Habang ginagamot ko ang sugat niya sa kamay ay wala siyang ginawa kung ‘di ang tumahimik at pagmasdan akong ginagamot siya. Na para bang kapag hindi niya ako pinanood sa ginagawa ko sa kaniya ay ma-mimiss niya ang bagay na ‘yon. Na para bang pahahalagahan niya ang araw na ginamot ko siya. Napairap ako ng palihim habang nilalagyan ng gauze ang kaniyang kanang kamay na may malalaking sugat. Ang kabila ay hindi ko na nilagyan dahil okay naman na raw ‘yon.
Pinakatitigan ko ang sugat niya at kumunot ang noo. Nag-angat ulit ako ng tingin sa kaniya at nagtanong.
“Where did you really get this?” I asked again seriously. “And don’t you ever lie, Callum.” I added, warning him.
He sighed heavily, “I’m sorry. Something came up earlier. May nakita lang akong hino-hold up na mag-ina malapit kung saan tumigil ang sasakyan ko. I was at first hesitant to help but you and Hestia’s faces popped up in my mind. Naisip kong, paano kung kayo ang nasa gano’ng kalagayan? Should I just look at you being harassed by someone? Should I just watch? Of course not. I won’t just watch. So I helped the mother and the kid. The boy was as age as our daughter and he’s frightened. That’s when I knew the bad guy has a knife with him. Imagine, it’s broad daylight, and someone’s doing stupid thing to others.”
I look at him with softness. Bawat sinasabi niya ay medyo nag-aalangan pa siyang bigkasin, na para bang ayaw niya talagang sabihin sa akin ang mga nangyari kanina.
“Pagkatapos kong lumapit naalarma ‘yong hold-upper, kaya muntikan na niya akong saksakin kung hindi ko lang naisangga ang kamay ko. Kaya ako nasugatan. Matindi ang kapit niya sa kutsilyo kaya naman kahit anong galing ko sa self defense and whatnots, I can’t just get the knife easily from him. Nakuha ko lang ‘yon nang pakiramdam ko ay napapagod na siya at mas lalong natatakot. That was when someone helped me with that guy. They called the cops but I was already so eager to go to our daughter. Kaya naman kahit gusto nilang gamutin ang sugat ko, nawalan na ako ng pakialam. Hindi naman malalim kaya kinaya pa ng pagpunas ng handkerchief.” He even chuckle at the last sentence. I glared at him that made him shut up.
“Hindi nakakatuwa, Callum! Paano kung hindi lang ang kamay mo ang nasugatan?! Huh! Paano kung hindi mo naiwasan ‘yong saksak niya sa ‘yo?!” hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil hindi ko man aminin nang diretso, nag-alala ako lalo sa nalaman ko.
I saw a ghost of a smile but he tried to hide it by making his face serious.
“I’m fine, it’s already done. And . . . don’t worry, I will not make you worry again. It’s just that someone needs help,” I look deep into his eyes.
Hindi ko pa rin maiwasan ang pag-aalala. Habang nagkukwento siya ay sobra-sobra ang tahip ng puso ko. Habang siya ay parang proud pang nagkukwento sa akin. I understand that he’s proud that he helped someone, but still! It’s dangerous! Paano nga kung hindi talaga siya nakailag sa saksak noong hold-upper? Paano nga kung malala ‘yong hiwa sa kamay niya?!
“Hey, don’t worry, okay?”
Sinamaan ko siya ng tingin, “paano kung nakita ‘yan ni Hestia! Iiyak ‘yon dahil sa pag-aalala! Hindi ka nag-iisip, Callum!” Hinampas ko ang braso niya sa pagkakainis. I just said that to coverup myself, because I was the one who got worried.
Hinatak niya ako palapit sa kaniya at niyakap nang mahigpit. Nanlaki ang mga mata ko at dahil sa pagkakagulat ay hindi ko na nagawang magpumiglas sa yakap niya. Huminga ako nang malalim habang niyayakap niya at wala na akong ibang ginawa kung ‘di ang damahin ang init ng yakap niya sa akin.
“I’m sorry,” he said in a soothing voice. He caressed my back as he kiss my hair softly.
Natauhan lang ako sa pagiging malambot pagdating kay Callum nang may kumatok sa pinto. Mabilis akong umalis sa pagkakayakap ni Callum. Naabutan ko pa ang malambot niyang ekspresyon habang nakatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
Romancing the Devil
Romance[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. For a woman who's desperate for attention and love of her parents, Hailey Avery de Guzman will do ever...