I looked up at the ceiling while thinking about the design my client wants. Nasa study table ako rito sa kuwarto at nakasandal ang ulo sa backrest ng swivel chair habang nag-iisip. The client wants more contemporary theme but with some mixed of modern. It’s possible but hard. Kaya naman nahihirapan akong mag-isip ng p’wedeng ilagay ngayon doon. Nasa akin na rin ang kopya ng blueprint ng buong mansyon nila at hinayaan na nila ako sa dapat gawin.
It’s still new and still under construction kaya naman may panahon pa ako para gawan pa ng paraan ang mga interiors na ilalagay sa mansyon.
“You’re still not sleeping yet?” Napapitlag ako nang marinig ko ang baritonong boses na ‘yon kaya napatingin ako sa pinanggalingan no’n.
There, I saw Callum standing in the doorway while looking at me.
“Uh . . . May ginagawa pa kasi ako.” Tumango siya bago naglakad patungo sa walk in closet. Pagkalabas niya ay may dala na siyang tuwalya na nakasabit sa kaniyang balikat at ang damit na suot kanina ay wala na ngayon. Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil kahit pagtingin man lang sa kaniyang katawan ay nakakapaso na.
“I’ll just take a bath,” imporma niya.
“Ah! Sige lang. T-Tapos na ako maligo.” Kahit hindi naman na niya tinanong kung naligo ako o hindi.
Oh gosh, Hailey! Ano bang ginagawa mo?
After a minute or so of just staring blankly at my sketchpad, I shook my head and sighed heavily before going back to what I am doing. Hindi ko nagugustuhan ang tinatakbo ng isip at puso ko sa tuwing nakikita ko si Callum. I should render myself— my heart. But I know where it’s heading now . . . I’m going to fall . . . fast and hard.
Nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto ng banyo ay mabilis akong umayos ng upo at nagpatuloy sa ginagawa. My mind is now in haywire as I continue what I’m doing in my sketchpad.
Napanguso ako nang mapadaan siya sa gilid ko at maamoy ko ang aftershave at ang panlalaking sabon na gamit niya. Pinigilan ko ang sarili h’wag amuyin ang kaniyang bango. Huminga ako nang malalim lalo na nang mapansin kong umupo pa siya sa sofa habang hawak ang cellphone niya.
Kahit malaki ang kuwarto ay parang ang liit no’n kapag nasa iisang kuwarto kaming dalawa. Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya para sa isang tawag.
“Hello, Thea.” I had the urge to look at him but I stopped myself.
Who’s Thea?
Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko bago nagpatuloy sa ginagawa kahit na nawawala na ako sa focus.
“Yeah, send me the details. Don’t just let anyone have an appointment with me without my consent.” his voice seems so authoritative as he speak. “Don’t let that fucktard have an appointment with me baka masapak ko lang ‘yan.”
Hindi ko alam kung sino ang kausap niya pero base sa pakikipag-usap niya, siguro ay sekretarya niya ang nasa kabilang linya.
“Let him wait, he’s not that important.” I heard him sigh that’s why I look at him.
I saw him pinching the bridge of his nose while looking at his phone now. Pinatay na niya ang tawag at ngayon ay may tinitingnan na lang sa cellphone. Nang mapaangat ang tingin niya sa akin ay mabilis akong nag-iwas ng tingin at binalik ang atensyon sa ginagawa.
Isang oras pa siyang nagbabad sa cellphone at sa laptop na nasa harapan niya habang ako ay malapit na ring matapos sa ginagawa ko.
Nag-inat ako at tiningnan ang ginagawa nang mapagtantong nakatapos na rin ako sa wakas. Pinagmasdan ko pa ‘yon nang ilang sandali bago itinabi ang sketchpad at ibinalik sa lagayan ang mga lapis na ginamit ko saka ako tumayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/303369724-288-k137714.jpg)
BINABASA MO ANG
Romancing the Devil
Romance[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. For a woman who's desperate for attention and love of her parents, Hailey Avery de Guzman will do ever...