WARNING: This Chapter is R18+ and is suitable only for adults. There are scenes as well as mature words that may not be appropriate for young readers.
Read at your own risk.
...
"Atat na atat ka naman, akala mo malakas sa inuman." Ate Ruciane laughed at Ate Ragel
Paano ba naman, katatapos palang naming mag celebratory dinner para sa birthday nila ni Ate Rocky, nag aaya na kaagad itong mag bar.
"Matanda na, paalaga parin." gumatong pa si Night
"Tumatanda na, sugar mommy." ani Ate Ross sabay sila naghagalpakang dalawa ni Night.
Akala ko ay magtitino na si Night once na dumating si Ate Gray dito, hindi pa rin pala. Wala na yatang makapagpapatino sa babaeng iyon. Mabuti si Ate Ruciane, kahit paano ay takot kay Ate Rocky, Rue, at River.
Dumating kaninang umaga dito si Ate Gray kasama si Luna. Sa Pilipinas sana ngunit nang malamang nasa bakasyon kami ay dito na dumiretso.
"Umalis na kayo! Maiiwan na'ko rito with Luna." Ate Rocky said
"I'll stay with Luna, too." sunod na sinabi ni Ate Rue
"Ako din, aba! Huwag na uminom masama sa baga iyan." ani Ate Ross na sabay sabay naming inirapan
See? Gustong gusto talaga ng mga ito si Luna. Halos pag-agawan na nilang lahat at inuuna pa kesa sa mga naunang plano.
"Auntie Ruelle..." tawag ni Luna habang nakasilip sa pintuan
Kasalukuyan kasi kaming nasa labas ng villa ngayon at sa front porch lahat nakatambay. Iyong mag-ina ay nasa sala dahil nanunuod si Luna ngunit ngayon ay narito na't hinahanap si Ate Rue.
"Come here, Luna." tawag sakanya ni Ate Rue at patakbo naman itong lumapit kay Ate sabay siya kinalong nito
"I have a question." dinig kong sabi ng bata
"What is it?" banayad ang boses ni Ate Rue sakanya
"How are babies made and born?"
Her question caught us off guard. We didn't really expect her to ask such question kaya naman saglit kaming natahimik habang nagpapalitan ng mga tingin habang nakataas ang mga kilay.
Ate Rue cleared her throat and said. "Adam and Eve made babies and so on."
Tumitig si Luna kay Ate Rue sabay ngumuso. Lumipat naman ang tingin ng bata kay Ate Ruciane na kunot ang noo.
"Auntie Ruciane, how are babies born?" tanong naman niya sa isa ko pang kapatid
"Monkeys evolved and became babies." kaibang sagot ni Ate Ruciane
Napakunot naman ang noo ni Luna doon bago lumipat ang tingin niya kay Night na katabi lang ni Ate Ruciane.
"Auntie Night, am I a monkey?" nagulat naman ako sa itinanong ng bata habang si Night ay nagpipigil ng tawa
"Well..." Night cleared her throat to stop herself from laughing
"No, Luna. Auntie Ruciane is just talking about herself."
Ambang sasapakin na sana ni Ate Ruciane si Night nang pigilin niya ang sarili kaya imbes na manapak ay pinisil nalang nito ang magkabilang pisngi ni Night.
"Ang cute cute mo!" kagat labi at punong puno ng panggigigil na sabi ni Ate Ross kay Night
"Huwag niyong ilalapit si Luna kay Ruciane, Night, at Ragel. Kung ano ano lang ang matututunan niyang sakanila." ani Ate Raven

BINABASA MO ANG
Sweetest Rebellion
RomanceABYSS GIRLS NO.1 (G!P) "𝙄𝙩'𝙨 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙮 𝙝𝙤𝙬 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚 𝙨𝙖𝙮 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙜𝙚 𝙩𝙖𝙠𝙚𝙨 𝙩𝙞𝙢𝙚. 𝙄𝙩'𝙨 𝙚𝙫𝙚𝙣 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙞𝙚𝙧 𝙩𝙤 𝙘𝙤𝙣𝙨𝙞𝙙𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙄 𝙬𝙖𝙨 𝙤𝙣𝙘𝙚 𝙖 𝙛𝙞𝙧𝙢 𝙗𝙚𝙡𝙞𝙚𝙫𝙚𝙧 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙣𝙩𝙧�...