Chapter 34

18K 702 719
                                    

Tomorrow is Ate Raven's birthday and we are currently in Greece to celebrate it. Of course, hindi papayag iyan na pipitsugin lang ang selebrasyon niya.

Triplets man silang tatlo nina Ate Raven at Rocky, hindi parin nagpareho ang birthday nila. Ate Raven was born pass eleven at night, ten minutes ahead of Ate Rocky. Iyong dalawa ay kinabukasan ng madaling araw na.

"Bakit hindi pa kasi sumama? Busy ba sa Vallejo? Hindi ba isang linggo namang suspended ang class ninyo?" tanong saakin ni Ate Ruciane

Hindi pa kasi nakasama si Gianiel at susunod nalang daw. Ayan ngayon, tinatanong ako ni Ate Ross kung bakit hindi pa sumabay saamin ang isang iyon.

"No, it's not Vallejo. May meeting kasi siya for Fort Victoria the day of our flight." tugon ko

"Eh kailan daw ang sunod?" dagdag na tanong nito

"She already booked a flight leaving tonight."

Napili kong mahiga nalang muna sa kama ko bilang kararating lang din naman namin sa villa na na-book nila. Plano kong magpahinga mun sandali bago maglakad lakad sa lugar.

Nasa iisang kuwarto kami nina Night, at Ate Ruciane. Si Ate Vlad naman ay kasama sa iisang room sina Ate Rue at Ate Rocky, while Ate Rage shared a room with Ate Rav. Siyempre sa isang room din sina Mom.

"Dapat hindi niyo pinagsama sama sina Ate Rue, Rocky, at Vlad. Baka hanggang dito, magtrabaho ang mga iyan." ani Night na nakahilata rin pala sa sarili nitong kutson

"Hayaan mo sila. Kesa naman dito ang kahit sino sakanilang tatlo, e'di para naman tayong bumalik sa university sa sobrang istrikto." sabi naman ni Ate Ruciane

Speaking of university, nagsimula na ang pasukan ni Ate Ross pero hindi parin ito bumabalik sa Preston. Kaya ayun, through recorded sessions lang siya nag-aaral dahil na rin sa time difference.

Si Night at Ate Vlad naman ay parehong graduate na. Pareho din naman silang umaasikaso sa family business ng mga Imperial at Casimiro pero mas hands on si Ate Vlad dahil si Night kung minsan ay mas abala pa sa formula 1.

"Naalala ko nga pala, Vlad said Mom and Ma are coming home for Reagan's birthday." biglang dagdag ni Night sa kaninang pinag-uusapan

"I thought may ongoing project pa si Auntie Vida sa Singapore kaya hindi sila nakasabay sainyo?" ani Ate Ruciane

"Paboritong pamangkin kasi ang pinag-uusapan kaya ginagawan ng paraan." saglit akong tinapunan ni Night ng tingin bago pakunwaring umirap saakin

Auntie Dawn and Auntie Vida consider my sisters and I as their own nieces, ganoon sila kalapit sa mga magulang namin. Auntie Vida is best friends with my Mommy Val while Auntie Dawn is best friends with Mommy Yvon.

Only child din kasi si Auntie Dawn kaya tuwang tuwa talaga siya na marami kami. Kung disiplinado at kontrolado kami ni Mommy Yvon, spoiled naman kami kay Auntie Dawn kaya madalas silang hindi magkasundo.

"Paborito na sa pamilya, paborito pa sainyo. How to be Reagan Revamonte?" madramang sabi ng kapatid ko

"It's not my fault I'm way more likable than you two." sabay irap ko sa hangin habang nakatitig sa kisame ng silid namin

"What about Ate Gray and Luna? Hindi ba sila pupunta?" tanong ko kay Night tungkol sa nakatatandang kapatid nito

"Oh, yeah. Baka pumunta rin ang mga iyon. Luna misses her Auntie Ross and Ate Rue na raw." aniya

Luna is Ate Gray's only child. She likes Ate Rue and Ate Ross dahil spoiled ito sakanila kaya lagi ding hindi magkasundo sina Ate Gray at iyong dalawa.

Hindi ako natulog sa biyahe kaya naman ngayon ko naramdaman ang antok. Tumigil na rin naman sa kakasatsat ang dalawa na marahil ay pagod din sa biyahe at nakatulog na.

Sweetest RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon