CHAPTER 29

5.3K 87 12
                                        

Our relationship goes on. Kahit pa medyo alanganin ang lahat ay hindi ako nagpatinag. Lalo pa nang sinasabihan na ako ni Ate Kian na maging alerto at mag-ingat.

“I’m just warning you, Hailey. Hindi ito ang oras o panahon para magpakampante. Hangga’t hindi tayo nakakasiguro na wala ngang masamang balak si Callum, we should be cautious. Lalo na ikaw. Dahil ikaw ang kasama niya palagi, ikaw ang pinakasalan, at ikaw ang nahuhulog sa kaniya nang malala. Kaya mag-iingat ka. Okay?” sambit niya habang nasa opisina ko. “I am also investigating on my own. Lalo pa at medyo balisa sina Mommy at Daddy sa kung saan. Hindi ko alam dahil sa tuwing nagtatanong ako sa kanila, sinasabi nila na ayos lang ang lahat at na h’wag na akong mag-alala. I’m just thinking that there’s something wrong.” Napasapo siya sa noo niya at napailing na parang hindi na rin alam ang gagawin.

“What’s the state of our company, Ate?” I asked slowly.

“It also slowly rising because of Callum’s name in it. As a . . . finally a half owner and stockholder of our companies.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Half owner? Ngayon ko lang . . . nalaman ‘yan.”

“Dad didn’t inform you? And Callum? Walang sinabi?” Umiling lamang ako bilang sagot. “Ang hindi ko lang makuha ay bakit . . . namomroblema sina Mommy at Daddy sa company.”

“Aren’t you the one handling our company?” tanong ko sa naguguluhang tono.

“Hindi na, Hailey.” she smiled sadly.

“Anong hindi na?”

She sighed heavily. “A month ago, I . . . stepped down as a CEO. Dad agreed. He . . . found out about me and Zild.” Kita ko ang lungkot at disappointment sa kaniyang mga mata.

Bigla akong nahabag sa nakita. Hindi ko alam pero may gumuho sa dibdib ko nang mapagtantong . . . malungkot si Ate dahil hindi gusto nina Mommy at Daddy si Kuya Zild para sa kaniya. That they’re also aiming for someone who’s worthy of her. But I know Kuya Zild a worthy man. He’s a good man. Kaya hindi ko alam kung bakit ayaw nina Mommy at Daddy kay Kuya Zild.

“I’m sorry to hear that, Ate.” Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. “P-Pinaghihiwalay ba kayo?”

“Oo, pero hindi ako pumayag. Hindi ko iiwan ang taong mahal ko para lang sa kagustuhan nila, Hailey. Tama nang nasasaktan ako sa mga ginagawa nila sa ‘yo . . . Hindi na ako makakapayag na pati ako ay hawakan nila sa leeg.”

Napayuko ako.

“They promised me . . .” I said slowly. “Noong gabing idineklara nila na ikakasal kami ni Callum.” Mataman niya akong tinitigan, hinihintay ang sasabihin ko. “They promised me that they will let you choose your own path if I agree to marry Callum. They said they will not force you to marry someone else. That’s why I agreed. For your freedom. Ayaw kong . . . magaya ka sa akin na ipinilit na ipakasal. Though I love Callum, I still don’t like the force marriage between us. At iyon ang ayaw kong magaya sa ‘yo, Ate. Tapos ngayon . . . ito pala ang gagawin nila? Hindi sila tutupad sa pangako nila.”

Tumulo ang luha ko na agad pinunasan ni Ate Kiana.

“I’m sorry. Hindi dapat nangyayari sa ‘yo ‘to. We’re not even biologically sisters, but . . . you chose to sacrifice for my freedom. You should be living without any worries, Hailey.” umiling ako sa sinabi niya.

“K-Kung hindi ako kinupkop nina Mommy at Daddy, saan ako pupulutin, Ate? H-Hindi ko naman gano’n kakilala ang mga kamag-anak ko kay Mama. S-Si Mommy lang ang alam kong pinagkakatiwalaan ni Papa dahil kapatid niya si Mommy. I should . . . trust what father’s decision, right? Before he finally died, he trust me to your parents.” Paliwanag ko habang may malungkot na mga mata.

Romancing the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon