CHAPTER 20

5.7K 92 1
                                        

Kinabukasan ay hindi ako pumasok upang ipag-impake siya ng mga damit niya kahut na ayaw niya akong pakilusin ay wala na rin siyang nagawa.

“Baby, it’s just three days, you’re packing too much clothes.” Pigil niya sa akin nang makitang marami akong inilalagay ss kaniyang maleta.

“Kailangan mo nito para kapag napawisan ka, magbihis ka. Kapag kailangan mong makipag-meet sa mga kliyente mo ro’n. O kaya kapag nasa hotel ka lang o matutulog. So I should pack enough clothes for you. Kahit pa tatlong araw ka lang do’n.”

Para akong nanay niya na nag-iimpake ng anak niyang sasali sa camping ng boyscout. I even packed six different suits for him! Ang mga sapatos ay nakalagay na rin sa isang lalagyan, tatlo lang ang naroon at tsinelas na kailangan niya panigurado.

“I really want you to be with me there,” aniya na ikinatigil ko.

Tiningnan ko siya at kinunutan ng noo.

“I’m sorry, I still have works here. At saka, hindi naman bakasyon ang pinunta mo ro’n. You will work there so I understand. I really am sorry for . . . refusing and choosing my work over this.” I smiled at him before standing and walk towards him.

He stared at me as I stop in front of him, smiling.

“Just behave there, okay? Don’t flirt to anyone there. Kapag nalaman kong may babae ka ro’n . . . wala kang uuwian dito.” pagbabanta ko kahit na mukha namang walang saysay ’yon. He doesn’t even know my feelings towards him.

Siguro ay iniisip niya lang na kaya ko ito ginagawa ay dahil asawa niya ako. No feelings involve. But it was just his perspective, not mine. So I woukd understand. Kahit na lahat ng sinasabi ko ay may laman at totoo. This is not just because my father asked me to lure him and make him fall in love with me. This is what I want.

He sighed, “hindi na lang ako aalis.” Kumunot ang noo ko.

“Bakit naman?”

Nagkibit balikat siya, “baka may lumapit lang sa akin na babae ro’n, isipin mo nang nambababae ako.”

Umiling ako sa sinabi niya.

“Hindi naman ako gano’n kababaw. Iba ang lumapit at nakipag-usap lang, iba ‘yong naglalandian. I know the difference, Callum. So don’t make me a fool.”

Napanguso siya sa sinabi ko bago inisang hakbang ang pagitan namin at niyakap ako, naglalambing.

“Gusto kong may uwian ako kaya hindi ko gagawin ‘yon.”

Natawa na lang ako sa kaniya. Nagtagal kami sa gano’ng posisyong ng ilang minuto bago kami nakarinig ng katok sa pinto ng kuwarto.

“Sir, nandito po ang kaibigan niyo. Nasa baba ho.” anang kasambahay mula sa labas.

“Okay, I’ll go downstairs.” sagot naman ni Callum pero hindi pa rin kumakalas sa pagkakayakap sa akin.

“Sige na, harapin mo na ang kaibigan mo. Tatapusin ko lang ‘to bago ako bumaba.” tinapik ko ang balikat niya kaya naman huminga siya nang malalim bago ako pakawalan. Nginitian ko siya at iminuwestra na ang pintuan sa kaniya.

Wala na siyang nagawa kung ‘di ang lumabas ng kuwarto at harapin ang kaibigan niya sa baba.

I don’t know if it is now the beginning of this relationship with him but I am hoping. I want to live with him in the same roof like this: him being clingy, sweet, and gentle towards me, and also caring. Nasasanay na siguro ako sa halos dalawang buwan naming pagsasama na puro ganito lang ang pinapakita niya sa akin.

I saw his other side but I know he’s still hiding something. And I want to show it freely. ‘Yong hindi pinipilit. Gusto kong magkusa siyang ipakita sa akin ‘yon dahil alam ko sa sarili ko na tatanggapin ko siya kahit sino pa siya.

Romancing the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon