Chapter 33

17.4K 650 885
                                    

"Night, make it fast! Ikaw nalang ang hinihintay!" inip na tawag na rin ni Ate Vlad sa kapatid nito

Today is our game against the Aces and we still have to travel for like an hour or an hour and a half. Sa home court kasi nila gaganapin ang laban namin kaya ganoon.

Ate Vlad and Night wanted to come with me so I let them. Hindi naman makakapunta ang mga Ate ko dahil halos nasa mga business trip sila ngayon. Sina Mommy naman ay abalang abala sa magkabilang kompanya.

"Ate Rue will come, she said." ani Ate Vlad, showing me her phone kung saan may kararating lang na mensahe galing kay Ate

"Okay. Should we wait for her or susunod nalang siya sa Colegio De Armendarez?" tanong ko

"I think it's better if mauuna na tayo, Reagan. I'll just tell your sister na sumunod nalang doon."

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba na rin si Night sa wakas. Wala na kaming sinayang pang oras at kaagad nang tumulak sa venue. Nagpaalam na rin naman ako sa assistant coach na hindi na ako pupuntang Vallejo at didiretso nalang.

"Do you still play basketball, Reagan?" tanong ni Night na nasa backseat kasama ng mga gamit ko

"Minsan, kapag may makakalaro." sagot ko

"Ayan si Vlad kalaruin mo. Basketball player din iyan noong college, baka nangangalawang na." matalim na mga mata naman ang iginawad ni Ate Vlad sa kapatid nang sabihin iyon ni Night

"Really, Ate Vlad? Maybe we can play sometimes." pasaring suhestiyon ko

"I don't know, Reagan. We are kind of busy at Revmont-"

"Oh, come on, Vlad! We came here to have a break tapos magt-trabaho ka parin? Pagbigyan mo na si Reagan, don't be walang kuwenta." umirap pa ito

"Night!" sabay na  sigaw namin ni Ate Vlad na muli nitong ikinairap

"What about your suitor, pupunta ba?" nakahalukipkip na tanong ni Night

"No. She's overseas right now." simpleng tugon ko

Kasalukuyan kasing nasa Hong Kong si Professor Thomas para sa isang international conference bilang representative ng Vallejo. Ang assistant coach muna ng ang siyang magiging head coach sa game na ito.

"You know what? I still can't believe na manliligaw mo iyong Isla. She's too pretty." komento ni Night

"Are you saying that I'm not-"

"Chill! That's not what I meant! Hindi ko lang akalaing sa babae pala may gusto iyon!" paglilinaw niya sa sinabi

Hindi nalang ako sumagot. Maski ako ay hindi parin makapaniwala hanggang ngayon sa sinabi niya noong gabing iyon. Nang tanungin ko naman siya nang kami nalan dalawa ay halos kapareho lang din ang sinabi.

"Why did you say that?" tanong ko sakanya

"Because that's it. I will court you." prenteng sagot niya saakin

"But you didn't ask me first." sabi ko parin kahit wala naman talagang problema saakin iyon, gusto ko lang malaman ang rason niya

"Kailangan ba?" kunot noong tanong niya

"Of course!"

"Well, I didn't know. Ikaw palang naman ang niligawan ko." tugon niya saka bumuntong hininga

"Liligawan kita, Reagan. I'm not asking for your permission, I am just informing you." she added

Iyon ang sinabi niya saakin nang komprontahin ko siya at mukhang tinotoo nga niya dahil pansin ko ang naging pagbabago nito.

Sweetest RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon