CHAPTER 32

3.6K 85 8
                                    

“Hestia Clariz!” sigaw ko sa anak kong panay ang takbo sa loob ng airport.

Sobrang ligalig niya at hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng enerhiya. Nakakapagod siyang alagaan sa araw-araw, pero ayaw ko siyang sukuan dahil anak ko siya. Wala namang ibang magtiyatiyaga riyan kung ‘di ako na nanay niya.

“Mommy! Mommy!” she chanted as she run towards my direction.

Nang tumigil siya sa harap ko ay pinagpapawisan na siya. Agad kong kinuha ang bimpo sa kaniyang bag at ipinunas iyon sa kaniyang mukha, leeg, at noo. Kakatakbo niya sa malawak na espasyo ng airport ay pinagpawisan din sa pagod.

“I saw people, Mommy. Cutie unifolm.” It sucks hearing her saying a word with “R” in it. Utal siya sa letrang ‘yan kaya minsan ay tinatawanan ko siya sa salita niya.

She really is growing now. Parang kailan lang ay sa tiyan ko pa lang siya kinakausap at hinahaplos, ngayon ay ito na siya. Sobrang kulit at sobrang bibo. She’s now three years old and I can’t help but look at her adorable face and expression in awe. Kahit may pagkamaldita ay napagsasabihan ko naman. She’s a fast learner. At the age of seven months she’s uttering inaudible words, and her first words is . . . “Papa”, it made me jealous because I was the one with her yet she utter her father. And thankfully . . . she’s still not asking for her father. Siguro ay kapag may nakita na siyang buo ang pamilya — sa eskwelahan. At dahil hindi pa siya nag-aaral ay susulutin ko muna na hindi siya nagtatanong.

But there are times that I can see longing in her eyes. Every time she looks at me with unsaid questions in her eyes, it breaks my heart. Siguro ay hindi niya pa kayang banggitin sa akin, but I know sooner or later she will ask me about it. And I don’t know how to answer her questions right.

“I want to be like them, Mommy. So pletty!” she giggled in enthusiasm.

I pat her head, “soon, baby. You can be whatever you want to be. As long as you’re happy with it, I will support you.”

Sa ‘yo ko ibubuhos lahat ng atensyon na hindi ko nakamit noon. Lahat ng suporta at pagmamahal na kailanman ay hindi ko naramdaman sa mga taong pinahalagahan at minahal ko.

“What awe they, Mommy?” She look back to see the flight attendants getting ready.

I heave a small sigh, “they are a flight attendants, baby. They will assist us inside the airplane. So better behave, okay? Don’t tire them with your nonsense questions.”

Mahilig kasi siyang magtanong ng paulit-ulit sa mga nakakasalamuha niya at kailangan talagang pagsabihan.

This is her first time riding an airplane, kaya medyo kinakabahan ako at baka mag-panic siya sa loob ng eroplano. She’s giggling the whole time. Nakahanap pa ng batang lalaking kalaro na hindi ko alam saan niya nahanap. She’s friendly and jolly, kaya hindi na bago sa kaniya ang makahanap ng kalaro sa isang iglap lang. That’s what toddlers do, anyways.

Habang naghihintay sa flight ay naisip ko lahat ng nangyari sa nagdaang taon. Sobrang hirap dahil sa loob ng dalawang taong pabalik-balik ni Lola sa kaniyang dialysis, her body gave up. She had a word to me weeks before she died, at nasabi pa niyang naiproseso na niya ang lahat. I was back to my real family name — Hailey Avery Clavacio Reifenstuel. And since . . . Callum and I were not really got married, my name stayed the same.

Lola gave everything to me. Ipinangalan niya lahat ng ari-arian niya sa akin at kay Hestia. Gano’n din ang mga kompanya at iba pang negosyo niya na hindi ko alam kung paano ko patatakbuhin. Thankfully Ate Kiana was there to help me. May ibang negosyong siya ang nagpapatakbo bilang isang General Manager.

Nagpalipat-lipat din kami ng bansa noon dahil nalalaman ni Lola na hinahanap ako ni Callum. Nang masigurado ni Lola na hindi na kami matutunton ni Callum dahil sa mga proteksyong meron siya ay saka lang ako napanatag. But because of what happened: the stress and all that, Lola’s health became worst. Pero hindi ko siya pinabayaan. Even in a short period of time that we’ve been together, I became dependent to her. Na para bang ayaw kong iwan niya ako. Because she showered me all the love, care, and appreciation I always looking for. She gave those. Na hindi ko naranasan sa kahit sino noon, bukod kay Ate Kiana. Hindi ko na rin naman matandaan kung ano ang nagawang pagmamahal at pag-aalaga sa akin ng mga totoo kong magulang dahil bata pa ako noon. How I wish I could turn back the time so I can feel their warmth, love, and care towards me and treasure it until I die.

Romancing the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon