Josh's cheek.

"By the way, bakit ganon si Ken?" Biglang nag iba ang tono ng kanyang pananalita.

"Ano ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Josh sa kanya, "Nakakagulat lang kasi 'yung kinikilos nya ngayon." Wika ni Jessa. Mas lalong nadadagdagan ang katanungan sa utak ni Josh about kay Ken.

"Sino ba talaga sya? Ano ba talaga 'yung tunay na sya?" Tanong nya sa kanyang utak.

"Nevermind. Mas mabuting ganto nalang sya." Nagbago ulit ang tono ng kanyang boses bigla ito naging masaya.

"Siguro dahil 'to sa'yo! Ang cute cute mo kasi eh!" Gigil nitong sabi at sa pangalawang pagkakataon ay kinurot nya ulit ang pisngi ni Josh. Napangiti nalang si Josh kahit na medyo na nasasaktan sya.

"Paano ba kayo nagkakilala ni Ken?" Tanong ni Jessa, napatigil doon si Josh. Ano ba dapat nyang isagot? Dapat ba nyang sabihin na dahil isa syang bunny at inuwi sya ni Ken para alagaan pero aksidente syang naabutan bilang isang half bunny?

"Dito na po tayo ma'am." Biglang wika ng driver, "Ow..andito na pala tayo, tara na!" Sigaw ni Jessa at binuksan ang pinto ng kotse, nakahinga ng maluwag si Josh.

'Wag pa sana sya mag tanong ng hindi ko naman kayang sagutin.'

My Little BunnyWhere stories live. Discover now