Chapter 26

16.2K 589 772
                                        

"You ready?" I nodded in response as I held my jacket with me

Hindi ko pa isinuot ang top ko at tanging plain black shirt at dobok pants pa lang. The helmet and vest are with my Ate Ruciane who came to watch my final match against CSM.

"Are Moms coming or...?" tanong ko kay Ate habang inaayos ang benda ko sa kamay

"I think so. Dumaan lang yata sila sa Adler Town saglit bago didiretso dito. Ate Rue can't make it because she's out of town and I believe she informed you about that beforehand."

"Yup. What about Ate Raven, Ragel, and Rocky?" Wala lang, natanong ko lang. Hindi ko naman ini-expect na pupunta sila lalo na si Ate Rocky pero baka lang naman sumaglit.

"Ewan ko doon sa tatlong manananggal na iyon. Si Ate Ragel at Raven, natural nasa galaan nanaman. Ewan ko lang kay Ate Raquel." saglit nitong pinasadahan ng tingin ang cellphone niya bago muling bumaling saakin

"Baka kasama si Attorney." nangingiting wika ko.

I just can't help it. Ini-imagine ko pa lang ay talagang kinikilig na ako sakanila kahit na puro bangayan lang naman ang nasasaksihan ko. Bagay kasi talaga silang dalawa, iyon nga lang ay parehong sing-tigas ng bato at sing-lamig ng yelo.

Hindi mo malaman kung sinong unang matitibag o kung may matitibag ba. Hanggang asar lang naman kami sa dalawang iyon pero halatang ayaw na ayaw nila sa isa't isa. Sa pagkakaalam ko nga ay may boyfriend din si Attorney.

"Ikaw, kamusta iyong hinahatid sundo mo sa Vallejo High School? Ikaw ate ha, baka student pa iyan, makasuhan ka pa! That's pedophilia-"

"Gosh, Reagan!" she exclaimed in a low voice

Naalala ko lang na 24 na nga pala si Ate Ruciane. Ilang taon lang ang mga high school student, 16? 17? She can be considered a pedophile.

"Hindi ako nanliligaw ng student doon! Papasa na nga bilang mga pamangkin ko iyong mga students doon." Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig mula sakanya. That's enough for me to stop bugging her about the mystery person.

"Mommy Yvon texted me, she said they're already at the entrance." she informed me while showing me her phone

"Should we go there?"

"No need, nandoon na raw si Isla." Oh, okay. Iyong pangsiyam anak pala nina Mommy ang sumundo eh, e'di okay.

"By the way, Mom is asking if Gia is coming to watch?" pahabol na tanong ni Ate

"Uh, I don't know. Can you check? Tawagan mo using my phone. She knows you naman, pakilala ka lang." She shrugged before snatching the phone from my hand and dialing Gia's mobile number.

"Careful with my phone, Ate. Nasa notes ko ang lahat ng bank accounts pati social media accounts ko."

Sobrang makakalimutin ko kasi talaga. Though may back-up naman ako for that, mas accessible kasi kapag nasa phone lang dahil dala ko kahit saan man ako magpunta.

Uminom muna ako ng tubig habang kinokondisyon ang sarili. Hindi ko alam kung anong i-expect ko sa laban na ito dahil unang una, hindi ko naman pinanunuod ang laban ng ibang player. Pagkatapos kasi ng bawat matches ko ay umaalis ako agad.

"Wala pa rin?" tanong ko sa kapatid na umiling lang pagkatapos ay iniabot na saakin pabalik ang phone

Naningkit ang mga mata ko sakanya nang may maalala.

"Ikaw Ate tapatin mo nga ako. Gusto mo ba iyong kaibigan ko?" tanong ko sakanya

"Sinong kaibigan, si Derick? Ew! Over my dead body!" her face turned into a deep grimace

Sweetest RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon