MLB#13

166 6 0
                                    

It's been a week since Josh accidentally said the name that Ken didn't want to hear, but they still didn't pay attention. Josh wants to apologize but he doesn't get a chance to talk to Ken, he leaves early and comes home late.

Hindi sanay si Josh na ganto ang turingan nila, pero walang magawa si Josh kundi mag-antay ulit ng araw kung kailan libre si Ken makausap.

4am palang ay gising na si Ken, ayaw nyang naabutan nya si Josh na nagluluto ng breakfast sa kanya, dahil naguguilty pa 'rin sya sa pinakita nyang ugali kay Josh noon, kaya mas pinili nya nalang na umiwas.

Kasalukuyan inaayos ni Ken ang kanyang polo ng tumunog ang cellphone nya hudya't may tumatawag, kinuha nya ito at nagtaka ng makita ang caller, si Jessa. 'Ang aga aga bakit sya nambubulabog?' Inis na wika ni Ken sa kanyang isip.

"Ano kailangan mo?" Bungad ni Ken kay Jessa ng sagutin nya ang tawag.

[Ay, wala 'man lang hello or good morning?] Napairap si Ken.

"Kung wala kang sasabihin, ibababa ko na to." Papatayin na sana ni Ken ang tawag pero agad nagsalita si Jessa.

[Ito naman. Ipagpapaalam ko lang si Josh kung pwede ba sya ilabas? Promise iingatan ko sya ibabalik ko sya na walang kahit anong sugat, ple-] Hindi natapos ni Jessa ang sasabihin nya ng magsalita si Ken.

"Bahala ka." Sagot nya at agad na binaba ang tawag. Napatingin si Jessa sa kanyang cellphone at nagtaka dahil sa inatsa ni Ken. Pero hindi nya na iyom inisip pa, dahil sa wakas makakasama nya ulit ang cute na bunny.

Nang matapos si Ken ay bumaba na sya pero laking gulat nya ng makita si Josh na nakaupo sa sofa habang may kinakalikot sa kanyang cellphone, "Bakit ang aga nito nagising?" Bulong ni Ken.

Huminga ng malalim si Ken at naglakad na pababa, napansin naman sya ni Josh, "Ah...K-ke-" Magsasalita sana si Josh ng unahan na sya ni Ken, "Ipapasyal ka daw ni Jessa." Wika nya at agad naglakad palabas ng pinto. Nalungkot naman si Josh dahil doon. Hindi nanaman sya nakakuha ng chance para makausap si Ken, gumising na nga sya ng maaga.

"Ayaw nya talaga ako patawarin? Hindi ko naman kasi alam eh." Sabi ni Josh at ngumuso.

--

Bumalik ulit ang nakaranasan ni Ken noon na hindi pagpansin sa mga employee nya, hindi na alam ng nga employee nya kung anong nagyayare kay Ken, sobrang naguguluhan na sila dito.

Pagdating ni Ken sa kanyang office ay naabutan nya si Jinn na inaayos ang mga gamit nito. Napansin sya ni Jinn at ngumiti ito sa kanya, "Good morning Sir." Alam na ni Jinn na hindi sya nito papansin kaya agad din syang bumalik sa kanyang ginagawa.

"Paano mo ba mapapasaya 'yung isang tao?" Tanong ni Ken na nagpaalis ng kaluluwa ni Jinn, gulat na gulat syang nakatingin kay Ken.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Nagtatakang tanong ni Ken kay Jinn, agad naman umiling si Jinn sa kanya at ngumiti.

"Sir syempre una sa lahat ay ibigay mo sa kanya ang mga bagay na gusto nya." Sagot ni Jinn, "Ibigay ang gusto nya?" Tumango si Jinn.

'Ano ba gusto ni Josh?' Tanong ni Ken sa kanyang isip.

"Or kaya yayain mo syang lumabas." Napaisip si Ken. 'Yayain lumabas? Magandang ideya, pero paano ko sasabihin to sa kanya?' Napasapo si Ken.

"Maraming paraan para mapasaya ang taong mahal mo." Napatingin si Ken kay Jinn, "Ano ibig mong sabihin?" Tanong ni Ken, ngumiti lang si Jinn, "Wala po." Sagot nito at bumalik sa kanyang gawain.

