MLB#9

172 8 0
                                    

"Ken gusto pa kita makilala." Biglang sabi ni Josh, napatigil naman si Ken sa pagkain, "Magtatanong ako sa'yo, dapat sagutin mo." Nakangiting ani Josh.

"Kumakain tayo." Napanguso naman si Josh, "Ano ba, sige na kasi." Pagkukumilit ni Josh, hindi sumagot si Ken at patuloy lang sya pagkain.

"Unang tanong, kailan birthday mo?" Tanong ni Josh sa kanya at sabay ang pagsubo nito ng kanyang pagkain.

"January 12." Simpleng sagot ni Ken, "Ow. Eh ilan taon ka na?" Tanong muli ni Josh, "25." Wika ni Ken at uminom ng tubig.

"Wow, mas matanda pala ako sa'yo!" Sigaw ni Josh, napatingin naman si Ken sa kanya ng nagtataka, "Bakit ilang taon ka na ba?" Tanong ni Ken.

"Amm..28?" Hindi siguradong sagot ni Josh, "Hindi ka nga sigurado sa sagot mo." Wika ni Ken at tumayo na para ilagay ang kanyang pinagkainan sa lababo, nauna syang matapos kaysa kay Josh na dumadaldal pa.

"Hoy sigurado akong 28 years old na ako! October 22, 1993 ako eh!" Sigaw ni Josh na parang bata, hindi ni Ken mapigilang matawa. Napatigil si Josh ng makitang tumatawa si Ken, "Ito ba 'yung tinatawag nilang Mr. Cold? Tumatawa sa harap ko!" Sigaw ni Josh mula sa kanyang isip.

"Sorry." Wika ni Ken at pinunasan ang kanyang luha na lumabas dahil sa kanyang pagtawa, "Mas matanda ka sa'kin pero parang ikaw 'yung mas bata." Sabi nito, hindi kaagad nakapag salita si Josh.

Tumayo si Josh mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa pwesto ni Ken, napatigil si Ken sa pagtawa ng biglaan syang niyakap ni Josh.

"A-anong ginagawa mo?" Tanong ni Ken habang inaalis ang yakap ni Josh sa kanya pero hinigpitan ito ni Josh.

"Ano ba problema mo? Bawal ako yakapin ng walang permission." Sabi ni Ken, agad na bumitaw si Josh at ngumiti kay Ken. Hindi alam ni Ken kung anong iniisip ni Josh, basta medyo naguguluhan sya.

"If kaya mo ng ikwento makikinig ako." Nakangiting sabi ni Josh at naglakad na ulit pabalik sa lamesa. Naiwan naman si Ken na tulala.

"Ang weird.." Bulong nya at napatingin kay Josh na tahimik na kumakain. Biglang pumasok sa isip ni Ken na natawa sya dahil sa sinabi ni Josh kanina, napatakip sya ng kanyang bibig, "Did I do that?" Tanong nya sa kanyang sarili.

--

"Sabi ko naman sa'yo kaya ko mag-isang linisin 'yan eh." Pagmamalaking sabi ni Josh, andito sila ngayon sa kwartong tutulugan ngayon ni Josh. Nilibot ni Ken ang kanyang paningin sa loob ng kwarto, hindi na ito katulad ng dati na sobrang dumi, halos apat na taon na 'ata nung last itong malinisan.

"Ayos ba?" Tanong ni Josh at naupo sa kanyang kama, "Hmm." Tanging sagot ni Ken at lumapit sa bintana at pinagmasdan ang buwan na tanaw mula sa loob ng kwarto ni Josh.

"Thank you talaga Ken ah, hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa'yo. Sobra na 'yung natulong mo sa'kin." Sabi ni Josh, pag tapos ni Josh mag salita ay namayani ang katahimikan sa loob ng silid.

"It doesn’t mean I trust you." Wika ni Ken, napatingin si Josh sa kanya, "Kaya gusto kong mas lalo pa kitang makilala at makilala mo din ako." Sabi ni Josh, humarap si Ken sa kanya.

"Kasi kahit full name mo hindi ko alam." Napakamot si Josh sa kanyang ulo, "Hahayaan kitang malaman mo." Sabi ni Ken, napanguso naman si Josh.

"Hindi ka ba naiilang o ano 'mang nararamdaman mo na may kasama kang ibang uri ng tao?" Tanong ni Josh sa kanya, natahimik bigla si Ken.

"I don't know." Sagot ni Ken, napangiti si Josh, "Amm...matulog na tayo, maaga ka pa bukas papasok." Tumango si Ken at naglakad na papunta sa pinto ng kwarto ni Josh, bago pa 'man sya makalabas ay tumigil sya, "Goodnight." Sabi nya at tuluyan ng lumisan.

"G-goodnight..." Bulong ni Josh habang nakatingin lang sa pinto.

--

It's been a 3 months simula nung mag stay si Josh sa unit ni Ken, para nya na din itong naging tahanan. Si Ken at si Josh ay gano'n pa 'rin ang ganap sa buhay, si Ken papasok at si Josh ang maiiwan sa loob ng unit nito.

"Ken, wake up..." Patuloy sa pag gising ni Josh kay Ken, anong oras na kasi at may pasok pa ito. Ayaw naman ni Ken na nalalate, alam na 'yon ni Josh. Kasi nung isang araw na nalate ng gising si Ken ay badtrip ito kaya ang naging goal ni Josh, ay gisingin si Ken ng maaga.

"5 minutes." Mahinang wika nito, huminga naman ng malalim si Josh, hindi naman ganito si Ken noon. Mas maaga pa syang nagigising noon pero simula nung dumating si Josh parang ayaw nya nalang pumasok sa kanyang trabaho, mas gusto nyang manatili nalang dito sa loob ng kanyang bahay.

"Ano ba Ken, magagalit ka nanaman sa sarili mo pag nalate ka." Sabi ni Josh sa kanya, pero hindi sumagot si Ken dahil sobrang inaantok pa talaga ito.

"I'm CEO, kahit anong oras pwede ako pumasok..." Bulong nito, pero sapat na para marinig ni Josh.

"Tsk. MR. FELIP JHON SUSON!" Biglang sigaw ni Josh, agad naman nanlaki ang mata ni Ken at napaupo mula sa pagkakahiga, "Paano mo?...-" Ngumisi lang si Josh sa kanya at tumalikod na ito, "Baka lumamig 'yung hinanda kong breakfast mo don." Wika ni Josh at naglakad na paalis sa loob ng kanyang kwarto, naiwan naman si Ken na tulala sa kanya.

Sa tatlong buwan na magkasama sila ay hindi pa alam ni Ken ang buong pangalan ni Josh, wala naman syang balak alamin pero parang ngayon ay kailangan na, lalo't alam na din ni Josh ang buong pangalan nya.

Pagbaba ni Ken ay naabutan nya si Josh na nakaupo sa upuan sa hapag kainan, at nakatingin sa kung saan habang inaantay si Ken, "Para syang tanga." Hindi ni Ken mapigilan matawa sa kanyang naisip at kasabay pa ng itsura ni Josh habang inaantay sya nito.

"Anong nakakatawa?" Tanong ni Josh, naglakad si Ken papunta sa upuang harap ni Josh at naupo, "Wala po..." Sagot ni Ken habang patuloy pa 'rin sa pagtawa, inirapan sya ni Josh.

"Kumain ka na nga d'yan." Wika ni Josh, kumalma si Ken at tumango.

"By the way Jessa is going here." Sabi ni Ken napatingin naman si Josh sa kanya, "Bakit daw?" Tanong nito.

"Malalaman mo pag nandito na sya." Sagot ni Ken habang hindi tumitingin kay Josh, "Tatanong lang." Umirap ulit si Josh. Naisipan ni Josh na magpalit bilang isang kuneho.

Nang magawa nya iyon ay gulat na tumingin si Ken sa kanya, "Hoy...M-miho." Hindi mapigilan nabanggit ni Ken ang pangalan na ibinigay nya sa kuneho noon nang lambingin nito ang kanyang paa.

Napapikit si Ken, "Bumalik ka na, aalis na ako." Wika ni Ken at tumayo, nakaramdam naman si Josh ng pagkadismaya, gusto nya lang naman ng LAMBING mula sa AMO nya.

"Ayaw mona sa Miho mo ah." Bulong ni Josh.

My Little BunnyWhere stories live. Discover now