MLB#36

155 7 0
                                        

"May beer? Nice." Bungad ni Justin pagpasok ni Josh sa loob ng kanyang apartment. Umirap lang si Josh, gusto nyang uminom ngayon dahil sa pagbaba ng kanyang rank.

"Alam mo Jah, may nakasalubong akong lalaki kanina. Parang familiar sya sa'kin, pero hindi ko maalala kung saan ko sya nakita." Sabi ni Josh at binuksan na ang isang beer.

"Ilusyon mo lang 'yon kasi bumaba 'yung rank mo!" Nakatanggap si Justin ng pagbato ng unan, "Joke lang naman eh!" Masama syang tinignan ni Josh.

"Change topic parang naisipan kong mag face reveal na." Agad na nasamid si Justin kaya nag panic si Josh at lumapit kay Justin, "Ayos ka lang? Ano ba nangyare sa'yo?" Nagaalalang tanong ni Josh.

"Bakit kasi biglaan ka mag sasabi ng ganyan?" Tanong ni Justin habang pinupunasan ang kanyang bibig, "Ha? Bakit, ayon naman gusto ng mga fans ko eh, tsaka isa pa pag nakita nila 'yung mukha ko, mas lalong dadami 'yung fans ko." Nasamid ulit si Justin sa pangalawang pagkakataon.

"Haaaa....ikaw bahala.." Sabi ni Justin at huminga ng malalim.

"Tsaka isa pa, pag nalaman nilang mas pogi ako sa F.Seawon na 'yon, iiwan nila 'yung user na 'yon lilipat sa'kin." May halong yabang na sabi ni Josh, walang nagawa si Justin kundi umagree sa kanyang kaibigan.

Nag-kwentuhan sila ni Justin hanggang sa maubos ang kanilang beer at snacks, pag tapos no'n ay umuwi na si Justin at si Josh naman ay niligpit ang kanilang kalat.

Nang matapos nya na ang kanyang gawain ay dumiretso sya sa bathroom para maligo.

Nang makalabas na sya ng bathroom ay agad syang naupo sa kanyang gaming chair habang pinupunasan ang kanyang basang buhok ng tuyo na towel, binuksan nya ang kanyang computer at agad na nag bukas ng twitter. Nakita nyang trending pa din ang pagiging rank 1 ni F.Seawon, kaya nakaramdam sya ng kaonting inis, huminga sya ng malalim at pinatay nalang ulit ang kanyang computer.

Tumayo sya at naglakad papunta sa kanyang kama, binuksan nya ang kanyang cabinet at kinuha ang nakatuping papel na matagal nya ng tinatago.

Kulay pula ang papel at maliit, binuksan nya muli ito at gano'n pa 'rin ang nakikita nya, rabble letters. Hindi nya maintindihan ang nasa papel kahit anong intindi nya, i-sinearch nya nga ito ngunit wala namang lumabas, sa ilang taong pagbabasa nya dito ay hindi nya pa 'rin maintindihan. Huminga si Josh ng malalim at binalik sa pag tupi ang papel at binalik sa kanyang cabinet.

Pag tapos nya matuyo ang kanyang buhok gamit ang kanyang blower, ay naupo muli sya sa kanyang gaming chair.

"Let's back my rank to be 1 again!" Sigaw nito sa loob ng kanyang kwarto, at inayos nya na ang dapat ayusin para masimulan nya na ang kanyang live stream.

"F.Seawon should lose you." Nakangisi nitong sabi.

-

"Goodbye guys! Thank you for always supporting me! I love you all!" Pag papaalam nito sa kanyang manonood/fans, pagtapos no'n ay pinatay nya na ang kanyang computer. It's already 5AM, at 12AM sya nag simula.

Hinilot hilot nya ang kanyang sintido, "Argh so tired..." Tumayo na ito at nag lakad papunta sa kanyang kama at agad na binagsak ang katawan.

Ipipikit na sana ni Josh ang kanyang mga mata ng biglang tumunog ang cellphone nya at dahilan din na magulat sya.

"Shit....matutulog pa lang ako nag alarm ka na." Sabi nya at pinatay ang alarm sa kanyang cellphone, pinikit nya na muli ang kanyang mga mata hanggang sa makatulog sya.

--

"K-ken..."

"Josh..?.."

"Ken....I love you."

"I love y-"

"Josh..!.."

