CHAPTER 45

3.1K 56 5
                                    

Umalis din naman agad si Callum. Ako naman ay nag-focus na lang din sa trabaho kahit pa nga okupado ni Callum ang isipan ko. Hindi ako makapag-focus, sa totoo lang.

Tumunog ang cellphone ko para sa isang mensahe. Napahinga ako ng malalim at tiningnan ‘yon. Then I saw Callum’s name on the screen. I read his message.

From: Callum
I’m going to have my things delivered in your mansion.

Hindi pa ako nakakapagtipa ng sagot ay may text ulit siya.

From: Callum
Susunduin kita 30 minutes before 6pm.

Napairap ako. Wala naman akong choice kung ‘di ang magpasundo talaga sa kaniya. Hindi na lang din ako nag-reply at pinilit na mag-focus sa ginagawa. Though I can’t help but think about him living with us . . . in one roof. I don’t know what to do now because I am freaking preoccupied! By Callum!

Kaya ang ending, hindi ko natapos lahat ng pipirmahan at dapat basahin na proposals. Natutunganga ako at hindi alam kung magpapatuloy pa ba o hindi na.

Bumuntong-hininga ako at sumuko na. Napatingin ako sa relo at nakitang 5:20pm na. Maya-maya lang ay nariyan na siya.

Why am I fucking excited at the thought of him fetching me here?! I’m doomed!

Sa nalalabing oras ay nag-retouch na lang ako para sa pag-uwi. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang mag-make up?! I usually don’t do retouching before going home. Ugh!

And true to his words, he came in my office 30 minutes before 6pm. He’s already just in his white longsleeve folded until his elbow. He looks still dashingly handsome just wearing that. I was gawking at his body when he stopped in front of me. I arched a brow and pretend I wasn’t gawking too much at his body.

“You done?” he asked.

Tumango ako at tumayo. Kinuha ko ang bag ko at naglakad na palapit sa pintuan. Then he put his hand on my waist. I shivered. Pero hindi ko ipinahalata sa kaniya ‘yon at nagkunwaring normal lang ‘yon kahit na hindi pa rin naman talaga ako sanay sa ganito niya.

Habang nasa elevator ay napatingin siya sa akin. Ako naman ay hindi makatingin sa kaniya dahil naaalala kong . . . kami na nga pala. And this is for real!

“Sa bahay na ba tayo kakain o gusto mong sa restaurant na lang?”

Wow. Kung makapagsalita siya ng “bahay” akala mo normal lang sa kaniya ‘yon at sanay siyang sabihin ‘yon sa harap ko.

“Maaga pa naman. Sa bahay na lang,” sagot ko at bahagya siyang binalingan. “Wala ring kasabay kumain si Hestia.”

Kita ko kung paano namungay ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin nang matiim. I immediately tore my eyes off him. Hindi ko talaga matagalan ang mga titig niya.

Hanggang sa makarating kami sa basement ay tahimik ako. My heart is beating so fast that I feel like I ran in a marathon. I hate how my heart reacts every time he’s around. Kahit noon pa, ganito na talaga ang epekto niya sa akin. Wala pa ring nagbago.

“What time are we going tomorrow?” he asked after the silence I am giving.

Napalingon ako sa kaniya. Hindi na natuloy sa pagtatangkang buksan ang pinto ng sasakyan niya.

“Tomorrow?” I asked, confused.

Kumunot ang noo niya, “the amusement park.”

Then I realized, yeah we have that plan for tomorrow. I forgot.

“I’m sorry, I forgot.” It’s because of you, dimwit.

And I didn’t know that it‘s already Saturday tomorrow! Parang kahapon lang kami nagplank tungkol do’n.

Romancing the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon