CHAPTER 37

3.9K 111 10
                                    

“W-What?! Ano’ng ginagawa mo rito? Saka . . . bakit ka pumupunta rito ng walang permiso o pasabi man lang!” sambit ko sa hindi mapakaling boses. Nakatingin ako sa pinto ng playroom, iniisip na biglang lalabas si Hestia roon.

“Should I ask permission first? I was fucking worried why you didn’t go to your office now. At saka, bakit kailangan ng permiso? Are you hiding something?” Tila nagdududa ang tono niya.

Napasapo ako sa noo ko.

“Mommy?” Napatalon ako sa gulat at agad na pinatay ang tawag ni Callum.

Shit! Please, not right now!

Gusto kong maiyak habang pinagpapawisan at kinakabahang bumabaling sa anak kong kalalabas lang ng kuwartong ‘yon.

“B-Baby, why — uh why are you here? I said just play inside, right?” kinakabahang sambit ko at marahan siyang nilapitan.

She’s looking intently at me. Like how her father look at me every time there’s something unusual to me.

“I’m wollied,” marahan niyang sabi.

Lumuhod ako para maglebel ang aking paningin. I look at her eyes, hiding everything in my eyes, I smiled and bit my lower lip.

“I’m okay . . .” marahan kong sagot sa kaniya. “I’m going outside for a little. You stay inside your playroom and behave while playing okay? I’ll just . . . meet a colleague outside our house. We’ll just talk for a while, okay?”

Marahan siyang tumango. Tumayo ako at pinapasok na sila sa loob ng kuwarto. Huminga ako ng malalim bago naglakad sa hallway. Lumabas ako ng mansyon at kahit medyo malayo ay nilakad ko papunta sa gate. And there, I saw Callum outside the gate, standing and looking everywhere while waiting for me. Mabuti na lang din at hindi siya nagpulit na pumasok sa loob, kung hindi, baka nahimatay na ako at hindi alam ang gagawing paliwanag sa mag-ama.

“Callum,” napatingin siya nang tawagin ko.

“Hey,” he smiled a little and look inside.

“Bakit ka nandito?” mataray kong tanong, hindi pinapahalatang kinakabahan ako ngayon.

“I told you, I was worried because you didn’t go to work.”

Naging mailap ang mga mata ko, hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya lalo pa nang tumingin ulit siya sa loob. Naghanap ako ng p’wedeng dahilan ko.

“N-Nagkaroon kasi ako,” kumunot ang noo niya, hindi naiintindihan ang ibig kong sabihin.

“What?” he confusedly asked.

“I’m having a menstruation right now, Callum. Masakit ang puson ko kanina kaya um-absent ako. I don’t have important meeting today, though.” dahilan ko para tumigil na siya kakatanong. Though kakatapos ko lang sa period ko.

“Masakit pa rin ba hanggang ngayon?” tanong niya habang nakatingin sa aking tiyan.

Napahawak ako roon. “O-Oo, I mean, hindi na gaano kaya okay na ako. Magpapahinga na lang ako maghapon. Makakapasok naman ako bukas.”

His eyes narrowed at me, weighing my expression.

“I have something to tell you that’s also why I went here.” Napataas ang kilay ko roon.

“What is it?” I asked, urging him to talk now.

“Can’t we talk inside your house?”

“Huh?” bulalas ko dahil sa gulat. Hindi alam kung ano’ng gagawin.

“Mainit dito.”

“Hindi naman siguro matagal ang pag-uusapan natin, ‘di ba? D-Dito na lang.”

Kumunot ang noo niya, “are you hiding something inside?”

Romancing the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon