EPILOGUE

5.6K 109 17
                                        

“Kayo ho ba ang anak nina Mrs. at Mr. Villanueva?” tanong ng lalaking nasa kabilang linya.

I was in the middle of our practice for graduation march when someone called me. I don’t who it was but I answered.

“Yes, who is this?” I answered in a stern voice.

Nagpakilala siya pero ang mga sumunod na sinabi niya ay halos nagpabingi sa akin.

“. . . gusto lang namin kayong iimporma tungkol sa mga magulang ninyo. Wala na ho silang dalawa nang madatnan namin sa isang wearhouse.” aniya sa kabilang linya na nagpagimbal sa akin.

I dropped the phone on the floor and stared at nothing as I felt the clenching of my heart the moment it registered in my mind. Bawat salita ay halos umukilkil sa aking utak. Hindi iyon mawala sa isip ko. Mabilis akong tumayo at dinampot ang cellphone bago tumakbo paalis ng gymnasium.

I heard them called me to come back. Someone also attempted to get on my way but I harshly pushed him away. Wala na akong pakialam kung may magalit sa akin. I don’t fucking care!

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko papunta sa kompanya nina Daddy. But when I got there, my father’s secretary confirmed what happened. Napaluhod ako sa sahig ng lobby habang nakatulala at pinoproseso ang mga sinabi nila sa akin.

“No . . .” I whispered, taking those words away from my mind.

“Sir, n-nasa m-morgue na raw po ang—”

“You fucking shut up!” I roared when he speaked up. “My parents are not dead! They are fucking alive!” I yelled, denying everything.

My parents . . . my mother and father . . . hindi sila patay. Hindi pa.

Someone . . . someone please tell me that this is just a joke. Wake me up in this fucking bad dream. Please . . .

Hindi ko namalayang umiiyak na ako. Sa harap ng lahat. I broke down and cried my heart out when I realized this isn’t a fucking joke nor a fucking bad dream.

And when I got to where they are, I knelt and cried even more. They’re already paled, lifeless. I just couldn’t imagine that . . . these really are my parents, laying here, cold.

“Who did this to my parents?!” sigaw kong muli at tumayo.

Nakitang takot na umatras ang bodyguard na dapat ay kasama nina mommy at daddy. He looked pale as he look down when I asked that. Nilapitan ko siya at kinuwelyuhan. Mas matangkad ako sa kaniya kaya natinag agad siya sa akin. He saw the rage in my eyes as I gave him a death glare.

“Who fucking killed my parents?! At bakit ikaw ay buhay pa?! Tang ina!” sigaw ko sa kaniya nang nanatiling tikom ang bibig niya. “Magsalita ka o ikaw ang isusunod kong pahihigain diyan!”

“S-Sir, h-hindi po kasi ako ang kasama nina M-Ma’am Tristina a-at Sir Conrad. H-Hindi ko nga po alam bakit hindi man lang nila kami napansin sa lobby k-kanina.” anito na mas lalong nagpainit ng ulo ko.

“Bakit?! Saan sila pumunta at nasaan ba kayong mga putang ina kayo?! Tang ina ang dami n’yo, hindi n’yo nabantayan ang mga magulang ko?!” Sinapak ko siya sa galit.

Susugurin ko pa sana siya ngunit pinigilan ako ng ilang bantay na pulis doon.

“Bakit hindi n’yo sinundan?!”

“S-Sinundan ho namin, Sir. P-Pero naligaw kami nang mapunta na sa traffic. Nang bumalik kami sa kompanya ay nakita namin ang iba naming kasamahan na wala na ring b-buhay.” I stilled at what he said.

Nanlamig ang katawan ko habang pinagmamasdan siya.

“N-Nasa elevator po ang mga iyon. Tatlo. Tatlo silang pinatay sa elevator.”

Romancing the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon