CHAPTER 49

3K 57 11
                                    

“Dito po,” sambit ng isang pulis at iginiya ako papasok sa tanggapan ng bisita para sa nga bilanggo.

Hindi araw ng pagbisita kaya walang tao roon, kung hindi ako at ilang pulis na nagbabantay. Naiwan si Callum sa pintuan hindi rin kalayuan dahil kita pa rin naman niya ako mula sa kung nasaan ako.

Umupo ako sa pahabang silya habang naghihintay.

“Palalabasin lang namin si de Guzman.” anito na tinanguan ko lang.

I am actually trembling and sweating bullets as I wait there alone. Ilang beses akong huminga ng malalim dahil sa kaba.

Apat na taon din ang lumipas simula nang huli ko siyang makita. I also never visited my foster mother’s grave because I know I am still mad at her — at them. Because of what happened years ago. They made me a way to their success. In order to get their success, they need to lose me, to keep me in the dark, and have me as a collateral damage like what Callum did to me before, too.

Pero siyempre, mas masakit ang dinanas ko sa kamay nina Tito Nathaniel. I smiled bitterly. I used to call them “mom and dad”. I used to keep them a family. But now . . . I can’t even think of it.

I couldn’t believed I called those person who took my parents away from me a mom and a dad. Kahit na hindi naman talaga sila naging ama at ina sa akin kahit kailan.

Siguro, minsan, natatawag akong ‘anak’ kapag may nagustuhan silang ginawa ko na gusto nilang gawin ko. At bilang lamang sa daliri kung ilang beses nila akong natawag na ’anak’ sa dalawang dekadang kasama ko sila.

“Hailey!” Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang malalim at maawtoridad na boses na iyon.

I stiffened and felt the coldness of my body when I met his eyes held with so much darkness, brooding, and authoritative. Manipulative. I held my head high as I look at him . . . fearless. I am not the same Hailey I was four years ago.

I am a Reifenstuel, I held power now. I am not helpless anymore.

“You are here,” tila nasisiyahan niyang sabi.

Hindi ako nagsalita hanggang sa makaupo na siya ng tuluyan.

“Can’t you fucking take this cuff out of my fucking hands?” inis niyang sambit sa mga pulis na naroon.

Pero hindi siya pinansin ng mga ito kahit pa bakas ang galit sa boses at ekspresyon ni Tito Nathaniel. Then he look at me again, happiness were glistening in his eyes. But not mine. I am not even feeling a single happiness looking at him right now.

I gritted my teeth when he smiled at me.

“Why are you here, anak? I mean, it’s been . . . years. I lost counts now. Hindi mo ‘ko binibisita. Ibang-iba ka na ngayon.” He even shamelessly scanned me. I stayed still. Looking grim. “Ang . . . Ate Kiana mo. Dalawang beses pa lang ako nabisita no’n simula nang makulong ako. Do you two despise me that much? Na kahit pagbisita ay hindi niyo magawa?” Tuloy-tuloy niyang salita.

More than that, actually.

“Anak . . .”

“Don’t call me that.” mariin kong sambit. Hindi na makapagpigil dahil naririndi na sa kakasabi niya ng anak.

He stilled. Tila hindi inaasahan ang biglaan kong pagsasabi no’n.

“B-Bakit? Napabisita ka na rin lang, may dala ka bang . . . pagkain diyan? I miss eating expensive food.” Napakakapal ng pagmumukha.

“Wala akong dala. Bumisita ako rito . . . para sabihing ihanda mo na ang sarili mo sa panibagong kasong kahaharapin mo.” Namutla siya sa sinabi ko.

Hindi niya na naman inaasahan ang narinig. I want to be straightforward now. Hindi ko na maatim ang makipagtitigan sa taong kumuha ng lahat ng sa akin.

Romancing the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon