MLB: EPILOGUE#2

165 3 0
                                    

When they spend some time together and what kind of rides they ride, Ken feels scared but it disappears immediately when Josh notices that he will hold his hand.

"Don't be nervous, I'm here." Sapat na para marinig ni Ken ang mga salitang iyon na nagpakalma sa kanya.

Napangiti si Ken dahil doon at hiniwakan pabalik ang kamay ni Josh ng mahigpit. Hindi na iyon naramdaman ni Josh dahil nakisabayan sya sa mga taong nag sisigawan dahil sa kilabot at sayang nararamdaman.

Matapos ang ilang oras na magkasama sa pagsakay ng kahit anong rides ay napahinto silang dalawa sa isang tabi at naupo sa isang bench.

Biglang napatayo si Josh, "Wait ka lang d'yan Ken." Sabi nito at naglakad kung saan, hindi na nakasagot pa si Ken at napapikit nalang habang hinihintay si Josh. Sobrang napagod sya dahil sa mga rides na sinakyan nila at buti nalang ay hindi sya nasuka dahil don.

Naramdaman ni Ken na may parang nilalagay sa kanyang ulo kaya napadilat sya at nakita nyang may sinusuot na kung ano si Josh sa kanyang ulo habang may matamis itong ngiti.

"Yan perfect, ako naman." Napaayos si Ken ng upo at hinawakan kung ano ang nilagay ni Josh sa kanyang ulo, isang headband na may dalawang tenga, mukhang tenga ito ng aso.

Napalingon si Ken kay Josh, at parang huminto ang paligid ng makita nyang may suot na headband si Josh at iyon ay tenga ng mga kuneho.

"Ayos ba?" Tanong ni Josh dito, ngunit wal syang natanggap na sagot dahil patuloy pa 'rin sa pagtitig si Ken sa kanya at parang hindi makapaniwala sa nakikita.

"Ken?"

Agad na nabalik si Ken sa kanyang reyalidad at tumayo tsaka kinuha ang kamay ni Josh at hinila ito palapit sa kanya at agad syang niyakap ni Ken ng mahigpit.

"K-ken?" Hindi alam ni Josh ang nangyayare kay Ken, ngunit hinayaan nya lang ito. Hanggang sa may narinig itong hikbing, kaya agad na hinarap ni Josh ang kanyang mukha kay Ken.

"Bakit? Ano nangyare?" Nagaalalang tanong ni Josh kay Ken, tumingin si Ken sa kanya habang basa ang mga mata nito.

"Ikaw si Josh diba?" Tanong nito. Nanlaki ang mata ni Josh dahil doon, "...." Hindi makapagsalita si Josh at napayuko na lamang.

Ken held both of Josh's cheeks and brought them face to face.

"Tell me the truth, I won't be angry." Ken said with a smile, Josh bowed again and slowly nodded.

Natahimik si Ken, agad na tumingin si Josh dito, "Sorry kung nag sinungaling ako, pwede mo akong paru-" Hindi na natapos ni Josh ang sasabihin nya ng bigla nyang maramdaman ang labi sa kanyang labi.

Nagulat sya sa ginawa ni Ken, ngunit parang may nararamdaman syang pamilyar sa halik na 'to.

Malakas na naitulak ni Josh si Ken dahilan malayo ito sa kanya, "A-ano bang ginagawa mo?" Tanong ni Josh habang ang kanyang palad ay nasa kanyang labi.

"Fuck....Josh.." Naglakad palapit si Ken kay Josh at hiniga nito ang kanyang noo sa balikat ni Josh.

"Miho..."

Nanlaki ang mata ni Josh ng marinig ang munting salitang iyon, pumasok sa isip nya lahat ng nangyare noong nakaraang buhay nya. Lahat ng iyon ay kanya nang naalala.

Hindi mapigilan ni Josh ang maluha dahil doon, "Ken!" Agad na tumingin si Ken kay Josh, at nagulat ito ng makitang umiiyak ito.

"Josh?"

Nakatanggap si Ken ng mahinang suntok mula kay Josh, "Bwiset ka bakit ka sumama kay Ksenia. Tapos...ikaw pala ang lalaking lagi kong napapaginipan." Mahinang sabi nito at natawa kahit patuloy pa 'rin sa pag-agos ang kanyang mga luha.

"J-josh? Naalala mona?" Hindi makapaniwalang saad ni Ken.

Napaluhod si Ken habang hawak hawak ang dalawang kamay ni Josh, nagulat naman si Josh.

"Ken..?"

"Josh I'm sorry sa lahat ng nagawa ko, pinagsisihan ko talaga 'yon. I didn't think then that I shouldn't be with someone I don't love, I'm really sorry Josh, I hope you forgive me and give me a chance to make you feel that I love you so much." Lumuluha nitong sabi.

Pinantayan ni Josh si Ken at binigyan nya ito ng yakap, "Past is past Ken. Matagal na kitang napatawad at matagal 'rin kitang hinintay." Sabi ni Josh, niyakap ni Ken pabalik si Josh.

"Josh...please Josh...let's build a new life together." Napangiti si Josh at binigyan si Ken ng isang halik sa noo.

"Yes.." Ken touched both of Josh's cheeks and immediately gave him a kiss. They don't care if there are many people around them.

"I love you so much Josh.."

"I love you too.."



-End-

My Little BunnyWhere stories live. Discover now