It’s been almost two weeks since the classes started. Lalo na kaming naging abala in both academics and volleyball trainings. Minsan ay nahihirapan din akong ipagsabay dahil sobrang hirap na professor ko na si Ma’am Thomas ay coach ko pa at the same time.
Kung anong higpit niya sa classroom ay doble nito sa court. She won’t let us go until she’s sure we’ve maximized our strengths and energies, which I think is pretty unhealthy for all of us.
She’s overworking us, baka imbes na gumaling ay lalo lamang kaming hindi makapaglaro ng maayos. This will cost the team later.
I’ve been playing volleyball since middle school kaya sanay na ako sa mga rigorous trainings na required talaga sa sport. Ngunit pagdating sa drills ni Ma’am ay parang wala akong experience sa volleyball. It was like back to zero.
She’s a literal monster in court.
“Are you okay, Reagan?” bakas sa boses ni Derick ang pag-aalala habang marahan nitong hinawi ang buhok na tumatakip sa mukha ko
Nakasubsob ang mukha ko sa desk sa harap ko at pilit na sinusubukang matulog dahil sa hindi mabuting pakiramdam. Hindi pa rin nakakabawi ang katawan ko sa tatlong sunod-sunod na araw ng mabibigat na trainings.
“Yeah, no worries.” Nanghihinang sabi ko, hindi rin ako sigurado kung narinig niya ba iyon dahil sa sobrang hina ng pagkakasabi ko nito
I said yes when in fact, the answer is a big no. Ni hindi ko na nga alam kung anong pahinga pa ang gagawin ko dahil maski pagtulog ay walang nagagawa.
Pahirapan na sa training, tambak pa ng assignments sa subjects niya. Idagdag pa ang inconsiderate deadlines. Sobrang sipag ni Ma’am, she deserves promotion, iyon bang ililipat siya sa ibang school at hindi na dito magtuturo.
Gayunpaman, hindi maipagkakaila ang angking galing ni Ma’am Thomas. In classroom setting, she’s excellent in explaining concepts the simplest and fastest way possible na maski bobo ay maiintindihan ito. Sa court naman ay lalong magaling ito. It’s like she was born to rule the court.
But something in me still hates her.
“You’re so pale. I mean, you have a naturally fair skin but this time, you look like you need ten gallons of blood be transfused to you right here, right now.” His voice is still laced with worry
“Just lacking of sleep but I’ll be fine. Itutulog ko lang ito, magiging okay na.”
Sa haba ng oras na paghihintay namin sa isa naming professor ay hindi rin naman ito sumipot. Ending ay umalis na kami kahit na hindi pa tapos ang oras.
Tumulak si Derick sa cafeteria upang kumain habang ako naman ay sa library nagtungo para magbasa ng mga lessons na hindi ko gaanong nasundan dahil sa laging antok tuwing klase.
Iyong poging librarian nanaman ang naka-duty kaya kahit paano ay nabuhayan ako ng loob habang papalapit sakanya para makapaglog-in. Nang makita naman ako nito ay mabilis din siyang napangiti kaya maski ako ay nahawa.
Positivity is really highly contagious. Take it as how you want to.
“How are you feeling? You look pale.” Puna rin nito na inilingan ko nalang
I don’t feel like having a conversation with anyone right now, kahit pa sa poging librarian na iyon. Babalik nalang siguro ako dito next time kapag nasa mood na akong makipaglandian sakanya, isisingit ko sa busy schedule ko.
I walked to the same cubicle, the one farthest from the door at kung saan walang makakakita saakin kung hindi sila lalapit ng husto. Tago kasi ang bandang ito kaya minabuti kong dito pumunta para hindi na madisturbo ng mga esudyanteng magpupunta din dito para mag-aral.
BINABASA MO ANG
Sweetest Rebellion
Roman d'amourABYSS GIRLS NO.1 (G!P) "𝙄𝙩'𝙨 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙮 𝙝𝙤𝙬 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚 𝙨𝙖𝙮 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙜𝙚 𝙩𝙖𝙠𝙚𝙨 𝙩𝙞𝙢𝙚. 𝙄𝙩'𝙨 𝙚𝙫𝙚𝙣 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙞𝙚𝙧 𝙩𝙤 𝙘𝙤𝙣𝙨𝙞𝙙𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙄 𝙬𝙖𝙨 𝙤𝙣𝙘𝙚 𝙖 𝙛𝙞𝙧𝙢 𝙗𝙚𝙡𝙞𝙚𝙫𝙚𝙧 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙣𝙩𝙧�...