Umuwi ako at naghapunan kasama si Dustin habang iniisip lahat ng mga sinabi ni Callum sa akin kanina. Hindi mawala sa isip ko ang bawat salita niya. Parang umukilkil na ‘yon sa aking utak at hindi ko na makalimutan.
Napapansin na ni Dustin ang pagkakatulala ko pero hindi siya nagsasalita at inaabala ang sarili sa pag-asikaso sa anak ko.
“Baby, it’s already late. You should sleep now,” sambit ko nang mapansing 8:30 na at gising pa si Hestia. Nawiwiling makipaglaro kay Dustin.
“Latel, Mommy.” Napanguso ako sa sagot niya.
“No later, go upstairs and sleep now. It’s already late.” I said in a warning tone.
Mabilis siyang tumayo dahil sa narinig.
“Goodnight, Dada!” paalam niya kat Dustin at hinalikan pa ito sa pisngi bago lumapit sa akin at hinalikan din ako sa pisngi. “Goodnight, Mommy!”
Pinagmasdan ko siyang umakyat sa hagdan kasama ang kaniyang Yaya Nica. Napabuntong hininga ako at bumaling kay Dustin na nakatitig sa akin, tila inaarok ang isipan ko.
“Kanina ka pa tulala, is it because of Callum? What did he do after I left?” he asked, concern and worried is lingering his voice.
Umiling ako, “wala naman. We just talk and all that. Medyo . . . nagkasigawan lang.”
“He’s jealous of me,” he said matter of fact.
“Yeah, and . . . afraid.” Nagkibit balikat ako.
“A man like him is fearless, yet . . .” he trailed off meaningfully.
Umiling ako sa kaniya, ayaw nang dagdagan ang iniisip.
Natapos doon ang usapan namin dahil may tumawag sa kaniya. It is . . . a girl named Leira. Well, I saw the caller’s name that’s why.
Pagkatapos ko siyang maihatid hanggang sa kaniyang sasakyan ay bumalik na ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kuwarto at binuksan na naman ang article na nabasa ko kanina.
“He’s jealous yet he’s dating someone right now? What a clown, Callum.” bulong ko habang binabasa ang article na ‘yon. “Xyrene, huh.”
Pansin ko lang na mahilig siya sa model. He’s always linked to a model. Faith is also a model. And this woman is also a model. Who’s next, then?
“The playboy in him never dies, huh? Tirador ng model.” Napairap ako sa naiisip.
I sighed heavily and cancel the article again. I shouldn’t think of him. I shouldn’t be affected if he’s dating someone now. I should be happy. Because finally, he’ll stop bugging me. Finally, I can move on. Finally . . .
But something in my heart is aching. Na parang ang sakit isipin na . . . magseseryoso siya sa iba.
We shared memories full of lies. Kaya ang sakit isipin na ganito ang mangyayari. Na sasaya siya, habang ako ay nagiging miserable ang buhay.
But I know my life isn’t fully miserable at all. Because I have my daughter. I have friends and family with me. Hindi man kompleto, alam kong nandiyan sila para sa akin. I should be contented.
Madaling araw na akong nakatulog nang gabibg ‘yon sa kakaisip tungkol sa mga ginagawa at sinasabi ni Callum sa akin. Kaya naman kinabukasan ay para akong lantang gulay nang kumain ako ng almusal kasama ang anak ko. She’s full of energy again, unlike me looking so worn out, ang aga-aga pa pero mukhang kakatapos ko lang sa trabaho sa hitsura ko.
“Bye-bye, Mommy! I love you!” my daughter shout as I walk towards my car.
“Bye! I love you! Behave, okay?”
![](https://img.wattpad.com/cover/303369724-288-k137714.jpg)
BINABASA MO ANG
Romancing the Devil
Romantik[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. For a woman who's desperate for attention and love of her parents, Hailey Avery de Guzman will do ever...