CHAPTER 48

3.1K 55 11
                                    

Nanlumo ako sa narinig. Mabuti na lamang at yakap niya ako ng mahigpit kaya hindi ako tuluyang bumagsak. Dahan-dahan niya akong inalalayan papunta sa gilid ng kama at doon ay pinaupo. Nakatulala lang ako habang namumuo ang mga luha sa mata. Lumuhod siya sa harapan ko, hawak ang dalawang kamay ko na tila ba sinusuportahan ako.

I couldn't even talk. I couldn't even utter a single word.

I'm shock. I'm in rigid right now. I want to shout, but still couldn't.

"Why . . . why didn't tell me about this earlier?" I asked in a weak voice.

He sighed heavily. "Like what I said earlier, I still can't afford to hurt you by this. Hindi ko pa kaya." Tiningnan ko ang mga mata niyang nagsusumamong nakatingin sa akin. "When I was investigating to your foster parents, a day before you left me in my mansion, I found out those information. My private investigator told me this isn't new that Mr. de Guzman has those illegal doings. But what caught in my attention was . . . that accident. Siya ang itinuturo kaya nagpa-imbestiga pa ako. But before I knew about the result, you left me. Ipaghihiganti pa kita. Ipaghihiganti ko pa ang pagkamatay ng mga magulang mo-"

"I don't want you to put the law in your hands!" I sneered.

"I know. Pero hindi ko maiwasan. Lalo pa nang malaman kong si Nathaniel de Guzman nga ang may pakana ng lahat, ang may kagagawan ng pagkamatay ng mga magulang mo, mas lalo ko siyang idiniin. Pero dahil hindi tuluyan. Hindi ako kamag-anak ng namatay para buksan ang kasong matagal na nilang isinara dahil sinabing self-accident lamang at wala namang nakitang kahina-hinala." He looked at me piercingly. "But I didn't stopped. Until my private investigator told me that Mr. de Guzman paid those high officers to close the case."

Nakaramdam ako ng sobra-sobrang galit sa nalaman. They closed the case for my parent's justice. Para pagtakpan lahat ng kasamaan nila. How . . . cruel!

"Kaya wala na akong magawa. And I think telling this to you is what the least I could do for you and for your parents." He caressed my hand softly while I cry silently. "Hush, baby." He kissed my forehead softly.

Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako. Yumakap din ako ng mahigpit sa kaniya at inilabas lahat ng nararamdaman ko.

All these years, akala ko naaksidente lamang ang nangyari sa mga magulang ko? Akala ko inosente sila sa nangyari. Akala ko totoo ang intensyon nilang alagaan ako dahil kahit paano kamag-anak namin sila. Kadugo. Pero . . . ganito pala? Hindi pala talaga totoo ang malasakit na ginawa nila. Puro . . . kasinungalingan, puro panggagamit, puro kasamaan ang tunay nilang balak. I hate that I trusted them all my life. That I obeyed them in order to please them. I hate that I made choices for them. For them to appreciate and love me. I hate everything I did for them. Dahil ito pala talaga ang balak nila noong una pa lang.

"Nathaniel de Guzman's company were still starting and making low profits that time. At ang kompanya ng mga magulang mo ay isa sa mga pinakakilala at malaking kompanya sa Asya, kaya nila sinubukang gumawa ng gano'ng hakbang." imporma niya.

"I hate them . . ." bulong ko. "So fucking much."

He caressed my back as I cry harder in his chest.

"I'm sorry. I know you'll be hurt by this, but you still need to know. Ayaw ko sanang sabihin sa 'yo 'to. Pero kailangan. I really am sorry." he whispered and kissed my temple.

Umiling ako. "W-Wala kang kasalanan, Callum," umalis ako sa pagkakayap sa kaniya at tinitigan siya sa mga mata. "Thank you for telling me about this. Thank you for investigating. Thank you for knowing about this. Dahil kung hindi . . . baka hanggang sa mamatay ako, hindi mabibigyang hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko na inakala kong aksidente lang simula pa noon." He wiped my tears away and stared at me intently.

Romancing the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon