Chapter 37

15.3K 635 1.5K
                                    

"Talo ka naman so you have to give me my hot chocolate now, Zambrano."

Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa cafeteria kahit na kakapasok palang namin sa Vallejo.

"Win or lose, I'll give you your hot choco naman so chill, girl." umirap pa ito saakin

Pagkaliko na pagkaliko palang namin sa corridor na papuntang cafeteria ay tila gusto ko nang umatras dahil sa nakitang makakasalubong namin.

"Thali, let's go." tawag saakin ni Derick

"Come on, bakit ikaw ang iiwas? Hindi mo naman kasalanan. Let her feel guilty of what she did." buling nito saakin

He is right. Wala naman akong ginawa kaya bakit ako ang takot magpakita. I can always ignore her if I want sakali mang guluhin niya ako.

It's been almost three weeks since we got home from Greece at isang linggo na narin ang nakalipas nang icelebrate ko ang birthday ko. Hindi ko parin siya kinakausap kahit nakailang subok na ito.

"Reagan." I heard her call but I didn't stop nor turned to her

Bahagyang nakalayo na kami nang magulat akong bigla nalang may humigit sa braso ko mula sa likuran.

"Will you hear me out?" may bahid ng inis ang boses niya kaha bahagya akong natawa doon

"Ikaw pa ang galit? Wala na ba talagang ikakapal ang mukha niyo, Professor?" sarkastiko akong ngumisi sakanya

"Reagan, talk to me-"

"You had your chance to explain yourself but you chose not to. You screwed up big time, Ma'am."

I remained calm outside pero ang loob ko ay tila sasabog na sa labis at halo halong emosyong nararamdaman dahil sakanya.

"Now do me a favor and stop pestering me." pinal na sinabi ko at akmang aalis na sana nang muli niya akong higitin

"Reagan-"

"Explain!" madiin ngunit mababang sabi ko

"Explain now. This is your last chance to redeem yourself." dagdag ko pa

"Meet me at my office later-"

"I have to go somewhere after class." putol ko sakanya

Ngayon kasi ang uwi ng magkakapatid na Casimiro kasama si Ate Ruciane na babalik narin sa Preston. Tinapos niya lang kasi ang birthday ko bago umalis.

"Reagan, stop making excuses." aniya

"I am not. Huwag mo akong itulad sa'yo." sabay natawa ako sa sariling sinabi

"Masuwerte kang hindi alam ng mga kapatid ko ang tungkol dito kaya maawa ka sa sarili mo, tutal hindi ka naman naawa saakin, diba?"

I purposely didn't let my family know about it dahil ayokong maapektuhan ang relasyon nila. Hindi ko ugaling isumbong ang ganitong bagay. Ayokong idamay silang lahat dahil lang nasasaktan ako.

"Reagan, here's your hot chocolate." singit ni Derick sa usapan namin

"Oh. Hi, Professor Thomas." pekeng ngumiti pa ang kaibigan ko sakanya

"So, what Isla? Are you going to explain yourself?" tanong ko sakanya

"Meet me."

"I will meet you if you tell me you'll explain. Because I'm not wasting any more of my time for bullshits. It's a yes or no question, professor. Magpapaliwanag ka ba o gagawin mo lang ulit akong tanga?" dire-diretsong sabi ko

I waited for her to answer. It's a simple yes or no question and yet she couldn't bring herself to talk? This already says a lot.

"Oops! Time is up, professor." it was Derick who said that, just in time dahil balak ko naring umalis

Sweetest RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon