A/N: Derick on the media above
▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎
”What happened to you?” nakangusong tanong ni Derick saakin habang pinagmamasdan akong tamad na tinitinidor ang pastang inorder
Inaya ko itong kumain sa labas dahil sinasadya ko talagang takasan si Ma’am Thomas. Kahit hindi ko alam kung may plano pa rin siyang sabayan ako pagkatapos ng komprontahan namin ay minabuti kong manigurado nalang.
“I just hate that Professor Thomas.” Walang prenong sabi ko
Sandali ko pa lang nakikilala si Derick at alam kong hindi magandang nagsasabi ako ng mga ganoong saloobin sakanya pero wala akong pakialam kahit na isumbong pa niya ako kung sakali.
“Why, what happened? Everyone in school likes her, it’s surprising to hear this coming from the great Thalia Revamonte.” Tamad ko siyang tiningnan bago nagpeke ng ngiti
"Are you trying to make me laugh? Why would they like her? Mahihiya pa ang yelo sa sobrang lamig niya, walang kagusto-gusto sakanya.” Thinking about her makes my eyes roll by themselves, ganon ko siya kaayaw
“Are you fucking blind? She’s gorgeous and hot as fuck. Maging ako na bakla ay crush siya, Reagan.” Siya naman ngayon ang umirap saakin dahil hindi matanggap ang sinabi ko
“Maganda nga, panget naman ang ugali.” Bulong ko sa sarili dahil ayaw ko naming idamay pa si Derick sa bashing na ginagawa ko kay Ma’am Thomas
Oh, before you judge me, I know my flaws, too. Alam kong hindi rin maganda ang ugali ko towards her but it's justifiable! Eh, siya? She's like that to everyone like everyone in this world did her bad!
I won’t deny the fact that she’s indeed gorgeous and okay, hot. I'd give her that. Pero ano naman? Madami na akong nakitang magaganda, actually, higit pa sakanya.
Nag-aral ako ng high school sa Paris kasabay ng pag-aaral ni Ate Ragel sa isang business school doon kaya suki kami ng mga runway and fashion show ng mga sikat na brands.
We have model friends, the highest paid ones, kaya kung usapang ganda at sexiness lang naman ay hindi na bago saakin. Bibihira nalang kung mamangha ako sa itsura ng isang tao.
Beauty rarely impresses me anymore. If you want to appease me, show me how you work on things, how you treat people, and how your mind works in wondrous ways. Beauty is temporary but these things are for lifetime.
Mommy Yvon and Mommy Val’s are the only exemptions though. Their beauty just never fades. In layman's terms, it simply is timeless. Kahit na araw araw ko silang kasama sa bahay ay hindi ako nagsasawa at palagi pa rin akong gandang-ganda sakanila.
Not to be narcissistic or anything but bukod yata sa mga magulang ko ay ako nalang ang pinakamaganda. Maliban nalang sa mga anak ko in the future.
“We should go back.” Aya ni Derick pagkatapos naming magpahinga saglit after eating
Ilang minuto nalang din kasi ay magsisimula na ang susunod na klase namin, mabuti nalang at hindi rin kalayuan sa Vallejo ang nakita kong Italian restaurant. Mabuti nalang din at pareho lahat ng subjects namin ni Derick kaya hindi ako problemado na baka mapag-iwanan.
This is our last class for today before we’re free to go home. Iyon ang naging motivation ko para pumasok sa klaseng iyon. Maayos din naman ang professor namin doon which is Miss West.
I just can’t wait to go home to recharge myself a bit before I attend practice and eventually cross paths with the woman I oh so love to see.
Note the sarcasm. Iniimagine ko pa lang ang mga mangyayari ay halos mawalan na ako ng ganang mabuhay sa mga oras na iyon.

BINABASA MO ANG
Sweetest Rebellion
RomanceABYSS GIRLS NO.1 (G!P) "𝙄𝙩'𝙨 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙮 𝙝𝙤𝙬 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚 𝙨𝙖𝙮 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙜𝙚 𝙩𝙖𝙠𝙚𝙨 𝙩𝙞𝙢𝙚. 𝙄𝙩'𝙨 𝙚𝙫𝙚𝙣 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙞𝙚𝙧 𝙩𝙤 𝙘𝙤𝙣𝙨𝙞𝙙𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙄 𝙬𝙖𝙨 𝙤𝙣𝙘𝙚 𝙖 𝙛𝙞𝙧𝙢 𝙗𝙚𝙡𝙞𝙚𝙫𝙚𝙧 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙣𝙩𝙧�...