Chapter 8

12.7K 497 70
                                    

I gracefully walked down the hallway with a big smile plastered on my lips. Maging ang mga nadadaanan kong students ay napapangiti nalang din habang tinitingnan ako. See how contagious someone’s mood is?

“I see, someone’s having a good day.”

I rolled my eyes but smiled wider nang akbayan ako ni Derick at sabay na pumasok sa room.

Napunta naman ang mga mata ng mga kaklase namin saamin nang pumasok kami at ang ilan pa sa mga ito ay napasipol at tinukso kaming dalawa. If only you guys knew, natatawang naisip ko.

"You, dummy, adding fuels to their flaming fantasies!" natatawang bulong ko kay Derick

"Let them, we don't care anyway."

Namiss ko tuloy bigla si Denver. Ganito rin kasi mang-trip ang isang iyon. She’s currently out of the country to finish her degree in international business and law at Preston University.

Sponsored nina Mommy ang studies niya and she’s really a bright student kaya sulit iyon. She’s a university scholar.

Sa Preston din uma-attend si Ate Ruciane but her classes will start on September, which is still two months away. Just like Ate Rocky, Ate Ruciane took up Management and Political Sciences. Lahat kaming magkakapatid ay double-major.

I’m currently taking up and finishing Finance and European Literature and Languages. Hindi ko rin alam kung bakit, trip ko lang. Pagkalabas ko ng high school ay wala akong maisipang gustong gawin but I know I have to earn a degree so I just used a spin wheel application to help me decide.

“Good Morning, Block 4A.” masmalamig pa sa niyebeng bati ng paborito kong propesor

“Good Mor-“ Argh! Her habit of cutting people off midsentence!

“Pens out, we’re having a pretest.”

She then started going around by row, distributing test papers to students. Hindi naman ako kinabahan sa pa-surpresa niyang ito dahil madalas ay advanced ang alam ko kesa sa mga lessons namin.

Nang mabigyan niya na ang lahat ay tsaka lang ito lumapit saakin bago ibinigay ang nag-iisang test paper sa kamay niya. Saglit pa itong nagtagal sa harap ko kaya tiningala ko na kaagad siya at as expected, masama nanaman ang tingin.

“Thank you, Ma’am.” I smiled genuinely but she just rolled her eyes. Ang akala yata ni Ma’am ay binubwisit ko nanaman siya

As I expected, madali kong natapos ang test na iyon dahil matagal ko nang nabasa iyong topic, doon pa yata sa library ng Preston. Lumingon naman ako sa katabi kong mistulang nahihirapan sa ginagawa.

“Tulala ka diyan, need help?” tanong ko kay Derick but before he could answer, a loud thud on the desk in front caught our attention

“I am here, Miss Revamonte and Mr. Zambrano.” Matigas na sabi nito

I faked a smile towards her and rolled my eyes after. Special mention ka nanaman, kalma, Reagan. Inhale, exhale. Damot ni Ma’am, ayaw na mag-share ako ng blessing sa iba.

Nang matapos ang oras ng klase ay ipinasa na ng lahat ang papers before she dismissed us. As usual ay nagpahuli nanaman kami ni Derick na lumabas dahil ayaw naming parehong makipagsiksikan.

Nagulat ako nang biglang lumapit ang mukha ni Derick saakin kaya medyo napaatras ako doon, iyon naman pala ay may ibubulong lang kaya inilapit kong muli ang sarili ko sakanya.

“Have you seen Professor Thomas’ girlfriend? Damn! She’s one hot chic. Nandito siya kanina.”

Nang maibulong niya ito ay automatic namang nadako ang mga mata ko kay Ma’am na nakatingin sa banda namin.

Sweetest RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon