MLB#8

170 10 1
                                    

"We need a cleaner." Sabi ni Ken at maglalakad na sana pero hinawakan ni Josh ang kamay nya dahilan mapatigil ito, "Hindi na nga kailangan, kaya ko naman eh." Wika ni Josh. Kanina pa si Ken nagsasabi na kailangan nila ng taga linis para malinisan ang guest room na tutulugan ni Josh, pero ayaw naman ni Josh dahil kaya nya naman ito linisan.

"Hindi-" Hindi na natapos ni Ken ang sasabihin nya ng unahan sya ni Josh, "Promise, kaya ko." Nakangiting sabi ni Josh, bumitaw si Ken sa pagkakahawak ni Josh at huminga ng malalim.

"Okay fine." Pagsuko ni Ken, napangiti naman si Josh dahil doon, "Ingat ka!" Sigaw ni Josh ng naglakad na si Ken papunta sa pinto, katulad ng dati ay tuma-tango lang ito sa kanya. Nang mawala sa paningin ni Josh si Ken ay nagsimula na syang hanapin ang mga gamit pang linis.

Matapos ang ilang minuto sa pag hahanap nya sa mga gamit pang-linis ay nakumpleto nya na ito, kinuha nya na ang mga ito at umakyat kung saan ang kwartong kanyang lilinisan.

Pagbukas ni Josh ng pinto ay bumungad sa kanya ang maalikabok na lugar at mga sapot kung saan saan, hindi na sya nag aksaya ng oras at agad na sinimulan ang paglilinis.

"Kailan ba 'to huling nalinisan?" Tanong nya habang inaalis ang mga agiw. May isang kama at may cabinet din, katulad ito sa kwarto ni Ken pero malaki lang nag kaonte 'yung kay Ken, may bintana din ito malapit sa kama.

Matapos ang ilang oras na paglilinis ni Josh ay sa wakas natapos na 'rin ito, tumayo ng maayos si Josh para tignan ang buong kwarto, hindi na ito katulad ng dati na sobrang dumi, pinunasan ni Josh ang kanyang pawis at tsaka pinulot ang mga plastic na puro basura ang laman.

Lumabas si Josh ng unit ni Ken para itapon ang mga basura pagtapos ay bumalik din sya kaagad. Pumasok sya sa kwarto ni Ken para kumuha ng bedsheet na ilalagay nya sa kanyang kama, kumaha na 'rin sya ng kurtina sa isang kwarto na laman nito ay puro gamit na nasa kahon.

Nang matapos nyang ikabit ang kurtina pati ang bedsheet sa kanyang kama ay biglang syang nakarinig ng kung anong tugtog sa baba. Naglakad si Josh pababa at sinundan ang tunog.

Napadpad sya sa isang mini table, 'yung telephone pala ang tumutunog hudya't may tumatawag, hindi alam ni Josh kung paano sagutin iyon, nagtataka lang syang nakatingin sa telephone hanggang sa mawala ang tunog, "Wala na 'ata 'yon." Sabi nya at maglalakad na sana pabalik ng tumunog ulit ito, kinuha nya ito at pinagmasdan ang mga button na maaring pindotin, kaso hindi nya alam kung anong dapat pindotin dahil marami ito.

"Bahala na nga." Aniya at pumindot kung saan, nagulat sya ng may biglang magsalita mula dito, [Hello? Ken?] Bigla naman nakilala ni Josh ang boses.

"J-jessa?" Wika nya, [Oh my god! Ikaw pala hybrid!] Sigaw ni Jessa mula sa telephone, natawa naman ng mahina si Josh.

"Bakit ka tumawag?" Tanong ni Josh, [Wala lang, may ginagawa ka ba? Papaalam tayo kay Ken! Ilalabas kita!] Sabi nito, napatingin naman si Josh sa mga dapat nya 'pang linisin.

"Sorry-" Hindi na natapos ni Josh ang sasabihin nya ng unahan sya ni Jessa, [Ayos lang, next time nalang. Bye!] At agad itong nawala, binaba na ni Josh ang telephone, "Weird nya ah." Bulong nya.

Umakyat na muli sya sa taas at pinagpatuloy ang pag-aayos ng kanyang gamit.

--

It's already 7pm at natapos na ni Ken lahat ng kanyang paperworks. Sumandal sya sa kanyang office chair at tumingala, "Ano kayang ginagawa ng kuneho na 'yon?" Tanong nya sa kanyang isip.

Napatingin sya sa pinto ng bigla itong bumukas, si Stell lang pala, "What are you doing here?" Malamig na tanong ni Ken sa kanya.

"Balita ko pinapansin mo na mga employee mo ah, ano meron?" Taas kilay tanong ni Stell sa kanya. Napa 'tsk' lang si Ken dahil sa pinapakita ni Stell sa kanya.

"I need to go home." Sabi ni Ken at inayos na ang kanyang gamit, "Eh? Ang aga pa ah." Wika ni Stell at tumingin sa kanyang relo.

"Hindi ba ako required umuwi ng maaga?" Tanong ni Ken sa kanya, agad na napailing si Stell, "Okay, okay. Ingat bro!" Sigaw ni Stell at nauna ng lumabas kay Ken, bumugtong hininga si Ken at naglakad na din paalis.

"Sabi nila bumalik na daw sya." Bulong bulungang naririnig ni Ken pag baba nya ng elevator, hindi nya nalang iyon pinansin. Wala naman syang ideya kung sino 'yung babalik na 'yon eh.

Nang makarating si Ken sa parking lot ay sumakay na sya sa kanyang kotse, matapos isuot ni Ken ang kanyang seatbelt ay may biglang dumaang familiar na kotse sa harap nya.

"Blue car...." Sinundan nya ng tingin ng kotse. Pamilyar ito sa kanya pero hindi nya matandaan kung kanino ba itong kotse, pinagsawalang bahala nya nalang iyon at nagsimula ng bumyahe. Simula nung dumating si Josh sa bahay nya, gusto nya ng umuwi ng maaga na hindi malaman ang dahilan.

Ken finally got to his condo, he parked his car first before taking the elevator, when the elevator opened he walked towards his unit.

When Ken opened the door, he would have called Josh when he saw it without a top and wearing an apron while cooking something. Ken's world stopped.

"What the f-" Hindi nya natapos ang sasabihin nya ng biglang humarap si Josh sa kanya, "Andito ka na pala Ken, nag luto ako ng pa-" Hindi natapos ni Josh ang dapat nyang sabihin ng tumakbo si Ken papunta sa taas.

"Ano problema no'n?" Bulong ni Josh, hindi nya nalang pinansin si Ken at pinagpatuloy ang kanyang pagluluto.

Meanwhile Ken.....

"So fucking.." Nakaupo ngayon si Ken sa lapag ng kanyang kwarto habang nakasandal sa pinto at nakatakip ang kanyang palad sa kanyang bibig.

"I didn't see anything." Sabi nya at pilit na inaalis sa kanyang isip ang itsura ni Josh kanina.

"Why?...why he so fucking sexy?" Sabi nya sa kanyang isip. Pinilit nyang kumalma, huminga ng malalim.

"KEN?!" Nang marinig nya ang boses ni Josh ay agad syang napatayo, "Tapos ka na ba? Kain na tayo." Rinig nyang wika ni Josh mula sa labas ny kanyang kwarto.

"S-susunod ako." Nauutal nyang sabi, "Okay, hintayin kita." Sabi ni Josh at naglakad na paalis. Nang marinig ni Ken ang yapak ni Josh paalis ay nakahinga sya ng maluwag.

"What's wrong with me?" Tanong nya sa kanyang sarili at naglakad na papunta sa bathroom.

My Little BunnyWhere stories live. Discover now