"JOSH!" Mabilis na napabangon si Ken, sya'y hingal na hingal at pawis na pawis, nang makakalma na sya ay napayuko sya at hindi nya namalayan na may luha ng tumulo sa kanyang mga mata.

"Fuck....where are you?..." Pinunasan nya ang kanyang luha, kinuha nya ang kanyang cellphone at nakitang 6AM ang oras, bumangon na sya at naghanda na para sa kanyang pag pasok.

Habang nasa sasakyan si Ken ay nakatanggap sya ng tawag mula sa kanyang kapatid na si Felix.

[Bro...Shall I reveal my handsome face?] Bungad nito nang sagutin ni Ken ang tawag, napahampas si Ken sa kanyang noo.

"Bahala ka, wag mo na ako guluhin." At agad na pinatay ni Ken ang tawag, huminga sya ng malalim at pinaandar na ang kanyang sasakyan.

-

11AM is lunch time. Lumabas si Ken sa kanyang office, "Hello, Director Felip." Pagbati sa kanya ng mga employee's, binigyan nya lang ito ng tango at matamis na ngiti. Habang nag lalakad sya pasakay ng elevator ay bigla nyang naalala ang dating sya, na hindi namamansin at super cold sa lahat ng ma-mmeet nya, natawa sya ng mahina.

Nang makababa na sya ay naglakad na sya muli, tulad ng kanina ay binati muli sya ng mga tao.

"Nag face reveal na sya!" Napunta ang tingin nya sa dalawang babaeng nag-uusap at mahinang nag titiliin pero naririnig.

"Sino? Si LightHunter?" Tanong ng isang babae, tumitiling tumango ang kanyang kausap. Hindi alam ni Ken bakit sya nakikinig sa dalawang ito, napailing nalang sya at maglalakad na sana ng magsalita muli ang isang babae na umagaw ng atensyon nya.

"Mukha syang bunny! Ang cute nya at the same time pogi!" Ang sabi nito. Napantingin muli si Ken sa kanila, pero napansin ng dalawang babae ang tingin ni Ken, kaya napayuko sila at huminga ng pasensya at sabay ang pag-alis.

Bunny...

"Oh Ken, pupunta ka bang cafè? Sabay na tayo." Nabalik lang si reyalidad si Ken ng magsalita ang isang tao, ang kanyang kaibigan na si Stell.

Tumango si Ken at sabay silang lumabas ng building, at sumakay sa kanyang kotse, doon na 'rin nakisakay si Stell dahil hindi nya naman dala ang kanyang kotse, hiniram ito ng kanyang kapatid.

Habang nasa byahe sila ay panay ang kwento ni Stell, hindi na iyon bago kay Ken kaya hinayaan nya nalang iyon pero ang isip ni Ken ay tungkol pa 'rin doon sa mukhang bunny na binanggit ng dalawang babaeng iyon.

"LightHunter huh..." Out of nowhere nyang sambit, natigil si Stell sa oag sasalita at nagtatakang tinignan si Ken.

"Are you okay? Tsaka sinong LightHunter? 'Yung sikat na streamer na 'yon?" Nakaramdam si Ken ng malaman nyang kilala ni Stell ang LightHunter na iyon.

"Ano bang meron sa kanya?" Tanong ni Ken, bigla syang binigyan ng ngisi ni Stell.

"Hindi ka interesado sa lahat, bakit biglaan 'ata ngayon." Inirapan lang sya ni Ken.

Kwinento ni Stell lahat ng nalalaman nya kay LightHunter, at ang pagiging rank 2 nito at nangunguna pa 'rin si F.Seawon, ngunit hindi alam ni Stell na ang F.Seawon na iyon ay ang kapatid ni Ken.

Hanggang sa makarating sila sa cafè ay nag k-kwento pa 'rin si Stell about kay LightHunter, na mas lalong naging interesado kay Ken.

"Nag face reveal na sya gusto mo makita?" Napalaki ang ngiti ni Ken at agad na tumango, "Masyadong halata 'yung pag ka excited mo." Natatawang wika ni Stell, natahimik si Ken at naging seryoso.

"Ito-" Kukuhain na sana ni Stell ang kanyang cellphone para ipakita ang mukha no LightHunter, nang biglang mag ring ang cellphone ni Ken. Sinagot nya ito at agad na iniwan si Stell dahil may importanteng kailangan gawin.

My Little BunnyWhere stories live. Discover now