"Ate Rue, take me to Gia." I managed to say without stuttering
"But it's-"
"Please. I don't want Isla to be following us at home." pilit na pakiusap ko kapatid
"Pero hindi ba alam niya kung saan ang bahay nila Miss Vista?"
Lumingon ako sa kapatid na diretso ang mga mata sa dinadaanan. I mentally thanked the heavens for my sister's presence because without her here, I don't know what else there is left to do.
"I will take care of that just please, please, take me to Georgiane." halos magmakaawa ako doon
Sunod sunod parin ang naging pagpatak ng luha sa ngayo'y namumugto ko nang mga mata. I don't think my tears will ever be enough to justify how deeply hurt I was.
"Ate Rue, stop the car."
Nasa kalagitnaan kami ng biyahe patungo kina Gia nang maramdaman ko ang tila namumuong sama ng pakiramdam na unti unting umaakyat saaking lalamunan.
"S-Stop the c..." hindi ko na magawang tapusin ang sinasabi nang takpan ko ang bibig gamit ang kanang kamay
Mabuti na lamang at saktong inihinto ni Ate Rue ang sasakyan sa tapat ng isang bakanteng lote kaya mabilis akong lumabas ng kotse at doon ay walang ano anong idinuwal ang kanina pa pinipigil.
"Did you drink alcohol again?" tanong ni Ate Rue habang hawak ang buhok ko at hinahagod ang likuran
"Yes-"
"Alam mo na ngang mababa ang alcohol tolerance mo, Reagan-"
"Come on, Ate. Huwag mo na akong sermonan." I managed to say bago muling naduwal
Halos ilang minuto rin ang itinagal namin doon hanggang sa humupa ang masamang pakiramdam ko. Nagdalawang isip pa si Ate kung itutuloy ba ang paghatid saakin kina Gia ngunit napilit ko rin naman siyang tumuloy.
"Lia." Gia immediately attended to me, hindi pa man ako nakakababa ng sasakyan
I texted her beforehand na pupunta ako rito and I also told her bits of what happened just to give her reasons why I'm suddenly coming here sa ganitong oras.
"Can you come with me?" bumaba ako ng kotse ngunit hindi na ako lumayo sa pinto nito dahil ang pakay ko lang naman talaga ay sunduin siya
"Oo naman, kahit saan." she then hugged me tight, prompting a lone tear to escape my eye once again
I take that she already told her mom about the situation o kung hindi man ang buong sitwasyon ay marahil sinabi lang nitong ako ang kasama kaya madaling pinayagan siya.
"Where do you want me to take you?" tanong ni Ate Rue nang magsimula nang magmaneho paalis ng eskinita
"Can we use your villa sa Bulacan? Sandali lang talaga, Ate, while I let Avon process my LOA." pakiusap ko sa kapatid
"Kahit ihatid mo nalang kami sa bus station-"
"No. Uuwi muna tayong Forbes. Magbihis ka, magdala ng gamit, whatever you need. Ihahatid ko kayo roon. Stay there for as long as you want."
Imbes na sumagot pa kay Ate ay napili kong ipahinga nalang ang sarili dahil nagsisimula na ring sumakit ang ulo dahil sa pinaghalong alak, antok, at pagod sa lahat ng nangyayari.
True enough, she drove us back to Forbes first. She made sure na walang nakaabang saamin bago niya ako tuluyang pinalabas ng sasakyan kasama si Gia.
"Reagan, how are you feeling?" salubong saakin ni Ate Ragel
I probably look so ill right now. I feel awful. Pero sa kabila ng lahat ng nararamdaman ay nagawa ko paring pekehin ang isang ngiti.
"Awful but I should be fine." I said
BINABASA MO ANG
Sweetest Rebellion
RomanceABYSS GIRLS NO.1 (G!P) "𝙄𝙩'𝙨 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙮 𝙝𝙤𝙬 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚 𝙨𝙖𝙮 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙜𝙚 𝙩𝙖𝙠𝙚𝙨 𝙩𝙞𝙢𝙚. 𝙄𝙩'𝙨 𝙚𝙫𝙚𝙣 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙞𝙚𝙧 𝙩𝙤 𝙘𝙤𝙣𝙨𝙞𝙙𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙄 𝙬𝙖𝙨 𝙤𝙣𝙘𝙚 𝙖 𝙛𝙞𝙧𝙢 𝙗𝙚𝙡𝙞𝙚𝙫𝙚𝙧 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙣𝙩𝙧�...