WARNING: This Chapter is R18+ and is suitable only for adults. There are scenes as well as mature words that may not be appropriate for young readers.
Read at your own risk.
...
"Thalia, may ginagawa ka ba?" nang tingalain ko ay nakitang si Derick iyon
"Wala, why?"
Kasalukuyan lang akong nakaupo sa ilalim ng isang malaking puno habang inilulubog ang mga paa sa buhanginan.
"Can I sit beside you?" paalam niyang tinanguan ko bago umusog ng kaunti
"What's up?" I asked habang ang mga mata ay nasa karagatan nanaman
"Wala, gusto ko lang makipagchikahan since wala naman si Miss Noelle na na makakachismisan ko."
Nalipat naman ang tingin naming pareho sa table kung saan naroon lahat ng propesor at nagkakaroon ng saglit na informal meeting bago namin lisanin ang lugar bukas na bukas.
"Alam mo ba..." bigla niyang panimula na siyang nagpairap saakin
"Ayaw mo? E'di wag!" aniya nang makita ang pag-irap ko
"Spill or Kill! Pagkatapos mong kunin ang curiousity ko hindi mo itutuloy!" banta ko
"Okay, kalma! Kunwari ka pa, chismosa ka rin naman with a class nga lang." tumawa pa ang bakla bago inayos ang sarili
"Girlfriend na raw pala ng Ate Ruciane mo iyong si Montejano." pabulong na sabi niya
"Montejano?" tanging nasabi ko
Wala akong kilalang Montejano. At isa pa ay akala ko talaga si Gia ang gusto ni Ate Ruciane tapos malalaman ko ngayong may Montejano pala? Noong una ay narinig ko lang naman iyong Montejano kay Ate Ragel but hindi ko akalaing seryoso pala iyon.
"Are you sure?" pagkukompirma ko
"Kailan pa ba ako pumalya?" mayabang na sagot niya bago mataray na pinaypayan ang sarili
"Do you have any more information about that Montejano?" I asked, clearly curious to death
Kung may Montejano, ibig sabihin ay wala na si Gia sa picture. Paano naman iyong lagi niyang pinupuntahan sa Vallejo High School? What the hell! Ang dami dami niyang babae!
"Kapatid niya raw yata itong Principal ng Vallejo High School." kibit balikat na aniya
So, iyong kapatid muna ang nililigawan? Perhaps, strikto iyong kapatid kaya ganyan ang naging diskarte niya, kung sabagay ay Principal.
"Saan siya nakatira?"
"Iyan ang hindi ko na alam, Thalia. Chismosa ako pero hindi ako stalker."
Kung saan man nakukuha ni Derick ang mga impormasyong ito ay wala na akong ideya pa. Hindi ko rin naman kaagad na pinaniniwalaan ang mga ganito ngunit napapaisip talaga ako sa mga posibilidad.
"Overthink well, Thali." he even blew me a kiss bago tuluyang umalis sa tabi ko
Hindi nagtagal ay may isang student din na lumapit saakin at nagsabing ipinatatawag daw ako ni Professor Thomas kaya madali naman akong nagpunta nang mamataan ko ito na nasa table parin at si Miss Noelle at Miss Carlota nalang ang kasama niya
"Excuse me, Professors. Professor Thomas, tawag niyo raw po ako?"
She was currently busy with her laptop and some papers on the table when she gaze up and meet my eyes. She cocked her head to the side, causing me to frown in confusion. She then heaved a sigh and tapped the empty seat beside her.

BINABASA MO ANG
Sweetest Rebellion
RomanceABYSS GIRLS NO.1 (G!P) "𝙄𝙩'𝙨 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙮 𝙝𝙤𝙬 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚 𝙨𝙖𝙮 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙜𝙚 𝙩𝙖𝙠𝙚𝙨 𝙩𝙞𝙢𝙚. 𝙄𝙩'𝙨 𝙚𝙫𝙚𝙣 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙞𝙚𝙧 𝙩𝙤 𝙘𝙤𝙣𝙨𝙞𝙙𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙄 𝙬𝙖𝙨 𝙤𝙣𝙘𝙚 𝙖 𝙛𝙞𝙧𝙢 𝙗𝙚𝙡𝙞𝙚𝙫𝙚𝙧 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙣𝙩𝙧�...