Chapter 3

16.9K 585 414
                                    

With still a slight throbbing of my head, I slowly opened my eyes as I let it adjust to the almost blinding light coming from my floor to ceiling windows.

Hindi ko naman kaagad napansin na hindi pala ako nag-iisa saaking silid. I only noticed Mommy Yvon when she let her presence be known to me.

“How are you feeling, hon?” it was mommy Yvon

Nang makapili ako ng unit ko kahapon ay hindi na ako nakauwi pa sa Forbes Park dahil sa panghihina. Natulog ako sa bago kong unit at inutusan nalang si Denver na ipag-shopping ako ng mga damit at iba pang necessities.

Kinabukasan ay binisita ako ni Mommy Yvon kaya ito ngayon nandito. Hindi naman nakasama si Mommy Val dahil ayon kay Mommy Yvon ay nasa Cebu daw ito at binisita ang site kung saan itatayo ang isa pang branch ng company namin.

“I’m feeling better, Ma. What time is it?” pikit matang tanong ko kay Mom

Naalala kong first day of school nga pala kahapon, ibig sabihin ay tapos na ang bakasyon at may pasok ako ngayong araw.

“It’s already 2 in the afternoon.”

Mabilis naming napamulat ang mga mata ko nang marinig iyon. Fuck! Halos patapos na ang last class ko, ibig sabihin ay absent ako buong araw. Kahit naman labag sa loob kong pumasok ay hindi ko naman ugaling umabsent.

Mukhang napansin naman ni Mom ang pagkataranta ko kaya muli itong nagsalita upang palubagin ang loob ko.

“Don’t worry, I already excused you through your Professor Isla. Idadaan nalang daw niya ang learning materials mo mamaya.”
Napangiwi naman ako sa narinig mula sa ina

Sa totoo lang, medyo gumaan ang pakiramdam ko nang marealize na hindi ko makikita ang pagmumukha noon ngayon tapos ganito ang malalaman ko kay Mom? Ayaw ko ngang makita iyon tapos, pupunta pa dito?

“Sana tinanggihan niyo na, mom. I don’t wanna burden, Professor Thomas.” I don't wanna burden kuno.

“It’s okay, hindi ko naman siya pinilit into doing it. Isa pa, you’re living in the same building, that won’t be too much of a burden on her side.” Oh, yeah.

Halos magkapitbahay nga lang pala kami ni Ma'am. Paano, ang unit niya ay nasa ibaba lamang ng saakin. Hers is 1703 while mine is in 1803, meaning concrete slab lang ang pagitan namin.

"Okay, Ma. If so say so then, okay po."

Kay Mommy Yvon lang talaga ako palaging talo, hindi naman din kasi ako makapalag kasi lagi siyang may nakahandang isasagot kaagad and she rarely takes no for an answer.

Paano kaya nakasurvive si Mommy Val?

“Do you want or need anything, Reagan?” tanong muli ni Mom ngunit umiling lang ako

"Actually, yeah. Can you ask Denver to come here?"

Ayokong mag-isa nanaman mamayang gabi. Nahihibang kasi talaga ako kapag nilalagnat tapos mag-isa lang. Kung sana ay maayos ang lagay ko, okay lang kahit wala akong kasama dahil nasanay naman ako.

"Denver isn't around, anak. Isinama siya ng Mommy Val mo sa Cebu." aniya

Dismayado naman akong napabuntong hininga sa nalaman. I guess that leaves me with no choice but to endure another sicken night alone.

"Anything else, anak?" I just gently shook my head

“I just want to sleep, Ma.” Maikling sagot ko.

Masakit pa rin kasi ang ulo ko kaya kung papipiliin ay ayoko munang magkikilos dahil baka mahilo lang ako.

This is what i hate the most kapag dinadapuan ako ng lagnat. I can’t function well, na ultimo pagtayo ay halos hindi ko magawa dahil nahihilo lang ako at minsan ay natutumba pa at nawawalan ng malay. Naiinis ako pero wala naman akong magawa dahil hindi ko kontrolado ang reaksyong iyon ng katawan ko.

Sweetest RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon