Chapter 20

14.4K 603 560
                                    

"Can you wait for me? I'll just go fetch Gia and Nanay."

Kasalukuyan kaming bumabasta para tumungo na sa Vallejo. Today is the day. Tonight is the pageant night. Nagpaalam muna ako kina Mommy upang sunduin sina Gia para makanuod din.

"Sure, don't take too long." Si Ate Ragel ang sumagot at pagkatapos noon ay umalis na ako patungo kina Gia.

Hindi kagaya noon ay madali ko nalang nararating ang bahay nila. Kabisado ko na kasi ang daan patungo doon at maging ang mga kapitbahay nila ay kabisado na rin ako. Sa tuwing nagagawi ako roon ay nasa tapat ng mga bahay nila nakatambay ang mga ito.

"Gia." I called from their gate. Hindi ako agad pumasok dahil sarado iyon ngunit ang pinto ng bahay nila ay nakabukas naman kaya nalaman ko na may tao.

Napag-usapan na namin ito at pumayag naman siyang magpasundo. Gusto rin daw talaga nilang panuorin ang laban ko kaya minabuti kong sumundo nalang kesa maabala pa sila sa commute.

"Lia, pasok ka nalang! Bukas naman iyang gate, itulak mo lang." sa second floor nanggaling ang boses niya, siguro ay naghahanda na rin

Pagkapasok ko ay ang Nanay niya ang nadatnan kong nakaupo sa isang ratan na upuan habang nakaharap sa maliit na television na halos wala nang makitang picture dahil sa hina ng sagap nito. Nakabihis na rin ito at mukhang si Gia nalang ang hihintayin.

"Mano po, Nay." Dito ko lang nagagawa ito, hindi kasi uso sa bahay. I should probably start doing it at home to my sisters and Moms.

"Kaawaan ka ng Diyos, Reagan. Hintayin nalang natin saglit si Gia, galing pa kasi iyan sa pagbebenta ng banana cue." That made me smile for some reason.

Nangako si Gia saakin na kapag hindi na ako busy sa Sport Fest ay isasama niya ako sa pagbebenta dahil na rin sa pagpupumilit ko. I'm actually excited to experience it.

"Lia, let's go?" ani Gia na nakababa na pala at handa na ring umalis

"Hmm, ganda!" I complimented her and I noticed how her cheeks reddened. Cute. Napakamahiyain talaga.

Tulad ng plano ay bumalik muna kami sa bahay sa halip na dumiretso agad sa Vallejo. Naroon pa kasi sina Mommy at ang mga kapatid ko kaya doon muna kami bago sabay sabay na tutulak.

"Dito ka nakatira, Reagan?" tanong ng Nanay ni Gia nang makapasok kami sa main entrance ng Forbes Park

"Opo." maikling sagot ko habang may malaking ngiti sa labi

The look on her face reminded me of when I first took Gia here with me. Ganoon na ganoon din ang reaksyon niya, no wonder mag-ina nga sila.

"Kung sabagay ay pag-aari nga pala ito ng mga Revamonte." aniya

Nang marating namin ang bahay ay lalo lamang nadepina ang pagkakamangha niya ngunit nahahaluan iyon ng iba pa ngunit hindi ko iyon mapangalanan. Kapareho noong si Gia ang napunta rito, marahil ay nahihiya rin.

"Ready na ba lahat?"

We're all ready to head to Vallejo. It's already four in the afternoon and the pageant will start at seven in the evening.

Pinauna na kanina roon lahat ng gamit ko maging si Hera ay nauna na kanina pa with my make-up artists and stylists. Kaming pamilya nalang ngayon ang narito dahil hinintay pa namin si Ate Rue na makabalik from I don't know where.

"I think we're all ready, Ma." Ate Rue answered Mommy Yvon's question when she saw us approaching.

"Hello po." My sisters said in unison when they saw Gia's Mom with us. Hindi kagaya ko na hindi marunong noong una, sila ay sunod sunod na nagmano sakanya.

Sweetest RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon