Kahit sa elevator ay hiyang-hiya ako dahil sa ginawa ni Callum. He's a well-known business magnate, tapos sisigaw-sigaw lang siya ng gano'n sa labas ng building namin? Hindi man lang ba siya nahiya sa ginawa niya? Ako na lang ang nahiya para sa kaniya.
Pagkarating ko sa opisina ko ay trabaho agad ang inasikaso ko dahil marami akong deadline ngayong araw. Halos hindi na ako magkandaugaga sa ginagawa ko habang ina-assist ako ng sekretarya ko. Hindi na rin ako nakakain ng tanghalian dahil sa sobrang pagiging abala sa trabaho. Ni hindi na rin ako ginulo Sheina, siguro ay nakita niyang marami akong ginagawa ngayong araw, gano'n din naman siya.
"Is that really true?" Napabaling ako sa pintuan ng opisina ko nang marinig ang boses ni Dustin do'n.
Kumunot ang noo ko, "ang alin?" tanong ko sabay baling muli sa monitor ng computer ko.
"That Callum Villanueva is your husband?" he asked, curiosity is visible in his eyes as he look at me.
"Yes," walang pag-aalinlangang sagot ko.
"Why didn't you tell me?" puno ng pait at iritasyon ang boses niya at . . . sakit. "Kailan pa?"
"I'm sorry, Dustin. I know you're my best friend. Pero biglaan kasi ang nangyaring pagpapakasal naming dalawa—"
"I'm not just your best friend, Hailey!" Ngayon ay hindi na niya naiwasang magtaas ng boses. "I am also your fucking suitor!"
Sa gulat ko sa sinabi niya ay natigil ako sa ginagawa ko.
"Suitor?"
"Yes! Tang ina Alam mong matagal na akong may gusto sa 'yo, pero ano 'to?" Puno ng desperasyon at pagkadismaya ang boses niya.
Agad na nangilid ang luha sa aking mga mata. Nasasaktan para sa kaibigan ko. Alam niya naman na matagal ko na siyang kinompronta tungkol diyan at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil sa kaisipang p'wede ko pa naman daw siyang magustuhan. Dadating naman daw ang araw na mamahalin ko siya ng higit pa sa kaibigan. Pero hindi ko talaga kaya.
"I . . . I'm sorry, Dustin—" mabilis siyang lumabas ng opisina ko at padabog na isinara ang aking pinto.
Wala akong nagawa kung 'di ang ma-frustrate lalo sa opisina habang nagtatrabaho, or I rather say, pinipilit magtrabaho. Hindi makapag-focus sa ginagawa ko at iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Dustin. At ang nakita kong sakit at pagkadismaya sa mga mata niya kanina.
Ilang araw pa ang lumipas hanggang sa naging isang linggo na at naging maayos naman ang pagsasama naming dalawa ni Callum. Habang tumatagal ay mas lalo ko siyang nakikilala. At sa mga nagdaang mga araw ay hindi nawala sa isip ko ang gustong mangyari ni Daddy. Halos araw-araw niya akong tinatawagan sa mga nagdaang araw. Araw-araw niya akong pinaalalahanan tungkol sa dapat kong gawin kay Callum.
Hindi rin ako tumigil mag-research tungkol sa plano ko. Kahit anong gawin ko ay pare-pareho lang ang lumalabas sa mga nase-search ko. Gulong-gulo na ako sa gagawin ko pero nanatili akong nag-iisip kahit marami akong ginagawa dahil kinukulit na rin ako ni Daddy.
At sa isang linggong iyon ay hindi rin ako pinapansin ni Dustin. Nasasaktan na ako sa pag-iwas niyang ginagawa. Kapag naman pumupunta ako sa opisina niya ay sinasabi ng sekretarya niyang may kameeting sa loob. Alam kong masyadong makapal ang mukha ko para magpakita at makipag-usap sa kaniya nang kaswal pagkatapos ng nnagyari, pero hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman alam na sobra siyang masasaktan. Or am I just too naive for that? Too dumb and numb to not know his feelings towards me?
And it frustrates me every time I think about that. I blame myself for his coldness towards me.
"Wife, ang tagal mo naman diyan . . ." napatalon ako nang bahagya nang biglang katukin ni Callum ang pinto ng banyo.
BINABASA MO ANG
Romancing the Devil
Romance[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. For a woman who's desperate for attention and love of her parents, Hailey Avery de Guzman will do ever...