CHAPTER 22

3.3K 75 5
                                    

That evening we spend a night under the brightness of the moon that illuminated the whole garden. It feels so surreal. This is the first time I feel so lighted with a man who made me a woman, a wife, and who really am I.

Even after the heartache I felt from my parents, and sometimes with his words, I still feel so safe and comfortable in his arms.

Kinabukasan ay maganda ang naging gising ko. Sabay kaming umalis ng bahay ni Callum at hinatid niya ako sa company.

“Good morning, ma’am!” bati ni Christina sa akin nang makalabas ako ng elevator.

Ngumiti ako, “good morning, Chris.”

Pumasok ako sa loob ng opisina kasunod si Chris na agad nagpaalala ng mga dapat kong gawin ngayong araw. Naging abala ako sa mga ginagawa ko, maging sa mga meeting ko sa araw na ‘yon kaya nakalimutan kong kumain ng tanghalian. Kung hindi pa pinaalala sa akin ni Christina ang tungkol sa tanghalian ay hindi ko pa maalalang hindi pa ako kumakain.

“Ma’am, ala-una na po hindi ka pa kumakain.” ani Christina nang pumasok siya sa loob ng opisina ko at may dalang pagkain galing sa cafeteria.

I stopped doing my sketches, “pasensya na. Nawili akong mag-drawing since busy ako maghapon.”

Lumapit siya sa lamesa ko at inilapag ang pagkaing dala.

“Nangungulit na nga po si Sir Callum at sinasabing pakainin ko na ho kayo. Naku!” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Si Callum? Bakit? At anong nangungulit?” takang tanong ko sa kaniya.

Napakamot siya sa kaniyang batok, “e, kasi po hiningi niya number ko. Tapos . . . lagi ka po niyang chine-check through texting me. At kaka-text lang po niya na pakainin na po kita ng lunch mo, baka magalit pa 'to sa akin kasi ala-una na po hindi ka pa kumakain." Napasimangot siya habang tinitingnan ang dalang pagkain na nakalapag na sa lamesa ko.

Huminga ako nang malalim bago tumayo at pumunta roon. Callum really always have so much surprises.

“Pakisabi sa kaniya na kumakain na ako,” sambit ko sabay irap.

“Bakit po kaya hindi ikaw ang magsabi sa kaniya?” ani Chris kaya napatingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Alanganin siyang napangiti sa akin. “Sabi ko nga po, ako na ang magte-text sa kaniya.” Mabilis siyang umiling at kinuha ang cellphone niya. “Bon appetite!” aniya bago lumabas ng opisina ko.

Inirapan ko siya bago nag simula sa pagkain. Kailangan ko rin namang kumain kaya hindi ko na rin tinanggihan itong pagkain. At habang kumakain ay tumunog ang aking cellphone. Agad akong kinabahan na baka si Daddy ang tumatawag. Kinuha ko ‘yon mula sa aking lamesa at tiningnan ang caller.

Callum Calling . . .

Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib nang makita ang pangalan ng asawa ko. Dahil kung si Daddy ang tumatawag, baka matinding kaba pa ang nararamdaman ko ngayon.

Tumikhim ako bago sinagot ang tawag.

“Hello,” I greet as I make my voice strong and not nervous as hell.

“Hello, wife. Have you eaten already?” Napanguso ako sa lambot at rahan ng boses niya.

“I am eating now,” saad ko habang umuupo pabalik sa upuan.

“At this hour?” he paused a bit. “It’s already one in the afternoon, Avery.” I can hear his anger at the other line.

I sighed, “sorry, naging abala ako sa mga ginagawa ko kaya medyo nalimutan ko na ang kumain sa tamang oras.”

“Still, it’s not right to not eat on time.”

Umirap ako, “I know. Nakalimutan nga, ‘di ba?”

Romancing the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon