Natapos ang araw na ‘yon na puro pagmumukha ni Callum ang nakikita ko. Paano ba naman kasi, kung nasaan ako ay naroon din siya. Parang gusto na niyang palitang ang sekretarya ko sa ginagawa niyang pagsunod-sunod sa akin.
Ngayon ay siya na ang nagmaneho ng kotse ko pauwi sa mansyon. At ang sasakyan naman niya ay pinakuha niya sa kaniyang driver. Kunot noo akong nakatingin sa labas ng bintana habang iniisip ang nangyayari ngayon.
Why am I letting him do these things to me? Why am I feeling stranged and also a familiar feeling towards his gestures now? Why am I . . . letting myself connected to him . . . again?
Hindi na ako nadala . . .
“You’re thinking too much,” his baritone voice broke the silence between us.
Napatingin ako sa kaniya at nagtaas ng kilay, “I’m just tired.” I said in a stern voice.
“You shouldn’t let yourself work too much in your office. If you can rest, then rest.”
I rolled my eyes.
“I’m not like you, Callum. Na kahit maraming gagawin sa opisina, tumatambay pa sa opisina ng iba para lang mamerwisyo.” Natawa siya sa sinabi ko.
“I like being in your office, though.” he stated, chuckling.
Hindi na ako nakipagtalo at nanahimik na lang ulit. Gano’n din siya dahil umusad na ang traffic. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil medyo mahaba pa naman ang biyahe pauwi sa bahay. Hindi ko alam na lumalim ang pagkakaidlip ko dahil nagising na lamang ako nang maramdaman kong nakalutang na ako, at ramdam ko ang paghawak sa aking braso at likod ng aking tuhod. Nang magmulat ako ng mata ay seryosong mukha agad ni Callum ang bumungad sa akin.
Napakurap-kurap ako ng mata.
“Why are you carrying me? Kaya kong maglakad, Callum! Sana ginising mo na lang ako,” I hissed.
“Ayos lang, hindi ka naman mabigat. Para ngang wala akong buhat,” then he look down on me. “Kumakain ka pa ba?” he suddenly asked.
“Malamang!” Pinandilatan ko siya.
Natawa na lang siya nang bahagya dahil sa inasta ko. Napanguso na lang ako dahil hindi niya talaga ako binababa. Hanggang sa makarating kami sa sala ay buhat pa rin niya ako. Ibinaba lang niya ako sa sofa at nagpameywang.
“You should rest early,” then he look at his watch.
“Kakain pa ako. Saka aasikasuhin ko pa si Hestia—”
“Ako na ang bahala sa anak natin. Magpahinga ka na lang.” pinal na sambit niya. Naningkit ang mga mata ko. Nananantiya sa kaniya.
Magsasalita na sana ako nang marinig ko ang boses ng anak ko mula sa hagdanan.
“Mommy! Daddy!” She’s hopping in the stair that made me worry.
Mabilis akong tumayo. Though, her babysitter is holding her hand and guiding her, I can’t sit still!
“Baby, don’t hop in like that whenever you’re in the stairs!” pagalit kong saway sa kaniya.
“Mommy!” walang pakialam siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ang hita ko.
Yumuko ako para abutin ang buhok niya at patakan ‘yon ng halik.
“Daddy!” then she hugged her father, too.
Inaya ko na sila sa hapag para kumain ng hapunan. Wala naman sa planong dito kumain si Callum pero ang rude naman kung hindi ko siya aanyayahan na rito kumain ng hapunan. Wala na akong magagawa kung ‘di makisama.
BINABASA MO ANG
Romancing the Devil
Romance[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. For a woman who's desperate for attention and love of her parents, Hailey Avery de Guzman will do ever...
