"Ma'am, ang ganda ng girlfriend mo. Pwede bang girlfriend nalang natin?"
Kasalukuyan kong tinititigan ang frame sa table ni Ma'am kung saan naroon ang photo ng girlfriend niyang tinutukoy ko.
"Are you out of your mind?" walang ganang sagot nito saakin
"Suggestion lang naman, Ma'am, baka sakaling pumayag ka." ngisi ko rito
I am currently inside Professor Thomas' office. Pinatawag niya kasi ako dahil may quick call ang parents ko tungkol sa TVP and they think having Professor Thomas around is for the best.
"Won't you let go of that frame? I didn't give you a permission to touch any of my things here!"
Kasalukuyan naming hinihintay ang tawag ni Mommy Val na nasa meeting pa raw ayon sa secretary nito, kaya ito ako ngayon, kung ano ano nalang ang nasasabi out of boredom.
"Eh, totoo namang maganda siya, Ma'am. Bakit hindi-" Bakit, hindi ba? Masmaganda ba ako sa paningin niya? Aha! I know right.
"Shut it, Revamonte!" Di wow.
Nakafocus lang si Ma'am sa monitor niya pero hindi naman ito nagt-type or whatever, parang may pinapanuod lang ang ayos niya.
"You don't wanna share? Ako din, Ma'am, ayaw kitang i-share kaya mag-break na kayo at ako nalang ang girlfriend mo." Panggagatong ko pa sa kalokohang nasimulan
"Araw-araw kitang mamahalin, sasambahin, pagsisilbihan, paglilingkuran, luluhuran, didilig-" didiligan
"Oh, shut up! You're talking too much nonsense! You need internal cleansing." pang-ilang beses na saway nito sa kadaldalan ng bibig ko
"Internal cleansing? What does that mean, Ma'am?" Taka at litong tanong ko rito dahil totoong hindi ko naintindihan kung ano man ang ibig niyang sabihin doon.
"Magsimba ka, Revamonte! Baka sakaling makatulong pa sa'yo iyon habang maaga pa." aniya
Bumaling naman ako sa suot kong wrist watch bago pilosopong sinagot si Ma'am para lang lalo itong inisin.
"Late na kaya, Ma'am. Malapit na nga po mag-five pm, sasabihin niyong maaga pa."
Nakaawang ang bibig nitong bumaling saakin at tila may gustong sabihin ngunit hindi malaman kung paano. Halos mapasabunot na ito sa sarili dahil sa frustration.
Ewan ko nalang talaga kung saan ako pupulutin kapag isinumbong ako ni Ma'am sa mga kapatid ko. Kung ano-ano nalang talaga ang nasasabi ko para lang magkaroon ng conversation between us.
Bakit ba kasi ayaw niya akong maging friend? Ayaw niya ba ng isa pang magandang Revamonte sa listahan ng mga kaibigan niya?
"Ma'am, can I get your number? Para everyday kang may good morning and good night messages galing saakin." I wiggled my brows when I saw her looking to my direction
"I don't need your good morning and good night messages, Revamonte." bago ibinalik ang mga mata nito sa mga papel na nasa harapan niya
"Why not?" still not letting it go
Padabog niyang ibinagsak ang hawak na ballpen sa desk at halos lukutin na ang nadapuang papel ng palad nito.
"Because starting my day with you is already a day ruined! I don't want to end it with you in it again!" frustrated na sagot nito saakin
Bilib din ako sa haba ng pasensya ni Ma'am na sumagot sagot pa sa mga walang katuturang mga sinasabi ko, kahit na puro na siya dabog at pagsusungit.
"E'di facetime tayo while I'm studying and you're working para masganahan ka." I suggested once more
![](https://img.wattpad.com/cover/305918425-288-k338582.jpg)
BINABASA MO ANG
Sweetest Rebellion
RomanceABYSS GIRLS NO.1 (G!P) "𝙄𝙩'𝙨 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙮 𝙝𝙤𝙬 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚 𝙨𝙖𝙮 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙜𝙚 𝙩𝙖𝙠𝙚𝙨 𝙩𝙞𝙢𝙚. 𝙄𝙩'𝙨 𝙚𝙫𝙚𝙣 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙞𝙚𝙧 𝙩𝙤 𝙘𝙤𝙣𝙨𝙞𝙙𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙄 𝙬𝙖𝙨 𝙤𝙣𝙘𝙚 𝙖 𝙛𝙞𝙧𝙢 𝙗𝙚𝙡𝙞𝙚𝙫𝙚𝙧 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙣𝙩𝙧�...