--

Tulad ng sabi ni Ken kanina kay Josh na ilalabas sya ni Jessa, ay nag handa na sya dahil nag text din si Jessa kay Josh kung anong oras sila lalabas, at limang minuto nalang at maya-maya andito na si Jessa.

Habang hinihintay ni Josh si Jessa ay inayos nya muna ang mga gamit sa loob ng bahay, niligpit ang mga kalat.

Pagtapos ni Josh gawin 'yon ay saktong pag tunog ng doorbell, agad syang naglakad papunta sa pinto para pagbuksan ang taong iyon, "Malamang si Jessa na 'to." Sabi nya.

Ngunit pag bukas nya ng pinto ay hindi naman ito si Jessa, kundi isang lalaki na nakita nya kung saan. Parehas silang gulat na gulat, dahil walang suot si Josh na cap para maitago ang kanyang dalawang tenga sa itaas ng kanyang ulo.

"S-sino ka?" Parehas nilang tanong, "Bakit ka nandito sa bahay ng kaibigan ko sino ka ba?" Nawala ang pagkagulat ng lakaking nasa harap ni Josh at napalitan ito ng pag galit. Agad nyang kuwinelyuhan si Josh.

"Jo-Stell!" Napatingin ang lalaki sa taong nagsakita at nakita nito si Jessa na nag-aalalang nakatingin sa kanya.

Agad nyang nabitawan si Josh ng ilayo ni Jessa si Josh at nilagay ito sa kanyang likod, "Ano 'ring ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ng lalaki.

"Stell..let me explain, okay?" Kalmadong wika ni Jessa, kahit nagtataka si Stell ay pumayag syang mag paliwanag si Jessa.

Sinabi ni Jessa lahat kay Stell ang tungkol kay Josh, ayaw sanag maniwala ni Stell pero kitang kita ng dalawa nyang mata na tunay ang pang kunehong tenga nito.

"So dito ka na tumutuloy in almost 3moths?" Tumango si Josh sa tanong ni Stell.

"Hindi ko akalain na may tinatago si Ken dito sa pamamahay nya ah." Nakangising ani Stell.

"Stell pakiusap, wag mong sabihin kay Ken ang tungkol dito." Sabi ni Jessa kay Stell, "Eh? Bakit naman?" Tanong ni Stell.

"For sure magagalit 'yon." Sagot ni Jessa, "Amm..pwedeng wag mong sabihin kay Ken? Please." Sa ngayon ay si Josh na ang nakiusap, huminga ng malalim si Stell at tumango.

"Bakit ka ba naparito?" Tanong ni Jessa kay Stell, "Wala kasi si Ken sa office nya, kaya akala ko umuwi sya." Napatingin si Jessa at Josh sa isa't isa.

"Bakit ganyan kayo makatingin? Baka may pinuntahan lang saglit, hinanap ko lang sya sa totoo lang wala akong kailangan hehe." Mahinang natawa si Stell at napakamot sa kanyang batok.

"Pero sabi sa'kin nung secretary nya lumabas sya kasama si Ksenia." Wika ni Stell.

"Ksenia? Bumalik na sya?! Kailan pa?! Ang kapal naman talaga ng mukha nya!" Sunod sunod na tanong ni Jessa na may halong pagkainis.

"Ano ba kumalma ka, malay mo magkakabalikan na sila diba?" Masayang sabi ni Stell, "Ano kamo?! Hindi mo ba alam ginawa ni Ksenia kay Ken?!" Sigaw nito pero natawa lang si Stell.

Samantalang si Josh ay tahimik na nakikinig sa kanila, mas lalo syang na c-curious kay Ksenia, at ano ba talaga ito ni Ken?

Sa nalaman ni Josh na magkasama ngayon si Ken at ang Ksenia na 'yon ay hindi nya mapigilang malungkot. 'Bakit ganito nararamdaman ko?' Tanong nya sa kanyang isip.

Napatingin si Josh kay Jessa at Stell na patuloy sa pagtatalo tungkol kay Ksenia at Ken.

"Amm..ano ni Ken si Ksenia?" Napatigil ang dalawa.

My Little BunnyWhere stories live. Discover now