Chapter 27

16K 663 870
                                        

"Reagan! Sasama ba si Isla?"

Napalingon ako sa banda ni Ate Rue na siyang nagtanong noon. Hindi naman ako kaagad nakapagsalita dahil puno pa ang bunganga ng chips kaya tanging kunot noo lang ang naisagot ko.

"Reagan!" bulyaw ni Ate Ruciane

"Tewhsgska!" pilit na sagot ko

"Reagan!" saway naman ni Ate Rocky

Abnoy ba sila? Sila nga itong pilit ng pilit saakin na sumagot kahit puno pa ng pagkain ang bunganga tapos sila ang magagalit.

I swallowed the last pieces of chips before taking a hard look at them.

"Are you all nuts?! Kita niyong kumakain!" umirap pa ako at hinawi ang buhok, nakakastress

"Tinatanong ka nga kung sasama raw iyong kakainin mo?" ani Ate Ruciane

Sabay sabay kaming naglingunan ng mga kapatid ko sa sinabi niyang iyon. Blangko ang mukha ni Ate Rue at Ate Rocky, samantalang nakangising aso naman si Ate Ragel at Ate Raven.

"Kakainin? Bakit, sagot niya ba ang pagkain?" Litong tanong ko lalo dahil sa mga reaksyon nila. Hindi ko alam kung anong ibig nilang sabihin.

"Ruciane, isa pa." may pagbabantang sabi ni Ate Rocky

"Sasama raw ba iyong kakainin-"

"Francoise Ruciane!" sigaw ni Ate Rocky at Ate Rue

"What? Sabi ni Ate Raquel isa pa." kibit balikat na sagot niya

They both glared at her before Ate Rue cleared her throat and took a glass of water.

"Reagan, is Isla coming with us?" Ate Ragel asked

"I don't know. Why are you asking me? Kayo diyan ang mga kaibigan niya." kibit balikat na sagot ko

Inimbitahan ko naman siyang sumama at sinabing susunduin ko pa ngunit hindi naman siya nagreply kaya baka hindi niya gustong dumalo.

"I texted her, hindi raw inimbitahan ni Reagan." Ate Ruciane said, making me furrow my brows.

"Liar! Sinabi niya 'yon? I invited her." depensa ko sa sarili

"Kidding! Gusto ko lang malaman if you invited her yourself." she then winked at me

Sinungaling na nga, epal pa!

"So, what did she say? Sasama raw ba?"

"Hindi nagreply, kayo nalang ang mag message sakanya. Baka sakaling sainyo magreply."

May bahid ng pagtatampo ang boses ko nang sabihin ko iyon na mukhang nahimigan naman nila dahil puro sila ngisi. Mga abormal!

"Wala akong load."

"Me, too."

"Same here."

"Ako din, kaka-expire lang."

Halos sabay sabay na sabi ng apat kaya kay Ate Ruciane nalipat ang tingin ko dahil siya lang ang hindi nagsalita.

"Ikaw?"

"May load ako, pero hindi para kay Isla. Kung ayaw mo i-text, puntahan mo sa bahay niya." halos masapo ko naman ang noo roon

"Ate Rage! May wifi naman, use-"

"Isla doesn't use her social media accounts often." napapadyak nalang ako dahil sa frustration

"Itapon niyo na iyang mga phone niyo! Load lang wala pa, bulok!" I said in frustration

"Ikaw nga may load, wala namang ia-update. E'di itapon mo rin iyang sarili mo." Ate Ruciane said, earning herself a kick from me

"Ang kapal ng mukha mo, palibhasa ikaw lima ang ina-update!"

Sweetest RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon