Chapter 9

15.1K 585 268
                                        

Naglakad na kami papasok sa bahay and as expected, walang tao sa loob. Sunod ko siyang dinala sa pool area kung saan ko naririnig ang mga bunganga ng mg kapatid ko.

"Calm down, hindi naman nangangain ang mga kapatid ko."

Naramdaman ko naman ang pagkapit ni Gia sa palad ko kaya hinigpitan ko ang hawak doon just to let her know that all is well.

“Oh my goodness, Thalia! Ang sabi mo ay wala ang mga kapatid mo.” Matigas na bulong saakin ni Gia habang palapit kami sa kung nasaan sila

“I didn’t say na wala silang lahat. Ang sabi ko’y hindi kami kompleto because, as you can see, our first born, Ate River isn’t here. But looks like may kapalit naman siya, left side fourth chair.” Pabalik na bulong ko dito kaya tumingin naman siya sa sinabi ko

Nagtama ang tingin naming dalawa ni Ma’am Thomas. Hindi na rin naman ako nagtaka kung bakit nandito siya kasi kaibigan nga siya ng mga kapatid ko at mukhang wala ito laging kasama sa bahay niya.

Gustong gusto rin siya ng parents namin kaya she’s basically part of the family. Kulang nalang ay maging Revamonte rin ang last name niya.

“What is Coach Thomas doing here?” tanong niya ngunit tinapik ko lang ang likod nito, telling her that I will tell her later. For now ay kailangan naming i-greet ang mga taong kanina pa saamin nakatingin.

“Hello there, gorgeous people. Are we late for the family lunch?” ngiti ngiting pagbati ko while I go to my Ate one by one to kiss their cheeks.

Hindi ako nag-iisip habang ginagawa iyon dahil nasanay akong ang mga ate at mommies ko lang ang lagi kong kasama dito sa bahay so I basically give everyone a kiss. Kaya naman hindi sinasadyang pati si Ma’am Thomas ay nahalikan ko ang pisngi.

“Sorry, Professor Thomas. Isipin mo nalang that’s for my Ate River, proxy ka.” Bulong ko

Nag peace sign pa ako bago tumungo sa mga magulang ko. Huli akong humalik kay Mommy Val bago bumalik sa kasama kong nahihiyang nakatayo pa rin.

Pansin ko naman ang masamang tingin saakin ni Ma’am. Nag-sorry na nga ako, sabi na ngang hindi sinasadya eh!

Anong gusto niya, isadya ko ba? Natawa naman ako sa iniisip.

“Care to introduce that pretty girl beside you, Reagan?” Basta babae talaga.

Ngumisi si Ate Ruciane ngunit nangiwi din at hinawakan ang paa nito bago masamang tumingin kay Professor. I noticed her mouthed something to Professor na inilingan lang ni Ma’am.

Tumikhim ako. “Of course! This pretty girl you’re seeing beside me is Georgianne Ingram Vista, my volleyball teammate, schoolmate, and girl friend.”

I watched in amusement as their faces formed different reactions. Most of them are surprised but Ate Ragel and Ate Ruciane are just smirking at us. These two! Si Ma’am naman ay ganoon pa rin ang mukha, parang inaway ko nanaman.

Wala yatang alam na ibang expression si Ma'am. Kung hindi blangko at galit o inis, hindi ba iyan tinuruan ng Mama niya noong bata pa siya? Parang pasan niya lagi ang problema ng buong universe.

“Girlfriend, you mean-“ si Mommy Val iyon na nakangiti rin pero mabilis siyang pinigil ni Gia

“She meant girl na friend po, Ma’am Valeria. You all can call me Gia po.” Nahihiyang ngumiti ito sakanila

"Actually, Mom, she's a big fan of yours." Nahiya tuloy lalo si Gia nang sabihin ko iyon, kulang nalang ay lumubog na siya sa kinatatayuan.

"That's really nice to know, Gia. Thank you, I appreciate you." Mommy Val smiled genuinely at her

Sweetest RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon