Chapter 39

17.6K 711 1.9K
                                    

Ruciane's POV

...

"Ano, ano? Putang ina mo ha, di mo'ko maiisahan gago ka!" sabay konyat ko kay Night nang mailapag ang uno cards

"Ouch! Are you fu-"

"What are you going to say, Night?" then suddenly, Auntie Vida came in unannounced

"Nothing, Mom. Bati kami ni Ross." then she hugged me by the neck too tight I almost couldn't breathe

"Night!" sigaw ni Auntie Dawn na kasunod narin pala ni Auntie Vida kanina

"Bakit nandito kayo, Mom?" kunot noong tanong ni Night sa mga magulang niya

Maski ako ay ganoon din naiisip na tanong. Hindi naman kasi nagagawi rito sa bahay sina Auntie lalo na kapag wala naman sina Mommy kaya nakakapanibago lang na nandito sila ngayon.

"When was the last time you checked your phone, Ruciane?" diretsong tanong ni Auntie Vida saakin

"Uh, before our flight back here so, mmm, a day or two ago." I shrugged with knitted brows

Hindi naman kasi ako mahilig mag cellphone. Maybe noon, noong nanliligaw pa ako pero ngayon hindi na.

Auntie Vida sighed habang si Auntie Dawn naman ay lumapit sa asawa nito at marahang hinagod ang likuran na tila ba pinakakalma niya si Auntie.

"Go, check it." sa tono ng pananalita ni Auntie Vida ay bigla akong kinabahan

The flashbacks of what happened to Rael suddenly came rushing back to my mind. Ganitong ganito rin sila nang ibalita saakin iyon habang nag-aaral ako dito sa US.

"W-What's up, Auntie?" pilit na tumawa ako but it turned out to be a nervous laugh

"Just go check it, anak." mahinahon at marahang sabi ni Auntie Dawn

Doon ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko ngunit hindi ito tuluyang nawala. Tinakbo ko ang distansya mula sa living room papunta sa kuwarto ko kung saan iniwan kong nakacharge ang phone ko.

Kinailangan ko pang i-power on iyon kaya habang hinihintay ay naglakad takbo ako pabalik sa baba.

"Power on ko muna po." malapad ang ngising ibinagsak ko ang sarili sa couch katabi ni Night

Nang makapagrefresh ang cellphone ko ay saka ako nakatanggap ng madaming notifications. Nakita kong lumitaw ang pangalan ni Reagan doon kaya iyon ang una kong pinindot at hindi na inabala pa ang sarili sa iba pang mga mensahe.

Bunso first before anything else.

"I got voice mails from Reagan." I happily showed them

Sanay naman akong ganito siya kasi noon pa man, kapag nalalayo saakin ay puro tambak na voice mails talaga ang inaabot ko sa batang iyon.

"Let's hear it!" maging si Night ay nakangiti at interesadong inilapit ang tenga sa phone ko nang i-play ko ang unang mail

"Ate Ross! I miss you!" iyon lang ang laman ng unang voice mail niya pero sapat na para mapangiti ako

"Oh, bakit nakikingiti ka diyan? Ikaw ba sinasabihan?" baling ko kay Night na may singlapad ding ngiti

"Pake mo ba!" sabay pinakinggan namin ang pangalawa

"Come home sooner. Balik tayo sa field nina Night, Ate Vlad, and Ate Rage. Sama na natin si Denver sa susunod." then she giggled at the end of the vm

She sent me a  total of five voice messages at dalawa palang ang napakikinggan namin. It was all sent the day after I left the Philippines.

Tamad talagang mag type ang isang iyon. Ang pangatlong voice mail niya ay puro lang pagtawa, wala namang sinabi.

Sweetest RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon