CHAPTER 5

4K 91 2
                                    

Iyon nga ang nangyari. Pagkatapos naming kumain ng agahan ay pinakuha na niya ang kaniyang sasakyan sa isang tagapangalaga sa garahe. Bago niya ako iginiya palabas ng mansyon.

“Hindi ka ba talaga magbabaon ng pangtanghalian mo, Ma’am Hailey?” tanong ni Nanay Juliet. Kanina pa siya nagtatanong sa akin kung magbabaon ba ako ng pagkain dahil hindi raw ako sigurado kung maayos ba ang pagkakaluto sa company ng mga ibinebenta roon.

“Hindi na ho, Nanay Juliet. Uh, matagal na rin naman ho akong nagtatrabaho roon kaya sigurado po akong maayos at masarap ang luto nila. Pero . . . Uhh . . . If you will insisted, you can pack me tomorrow?” saad ko kahit na hindi naman na talaga kailangan no’n.

May pera naman ako para sa mga pambili ko ng pagkain at sariling gamit. Nagtatrabaho naman ako kaya kahit sabihin mong gusto kong makatipid ay nakakahiya naman. But then . . . Callum is now my husband. I have all the rights to— No. Kaya namang magtrabaho. Hindi naman p’wedeng iasa ko lang ‘yon lahat kay Callum kahit na may pera naman ako at nagtatrabaho.

“Oh siya sige, bukas ay ipaghahanda kita ng pangtanghalian mo sa trabaho. Aaraw-arawin ko na ‘yon.” Napanguso ako at gustong mangiti dahil ito ang unang beses na may nag-insist na ipagluto ako ng tanghalian para sa trabaho.

Noon kasi ay ako talaga ang nagre-request na ipagluto pa ako o ipaghanda ng pagkain dahil ayaw akong pangunahan ng mga kasambahay sa mansyon noon. They knew me as an independent when I started studying in College and started working. I always insist that I want to do it alone at saka na lang hihingi ng tulong kapag hindi na talaga kaya ng oras ko.

“Sige ho, Nanay Juliet. Mauna na ho kami.” I waved my hand at her and walk towards Callum when I saw him standing near his white Mazda.

I gulp at the sight of his expensive car. Iba rin ang dala niyang sasakyan kahapon, that means marami siyang sasakyang ginagamit sa araw-araw? At paniguradong bawat araw ay may mga babae siyang naaakit sa tuwing nagmamaneho siya ng mga mamahaling sasakyan gaya nito.

Palihim na lang akong umiling bago nagpatuloy sa paglalakad palapit sa sasakyan ni Callum. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya naman pumasok na ako sa loob ng sasakyan at nagsuot ng seatbelt habang hinihintay siyang makapasok sa loob. May ibinilin pa ‘ata siya sa lalaking tagapangalaga bago naglakad sa driver’s seat.

Nang makapasok siya sa loob ay agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan. Akala ko ay paaandarin na niya ang sasakyan pero nagulat ako nang ilahad niya sa akin ang kaniyang cellphone. It’s a latest version of an expensive phone. Pinagmasdan ko lang ‘yon, hindi alam kung anong gagawin sa kaniyang cellphone.

“Put your number here,” aniya sa naiinip na boses.

Tumango ako bago kinuha ang kaniyang cellphone. Inilabas ko ang aking cellphone para makuha na rin ang kaniyang numero. I was typing my number in his phonebook when a message suddenly popped up. I accidentally read the message.

From: Unknown Number

Hi, Callum! It’s me, Zarrah. Would you like to have a dinner...

Hindi ko na nabasa ang iba dahil mabilis ko nang sinave ang number ko sa kaniyang phonebook bago inilagay naman ang kaniyang number sa aking phonebook.

I was suddenly anxious because of the message. Zarrah. Did he know the girl named Zarrah? Siguro naman ay oo. Dahil kung hindi, bakit naman siya ite-text ng babae, ‘di ba? That’s embarrassing if a girl made a first move.

Nang mai-save ko ang number ay mabilis kong ibinalik ‘yon sa kaniya habang abala pa siya sa pagmamaneho. Kinuha niya lang ‘yon nang mag-red light. Hininto niya ang sasakyan at bahagyang bumaling sa akin pero sa labas lang ako nakatingin.

Romancing the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon