Chapter 19

13.4K 587 437
                                    

"Kailan ka ba uuwi, Reagan? Your pageant is tomorrow!" it was Ate Ragel

Ate Ragel called because I still haven't gone home from my little escapade. Iyon ang alam nila, but little did they know, hindi naman ako umalis. It's just that I stayed in Adler Town and didn't go home.

Sinabi ko kasing umalis ako pagkatapos ng gabing iyon para magbakasyon saglit bago ang pageant ngunit ang totoo ay iniiwasan ko lang nag pagk-krus ng landas namin ni Ma'am lalo't lagi ito sa bahay.

"I'm home, kakauwi lang." I lied

Wala naman talagang big deal na rason ang pagsisinungaling ko, pinahupa ko lang ang nangyari. Isa pa ay ayoko ring bulabugin nanaman ako ni Ate tungkol sa pageant. Masexcited pa kasi ang isang iyon.

I need a full beauty rest before that day so, as much as possible, I want to isolate myself from anyone or anything that can cause me stress.

Hindi pa rin kami nagkikita ni Ma'am pagkatapos ng gabing iyon kaya hindi pa rin kami nakakapag-usap tungkol doon. Hindi ko nga alam kung handa na ba akong harapin siya pero hindi puwedeng takbuhan ko lang iyon.

"Where are you? Are all the things you need for tomorrow ready? I have ordered Hera to get the costumes since the designer won't be able to deliver it. You need to do a dress rehearsal with David!" See what I'm saying? Akala mo manager ko lang.

"His name is Derick, Ate, not David." Pagtatama ko

"Whatever, Reagan, you got my point. Just get your ass here and call him na pumunta rin dito." mabilis na utos niya na akala mo ay nagmamadali

"Where are you?" she asked once more

"Adler Town." maikling sagot ko

"Okay, wait for me there. Susunduin kita, samahan mo akong mag grocery ng milk." Milk lang isisingit pa ngayong araw?

"But-" That was an order because after she said that, she ended the call. She's not going to take no for an answer.

Ate Ragel and Ate Raven are very hands on with my upcoming pageant. Halos sila na ang mag-asikaso ng lahat. Whenever busy with business meetings, they both send their secretaries to attend to the things that needs to be done.

Lazily, I got up from my bed and made my way to the shower to freshen up. Mabilis lang ang ginawa kong pag-prepare sa sarili because what's there to do? I'm always dead gorgeous. Kapag nag effort pa ako ay baka ma-inlove na sila.

I am lowkey anticipating Professor Thomas to be there because I don't remember a day that she wasn't present. Kulang nalang ay dalhin na niya ang mga gamit niya sa bahay at doon na tumira. I'm not complaining though.

Si Ate Raven at Ate Ragel ang madalas na kasama nito bilang sila naman ang ka-edad niya. Kapag silang dalawa naman ni Ate Ruciane ang magkasama ay kung ano-anong trip ang pinaggagawa ng kapatid ko kaya pati siya ay nasasama.

"Welcome home, Reagan!" bati ni Ate nang makasakay ako sa passenger seat ng sasakyan niya

"Thanks." tipid na sagot ko

"To Uptown Mall we go!" masayang sabi niya bago magmaneho

I turned to my sister with knitted brows. She's being too enthusiastic today. Kahit na sanay na ako sa pagiging energetic ni Ate ay nasobrahan yata ngayon.

"Sa icecream stall lang ako, Ate." paalam ko nang papasok na ito sa grocery store ng mall

"Okay, meet me here nalang mamaya."

I walked straight to the icecream stall I was talking about and bought myself a vanilla flavored ice cream. Mabilis lang ako roon at bumalik na rin agad sa grocery store nang matapos magbayad.

Sweetest RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon