CHAPTER 30

5.7K 109 11
                                        

“She’s dead, Hailey. N-Nabaril daw siya.”

Nanlumo ako at hindi agad nakasagot sa sinabi niya. Nawalan ako ng lakas ng loob upang magsalita. Kasabay ng paghugot ko ng malalim na hininga ay siyang pagbagsak ng luha ko.

“Everything is a mess right now, Hailey. T-The company’s now . . . u-under Callum’s name. Hindi ko alam kung paano nangyari. Dad said he tricked him. S-Si Daddy . . . si Daddy ang pumatay sa parents ni Callum.”

Napahagulgol ako nang marinig ‘yon. Hindi ko matanggap lalo pa sa huling salitang binigkas ni Ate Kiana sa akin.

“H-Hindi . . .” I whispered. Pilit kong itinatanggi ang mga nalaman. Pilit kong isinasantabi na ito ang pakay ni Callum ngayon.

“Zild and I found out that . . . he supposed to marry me because I am the real daughter. Or even the first daughter. Pero akala niya ikaw ang totoong anak. Nakausap ko si Justin, s-sabi niya, dapat ako ang pakakasalan ni Callum kaya nagulat siya na ikaw ang nakita niya. He’s really here for revenge, Hailey.” Humagulgol siya habang ang mga boses ay nanghihina, hindi na rin kinakaya ang lahat. “Hailey, I’m sorry. Y-You don’t deserve to be betrayed like this. You don’t deserve t-to be used . . . by my parents nor Callum.” she sobbed, so do I.

I am crying but I feel like an air. Hindi ko alam kung nasasaktan ako dahil sa panggagamit ni Callum at Daddy sa akin o dahil . . . sa katotohanang ang taong inidolo ko at sinunod ko buong buhay ko ay . . . pumatay ng inosenteng tao dahil sa pansariling kagustuhan lamang. I can’t blame Callum if he wants to avenge his parents death, but he don’t need to use me — to make me a fool who did nothing but to love and treasure him. If he wants revenge, then revenge, no need to use innocent person . . . like me. I don’t know a thing about the past yet I am the one whose suffering and hurting. Damn it. If I had known.

“A-Ate . . . I – I want to leave this h-house. I can’t be here anymore.” humikbi ako habang patuloy ang pagtulo ng aking mga luha, walang patid.

“H-Huh? T-Teka, susunduin ka namin. Pack your things now. Susunduin ka namin ni Zild sa lalong madaling panahon.”

Pinatay ko na ang tawag bago tumayo at kinuha ang dalawang malaking maleta ko mula sa closet. At kahit hindi na maayos ay inilagay ko lahat ng gamit ko sa loob ng maleta. Patuloy sa pagbuhos ang luha ko habang pinagsisiksikan ang mga damit doon. Hindi na ako halos makahinga nang maayos pero hindi ko na inintindi ‘yon, ang gusto ko lang ay ang makaalis na rito.

Biglang tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag. Nang sulyapan ko ‘yon ay nakita kong si Callum ang tumatawag. Mabilis ko ‘yong kinansela at nagpatuloy sa pagliligpit ng gamit.

“W-Why do you need to hurt me like this, Callum? L-Lahat . . . lahat ng mga sinabi at ginawa mo . . . puro kasinungalingan. Nakakagago ka.” bulong ko habang patuloy sa pagtangis.

Sunod-sunod na tawag ang ginawa niya na hindi ko na pinansin hanggang sa matapos ang pag-aayos ko. Isinara ko ‘yon bago tumayo at hinatak ‘yon palabas ng kuwarto.

Napasinghap ang isang kasambahay na nakakita sa akin sa pasilyo habang nanlalaki ang mga mata niya. Hindi ko na siya pinansin at bumaba na kahit nahihirapan ako.

Saka lang rumehistro sa aking isipan ang pagbubuntis ko ngayon. Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa samu’t saring iniisip at emosyong nararamdaman.

“Baby . . .” tumulo ang panibagong luha sa aking mga mata.

“Hailey! Saan ka pupunta at . . . bakit dala mo ang mga maleta mo? Nag-away ba kayo ni Callum? Ano’ng nangyayari?!” si Nanay Juliet sa naghihisteryang boses.

Napakagat labi ako at hindi makatingin sa kaniya.

Handa na akong sumagot nang bumukas ang malaking pinto ng mansyon. Kasabay ng pagpasok ng mukhang galit at nag-aalalang si Callum. Bumaba ang tingin niya sa aking mga maleta. His jaw clenched in an angry way but I did not flinch.

Romancing the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon