We're currently at the Vallejo Grandstand. Maraming booth and nakatayo dito ngayon unlike sa usual na ayos nito na empty lang para sa practice ng baseball and soccer team ng Vallejo.
We are told na ngayon kami pipili ng organizations na gusto naming salihan hence there are a lot of different booths by different school organizations. Hindi ko alam kung ano ang sasalihan ko dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang mga organizations na meron sila.
Si Derick ang kasama kong naglibot dahil hindi ko naman kaklase si Gia at mahirap siyang hagilapin dahil maraming students ngayon sa labas.
Mabuti nalang din at mayroon itong event, hindi ko makikita si Ma'am Thomas sa tatlong sunod-sunod na subjects niya saamin.
"How many organizations are there in total?" tanong ko kay Derick habang binabaybay naming ang kahabaan ng linya ng mga booths
Abala naman ako sa pag-inom ng hot chocolate na bigay saakin ni Derick.
Araw araw na niya akong binibigyan ng ganito simula noong unang humingi ako sakanya, which is in favor naman saakin dahil paborito ko itong inumin.He also gives me hot choco everytime na mapapansin nitong bad trip ako. I mentally thanked the heavens for giving me him because he's surely a blessing in disguise.
"There were 14 organizations in total last year but I heard may nadagdag na isa ngayon though I still don't know kung anong org iyon."
Alam kong napaka-out of place but I can't help but to stare at him. He really has the looks, plus the dimples, oh my gosh! Bakit nga ulit naging bakla siya? Kung hindi lang ay magpapalahi na talaga ako dito, ang guwapo at bait pa.
"Ang dami naman palang organizations dito." Sambit ko kahit na ang isip ay busy pa rin pagpantasyahan siya
Matangkad si Derick and mestizo, which is understandable because his mother is white habang ang Daddy naman niya ang Filipino.
Only child din siya kaya hindi niya magawang mag-out sa parents niya kasi natatakot ito, inaasahan daw kasi siya ng Dad niya na maikasal sa isang business partner nila. I even told him na ako nalang ang pakasalan.
"Yes. Maybe interested kang sumali sa Vallejo Sports Org? Here's their booth, si Ma'am Thomas ang adviser nila." Tinuro niya ang booth sa tapat namin
Maganda at malinis ang pagkakaayos ng booth nila. Hindi siya overdecorated at simplistic ang dating. It screamed formality na medyo hindi tugma sa organization nila. Sana ay binuhay naman nila ng kaunti. Siguro ay concept ito ni Ma'am.
"Uy, si Revamonte!" dinig kong sabi ng lalaking nandoon sa katabi niya. Siguro ay hindi niya sinasadyang malakasan iyon at marinig ko dahil mabilis nitong tinakpan ang bibig niya
The other guy cleared his throat before approaching me. Halata ko naman ang pamumula ng leeg at tenga nito.
"Hi, Miss Revamonte. I am Asher, captain of the basketball team. Perhaps, you wanna sign up with us?" mahiyaing ngumiti siya saakin bago iniabot ang form
Tinanggap ko lang iyon ngunit hindi kaagad na sinagutan. We're allowed to take as many as we want at tsaka na magdi-decide kung saan naming gusto sumali. Ibabalik nalang naming ang form na nasagutan sa booth ng organization na napili pagkatapos.
"Si Professor Isla Thomas pa rin ba ang adviser Ninyo, Ash?" tanong ni Derick
"Yes, siya pa rin. Pero may isa pa siyang organization na hawak, hindi ko lang alam kung ano. Nandoon yata si Ma'am ngayon kaya kami lang ni Brian ang nandito."
"Siguro iyong bagong org ang isa pang hawak ni Ma'am." Singit noong isang lalaki sa usapan. Ito siguro ang Brian na tinutukoy niya, iyong tumawag sa apelyido ko kanina.

BINABASA MO ANG
Sweetest Rebellion
RomanceABYSS GIRLS NO.1 (G!P) "𝙄𝙩'𝙨 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙮 𝙝𝙤𝙬 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚 𝙨𝙖𝙮 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙜𝙚 𝙩𝙖𝙠𝙚𝙨 𝙩𝙞𝙢𝙚. 𝙄𝙩'𝙨 𝙚𝙫𝙚𝙣 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙞𝙚𝙧 𝙩𝙤 𝙘𝙤𝙣𝙨𝙞𝙙𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙄 𝙬𝙖𝙨 𝙤𝙣𝙘𝙚 𝙖 𝙛𝙞𝙧𝙢 𝙗𝙚𝙡𝙞𝙚𝙫𝙚𝙧 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙣𝙩𝙧�...