CHAPTER 27

5.1K 87 7
                                        

Hindi mawala ang ngiti ko sa labi habang nasa opisina dahil naaalala ko pa rin ang ekspresyon ni Faith kanina. Galit na galit siya na akala mo naman ay pag-aari niya si Callum.

He’s mine. I won’t let you steal my man.

“Ma’am, the meeting will start in five minutes.” imporma ni Christina sa akin.

“Alright,” sambit ko bago tumayo at sumunod sa kaniya papunta sa conference room.

Inabala ko ang sarili sa pag-aasikaso sa proyektong ginagawa ko. Halos sunod-sunod ang mga meeting ko sa araw na ‘yon. Kaya parang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Hindi ko inintindi ‘yon dahil nasa gitna ako ng meeting.

Kumain naman ako ng tama sa oras, kaya hindi ko alam bakit ako nahihilo. O baka sa pagod at stress? Ang dami ko kasing ginagawa kaya siguro sumusuko na ang katawan ko. But I can’t rest yet. Kailangan itong mga ginagawa ko ngayon kaya hindi pa ako p’wedeng magpahinga.

“Ma’am, ayos ka lang?” tanong ni Chris nang matapos ang meeting.

Nginitian ko siya, “oo, ayos lang ako. Medyo nahihilo lang kasi alam mo na, ang dami nating ginawa at marami pa akong pending works sa office ko.” sagot ko habang naglalakad kami papunta sa elevator.

“Naku, ma’am, kailangan mo na ‘atang magpahinga na kasi oh, namumutla ka na.” aniya na ikinanguso ko.

“Pagod lang ako, Chris. I’m fine. H’wag mong sasabihin kay Callum at baka biglang sumulpot ‘yon dito.” Pinandilatan ko siya ksya bahagya siyang natawa.

“Sweet nga ng asawa mo, ma’am, palagi kang naalala. Kapag hindi ka nag-reply, biglang tatawag sa akin para kumustahin ka at ipaalala sa ‘yo ang pagkain mo. Sana makahanap din ako ng katulad niya, ‘no, ma’am?” she utter dreamingly.

Napailing na lang ako.

“One day, a right man will come and step in your life, Chris. Don’t rush everything.” I said while smiling at her.

“Tama kayo riyan, ma’am.”

Sumakay kami ng elevator at nagpahatid sa tamang palapag ng opisina. At nang bumukas ‘yon ay agad kong nakita si Ate Kiana na nasa lobby, naghihintay.

“Kapatid mo, ma’am.” ani Chris nang makita rin ang kapatid ko.

Nilapitan ko siya kaya napatayo siya agad nang makita akong palapit. I smiled at her and hug her.

“Ate, bakit ka narito?” I asked because this is so unusual for her to be here.

Maliit na ngiti ang iginawad niya sa akin. Nanliit ang mga mata ko at sinipat ang ekspresyon niya.

“Uh, can we go inside your office?” she asked warily.

Marahan akong tumango, nawiwirduhan sa kinikilos niya. Tumingin siya sa paligid bago sumunod sa akin sa loob ng opisina ko.

“Why are you here, by the way, Ate? You’re supposed to be in your office now, right?” tanong ko habang umuupo sa aking swivel chair. Siya naman ay umupo sa visitor’s chair sa tapat ng mesa ko.

She look at me with sad, care, and an emotion I couldn’t name.

“Do you have an idea why Callum Villanueva married you?” she asked out of nowhere.

I frowned, “I don’t . . . know, why? I mean . . . it’s obvious that he married me for the merging of our company.” I said confusedly.

Umiling siya, “no . . .” kumunot ang noo ko dahil doon.

“What do you mean?”

She sighed heavily, “dad was just the only one whose insisting the merging. His company can stand without our company’s help. He has a hidden agenda. And Dad . . . also have his own agenda, too.” she said seriously.

Romancing the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon